Nakita ko ang pagdilim ng mukha ng aking amo. Tila hindi nito nagustuhan ang aking mga tinuran. Halos magdikit din ang mga kilay nito dahil sa inis sa akin. "Huwang sabihin na may balak gawin sa akin?!" pasinghal na tanong nito. "Ha! Ano'ng tingin mo sa akin senyorito masamang tao?" tanong ko pa. Hindi naman ito nagsalita bagkus ay nakatingin pa rin siya sa akin habang hindi maipinta ang mukha. "Sige na, kuhanin mo iyang brown envelope. At basahin mo na ang mga nakasulat sa papel," utos nito sa aking sabay turo sa envelope na nasa ibabaw din ng kama. No choice naman ako kundi sundin ang gusto nito. At nang makuha ko na ang bagay na sinasabi nito ay agad kong kinuha ang nasa loob noon. Upang basahin ang mga nakasulat. "Mga gagawin ng aking alipin na si Manang!" malakas ko pang pagkaka

