There’s no time to spare at alam ni Jia na kapag nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ni Michael ay mapapahamak si Chief Gary. But what he is saying is impossible. Tatawagin si D? How? She doesn’t even know his number. “M-may number ka n-ni D?” Hindi alam ni Michael kung matatawa ba siya o ano sa tanong na iyon ni Jia. She looks innocent while looking straight to him. Napangiti siya. Pero ang ngiti niyang iyon ay agad rin na napalis nang makita ang hitsura ni Jia habang nakatingin sa gawi nila Chief Gary. At ganoon na lang din ang pagsalakay ng sindak sa katawan niya nang makita ang unti-unting paglapit ng daliri ng lalaki sa trigger ng baril na nakatutok sa ulo ni Chief Gary. Hindi alam ni Michael ang gagawin. Tiningnan niya ulit si Jia. And for the first time, he saw her confused an

