Malayo pa lang sa may malaking bakod na sa tingin ni Michael ay private property ay pinarada na ni Jia ang motor. “Bakit dito? Ilang metro pa tayo sa gate, ah?” mahina niyang saad sa dalaga na ang tanging sagot lang nito ay samaan siya ng tingin. Napataas siya ng mga kamay dahil sa deadly stare nito sa kaniya. “Kalma lang.” “Ang ingay mo!” may diin ngunit mahina nitong saad sa kaniya. “We’re here to hide, at para makapasok tayo nang tahimik ay kailangan mong huwag mag-ingay. Stop talking, okay?” Hinawakan siya ni Jia sa kamay at hihilahin na sana sa kamay pero hindi siya natinag. Seryoso na si Michael this time. Alam niya na nasa panganib si Chief Gary. Pero ang hindi niya alam ay kung bakit... “Bakit alam mo ang lugar na ito, Jia? Bakit alam mo na rito dadalhin sa lugar na ito si Chi

