Si Michael ay naalarma sa reaksiyon ni Jia. Sa tingin niya ay may hindi magandang nangyari dahilan upang mas rumihestro ang galit sa magandang mukha nito. “What happened, Jia? Sinamaan siya nito ng tingin. Ang buong akala niya nga ay hindi siya nito sasagutin, ngunit nagkamali siya. Sandali rin niyang nakita ang paglambot ng mukha ni Jia kasabay ng pagrehistro ng takot sa magandang mukha nito. Kaya sa tingin niya ay may hindi magandang nangyari. “S-si Chief Gary, n-nawawala,” saad nito na halos matumba pa kaya agad niyang inalalayan ang dalaga. “Hey, stay calm.” Hawak niya ito sa bawyang bilang suporta. “Tell me what happened.” “N-nawawala nga raw si Chief Gary! Hindi mo ba ako narinig?!” sigaw nito sa kaniya at lumayo sa pagkakahawak niya. “I knew this would going to happen! Fvck

