Pagbaba pa lang ng mga bagong dating galing sa isla ay may may isang pares na ng mga matang nakatingin sa kanila. Masaya ito. Nagniningning pa ang kulay pula nitong mga mata dahil sa excitement. Sa utak nito ay kung ano-ano ang mga kasamaan na tumatakbo. Then he chose his target. Isang pulis na alam niyang kinalulugdan ng Maykapal. Isang pulis na hindi man lang nakuha sa panunuhol kahit pa gaano kalaking halaga ang inilalapag sa harapan nito. “You will meet your end, old man. Malapit na. At alam kong hindi ka tutulungan ng Diyos mo. Dahil parati lang naman siyang nakatingin sa mga anak niya raw na nahihirapan.” Matapos niyon itong sabihin ay tumawa ito ng malakas. Kataka-taka na wala man lang nakakapansin sa nilalang na iyon. At nang may dumaan na tao sa mismong katawan nito ay tila

