Si Chief Gary, kailangan kong bantayan? Pero bakit? Napaingin ulit si Jia kay D. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Pero mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit nito iyon sinabi. Ano ba ang mayroon sa butler ni Rik? May nakikita rin ba itong katulad niya kaya nalalaman nito ang ano mang mangyayari pa lang? People are getting weird... Napailing siya pagkatapos ay tumayo. “Saan ka pupunta?” tanong sa kaniya ng kapatid niya. Nilingon niya naman ito at nginitian. Nasa sala sila at nanonood. Katatapos lang nilang kumain kaya dito sila sala tumambay par matulog. They’re watching some random series on certain platform. “Magpapahangin lang. Maglalakad-lakad na rin sa garden para naman matunaw itong kinain ko.” Sisipol-sipol pa siyang lumabas ng bahay habang nasa b

