“Jia. Hija?” untag ni Chief Gary sa kaniya kaya naman napakislot pa siya. Hindi pa nga niya nasasagot ang tanong nito sa kaniya. Ano ba ang sasabihin niya? Ano ang dapat niyang isagot dito? Hindi niya napanaginipan ang kamatayan nito. Sinuguro niya lang talagang maayos ito. At higit sa lahat ay naging palaisipan ang sinabi sa kaniya ni D kaya nga biglaan ang naging pagsugod niya sa bahay ni Chief Gary. “Mabuting pumasok ka na muna sa loob para makapag-tsaa ka man lang.” Inakay siya nito at dahil wala siya sa sarili ay nagpatianod siya sa boss niya. Nang tuluyan silang makapasok ay nakita niya ang mga malalaking maleta na nasa sala ng mga ito. Nakita yata ng matanda na nakatingin siya sa mga iyon kaya nagsalita ito ulit. “Aalis ang pamilya ko. Papauwiin ko na muna sa probinsiya pa

