Hindi pa rin matigil si Jia sa pag-iyak. But she has to calm down lalo pa at ayaw niyang marinig siya ng mag-anak ni Chief Gary. Ayaw niyang mabulabog ang mga ito lalo pa at ginawa ni Chief Gary ang part nito bilang isang mabuting haligi ng tahanak, at iyon ay ang ilayo sa kapahamakan ang pamilya nito. Sandali pa nga ay tahimik na ulit siya. Si Chief Gary naman, kahit tahimik, alam niyang nakaalalay lang ito sa kaniya. “Sabihin mo nga sa akin, hija, kung ano ang nakita mo.” It was the calmest voice she ever heard at parang wala lang dito ang inaasta niya. Nilingon niya ito. Sigurado siyang naniniwala si Chief Gary kung ano man ang mayroon siya. Pero bakit niya nakikita sa mga mata nito na handa itong harapin ang maaaring mangyari dito ano mang oras? “Ano ang nakita mo sa panaginip

