“Take this,” saad ni Chief Gary sa kaniya habang nakatayo sila sa tindahan ng mga biscuits. Nasa terminal sila ng mga bus papunta sa probinsiya dahil hinatid nila ang pamilya nito. Madaling-araw pa lang kaya nakakapangaligkig ang lamig. Hindi naman siya makapanigarilyo dahil kaharap niya si Chief Gary. Tiningnan niya ang kamay nito kung saan hawak nito ang isang kulang puting may kahabaan na sobre. “Ano iyan, Chief?” Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa kamay nito. Nababasa niya ang pangalan ng isang bangko kaya nahihinuha niyang bank account iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit nito inaabot iyon sa kaniya. “Kaawaran na sa susunod na buwan ng Tita Agatha mo.” Ang tinutukoy nito ay ang asawa nito. “Gusto kong ibigay mo iyan—” “Sandali, Chief, sandali lang. Ano kamo? Gu

