"Mom, may hinihintay pa ba tayo?" Napatingin siya sa akin pagkatapos ng five minutes kong pananahimik. Ngayon na ang araw ng alis nila papuntang States. Hindi naman kami nagmamadali pero nagtataka lang ako. Nakaupo si Dad sa harap ko at patingin-tingin sa relo niya. "Yes, baby." Mom answered,"Parating na siguro 'yon." Tumango na lang ako. I tapped my phone while waiting. Sino naman kaya ang hinihintay nila? Maybe that person is an important individual. My parents—lalo na si Dad—hindi siya maghihintay kung hindi importante ang isang tao. Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong ini-swipe. A smile crossed my face when Star texted me. Take care, Shann. I quickly tapped for a reply habang hindi naaalis ang ngiti sa labi ko. Ang sweet niya talaga. Natural na yata sa kanya iyon. I will

