"T-this is too much, Shann. It is too─"
"Don't mind it, Star," I shook my head with a smile. "Para sa'yo yan. Please accept it." Nag-puppy eyes pa ako kahit hindi ko hilig iyon gawin. Star gave me a certain look of doubt and I smiled some more just to convince her. Pagpapa-cute na itong ginagawa ko, eh, pero if it's for her then I don't mind. "Please?"
She heaved a deep sigh. Dahan-dahan niyang ibinaba sa table ang phone na ibinigay ko. She looked at me and smiled shyly. "S-salamat."
I smiled back and shrugged my shoulders. Takte, kinikilig ako. Kalma ka lang, Shann, magiging obvious ka. "Welcome."
Hindi na maalis sa labi niya ang ngiti habang nakatingin sa akin. Dang! Pakiramdam ko, matutunaw ako kapag hindi pa siya tumigil sa ginagawa. She really looked radiant right now, she's so pretty.
God, I'm so in love with her.
I wonder if she can love me back someday. I bet I'll be the happiest being alive if that happens. Pero saka ko na siguro iisipin iyon. Sa ngayon, kailangan ko muna maging isang mabuting kaibigan─a friend who will help her to overcome her fears, a friend who will always be there for her no matter what happens. That's the best thing I can offer as of now. At least, in that way, I will still be able to let her feel my affection, kahit hindi man siya aware.
"Gusto mo turuan kitang gumamit ng phone?" I asked. It's her first time to have a phone kaya nagsu-suggest na akong turuan siya.
She shook her head and smiled lightly. "Is it okay kung ako ang matuto ng sa sarili ko lang?"
Napangiti ako sa tanong niya. I expected that from her. She's really independent in her own way. "Oh, sige. Naka-save na yung number ko riyan." I informed. "Kapag wala ako at may kailangan ka, I'm just one call away, okay?"
She nodded. Sinimulan na niyang kalikutin ang phone niya. I'm glad that I made her happy kahit sa simpleng way lang. Humiga siya sa bed at mukhang nagkakaroon na ng sariling mundo. Naglalaro siguro siya ng games. She looked like a kid. It's super cute.
Dahil gusto ko pang mag-stay dito sa room para makasama si Star ay tumingin-tingin na lang muna ako ng mga books na magandang basahin. Parang school library naman itong kwarto niya, kumpleto sa mga academic books, may pang-highschool at college pa. Hindi na ako magtataka kung sobrang talino niya.
I'm starting to feel bad for her childhood days. Malungkot siguro na wala kang makalaro at makausap bukod sa ina mo. Ngayong nandito na ako sa tabi niya, I'm going to make sure that she'll be the happiest girl living on Earth.
Sa pagtingin-tingin ko, nakakita na rin ako ng libro na mukhang magandang basahin. I read the title─The First Phone Call From Heaven. Sounds intriguing and interesting. I read the synopsis of the book.
One morning in the small town of Coldwater, Michigan, the phones start ringing. The voices say they are calling from heaven. Is it the greatest miracle ever? Or some cruel hoax? As news of this strange calls spreads, outsiders flock to Coldwater to be a part of it.
Uupo na sana ako sa table nang mapansin kong nakatitig sa akin si Star. Nginitian ko siya kaagad. "May kailangan ka?"
She nodded. She sat on the bed and moved herself on the left side. "Dito ka magbasa...sa tabi ko."
My heart skipped a beat and I felt myself blushing─I know because I can really feel my cheeks burning down to my neck. Hindi ako—hindi ako—fine. Kinikilig ako. How can she do that?
"O-okay," I managed to reply despite the stuttering. May igaganda pa ba ang araw na ito? Masyado na akong masaya sa mga nangyayari. Baka mamaya, mag-hyperventilate na ako. Umupo na ako sa tabi ni Star habang pinapanatili pa rin ang distansya ko. I don't want to make her uncomfortable.
I caught her smiling and I can't help but do the same, too. Dati parang suntok sa buwan lang ang pangangarap na makita ang maganda niyang ngiti. But now...oh, how lucky I am indeed. Wala na yata akong mahihiling pa sa oras na ito. Being by her side is heaven already.
Ni-relax ko ang sarili at nagbasa na lang ulit. This book I'm reading is really good. I wonder how it will end. Siguro hihiramin ko na lang ito kay Star para matuloy ko ang pagbabasa.
"Please know I'm not crazy."
"No, dear—"
"Diane called me."
"Who called you?"
"Diane."
Warren's head began to hurt.
"Your deceased sister called you?"
"This morning. I picked up the phone..."
She gripped her handbag and began to cry. Warren wondered if he should call someone for help.
"She told me not to worry," Katherine rasped. "She said she was at peace."
"This was a dream, then?"
"No! No! It wasn't a dream! I spoke to my sister!"
Natigilan ako sa pagbabasa at napatingin kay Star nang mapansing kanina pa siya nakatingin sa'kin. I can't read her expression well. "Bakit?"
From unreadable to a confused look─she looked lost. Naglikot ang mga mata niya at nahihiyang yumuko. "W-wala."
Hindi na ulit ito tumingin sa'kin. Napataas ang kilay ko, bakit gano'n ang expression niya? But...she still looked cute. Man, she's really cute in all angles. Hay nako, tama na nga ang kakaisip tungkol sa cuteness na 'yan!
Magbabasa na sana ulit ako nang mag-ring at vibrate ang phone ko. May nag-text. Sino naman kaya ang magte-text sa akin ng ganitong oras? Binasa ko iyon at napangiti—it's from Star.
Can we try holding hands?
Nakangiti akong tumingin sa kanya. There's a hint of pink visible on her cheeks—she's blushing. I smiled wider. Hindi naman siguro halatang kinikilig ako, ano? Star can be really sweet and charming sometimes. I like discovering every sides of her. Who would've thought that she can be like this?
Inabot ko sa kanya ang kamay ko ng marahan. Tumingin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya. She smiled back pero tipid, halatang kabado pa rin ang dalaga. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin...siya lang talaga.
Slowly, she extended her hands. I just let her to take all the time. We've been doing this for a while, we will always try holding hands. Hanggang ngayon, pinky finger ko pa lang ang natatagalan niyang hawakan. So there are times that we'll stay still, her fingers wrapped around my finger. It's like we're always making a promise symbol. It's cute and all but for her, I know it's a big achievement to actually hold someone. And I can't help but be proud of her as well.
I felt the warmth of Star's delicate fingers around my pinky. It's actually comforting. I checked her face, she looked relax now. Naka-focus lang ang tingin nito sa cellphone.
--
"Star, remember, ah? If you need me, I'm only one call away." Paulit-ulit na paalala ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo while smiling in defeat, mukhang nakukulitan na sa akin. Yung ngiti niya, mukha nang ngiwi. May pasok na kasi ako ngayon kaya dumiretso muna agad ako sa room niya para sana makita lang siya. Ang kaso, napakaaga niyang nagising kaya kinausap ko na rin siya at binilinan.
"Star─"
"I got it, Shann," she cut me off. Nawala na ang ngiti sa labi nito. "Pumasok ka na, baka ma-late ka."
"Okay," Ngumiti ako na parang bata. She just shook her head. Feeling ko tuloy nanay ko siya. Tumalikod na ako at nagpunta sa pintuan ng kwarto niya. Since tingin ko naman nasabi ko na lahat, I'll go now. Naghihintay din kasi si Rain sa akin sa living room. I don't know what's her topak but she insisted on taking me to school.
"Shann," I stopped and looked at Star. Nasa likuran niya ang parehas na kamay. Hindi ko sure kung anong iniisip niya. She always have this poker face expression on her. I smiled at her, tilting my head. "Take care."
"Yup." Tumango ako, pigil na pigil na sa pag-smile. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at umalis. Napahawak ako sa bandang dibdib ko at pinakiramdanan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Oh, good heavens. Star is melting me!
Huminga ako ng malalim. I need to calm down. I need to shoo away this burning feeling in my face. Grabe naman kasi si Star. Nang ayos na ay saka ako naglakad na papuntang sala. Nakita ko si Rain, nang mapalingon siya sa akin ay ngumiti ito at lumapit.
"All good?" she asked. I nodded and smiled. Sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Malapit lang naman ang school ko pero ang tigas ng ulo ng pinsan kong 'to. "Where's Tito and Tita nga pala?"
"May inaasikaso," maikli kong sagot. Malapit na silang umalis, naka-schedule na ang lahat. Mabuti na lang at hindi na nagbago ang isip ni Dad sa naging usapan namin before.
"You guys are planning to migrate na, right?"
I shook my head. "Sila lang."
"Why?"
Nagkibit ako ng balikat. "Mas gusto ko rito."
"Oh? Bakit naman?" I can sense her curiosity. Alam niya kasing palagi akong sumusunod sa parents ko. Yung pagpapaiwan ko rito, it's very unusual to her. Alam ko naman 'yon, nagkataon lang na sa ngayon ay may dahilan na ako para tumanggi.
"There are important things that I need to do first." sagot ko. "At isa pa, I'm old enough na, kaya ko na ang sarili ko."
She nodded and smiled to herself. Hindi ko alam kung maniniwala siya pero nasa kanya naman na iyon. Inihinto na niya ang sasakyan nang makarating na kami sa school. Eksaktong pagbaba ay nakita ko si Kris na tumatakbo palapit sa amin.
"Shannelle Mcbride!"
Medyo natakot ako nang isigaw niya ang buong pangalan ko kaya mabilis akong nagtago sa likuran ng pinsan ko. Hinihingal na siya nang makalapit sa amin samantalang ako, ginagawa ko talagang shield si Rain.
"Shann, what are you doing? Bakit ka nagtatago sa likod niya?" Kris asked after she recovered from panting. Pawisan na kaagad siya dahil sa ginawa.
"Baka sapatusin mo ako. That will hurt." I said. Inaalala ko yung warning niya noon sa akin.
"Sira ka talaga, I'm just kidding." She laughed a little. "May kailangan akong itanong sa iyo─ay, wait." Her eyes focused on my cousin. "Hello, Rain."
"Hi, it's nice to see you again," Rain answered.
Umalis na ako sa likuran ng pinsan ko at lumapit kay Kris na parang hindi mapakali. "What do you want to ask?"
"Totoo ba?" tanong niya sa akin.
"Totoo na ano?" Naguguluhan kong tanong na rin. "Will you just get straight to the point?"
"Fine," She sighed. "Totoo bang kayo na raw ni Keith?"
"What?" I did not hide the surprise in my tone. "That's not true, Kris. How could that happen?"
"I don't know." She shrugged her shoulders. "Kalat na sa school, Shann. Si Keith daw ang may sabi." She explained. "Nakita raw kayo ng isang schoolmate natin na magkasamang kumakain sa isang restaurant. That schoolmate got curious at diretsahang nagtanong sa suitor mo kung kayo na raw ba, Keith said yes."
"That's bullshit!" sigaw ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papuntang ulo. Naiinis na hinagod ko ang sariling buhok. Mukhang nagulat naman sina Kris sa akin. Paanong hindi ako maiinis? "Where is that chicken? I'm going to beat the hell out of him."
Bigla na lang nila akong pinigilan kahit na hindi pa ako gumagalaw. Parehas silang namutla nang titigan ko sila ng masama. They both know na masama akong magalit. Hinawakan ni Kris ang kamay ko nang mahigpit para pakalmahin ako kahit papaano.
She stared straight into my eyes. "Relax ka lang muna, please? Walang mangyayari kung magagalit ka."
"How can I─"
"Please?" she cut me off.
I was glaring at her. Mukha namang hindi na ito magpapasindak. I counted inside my head, trying to calm down. Makailang beses din akong huminga ng malalim. Binitawan na rin nila ako.
"Fine." Nakahinga sila ng maluwag sa sagot ko. "Pero kung sakaling makita ko 'yang lalaking yan, don't expect me to be calm and nice in front of him. I'm really going to ruin his face."
Napangiwi sila sa sinabi ko. They know that I'm serious about it. Naglakad na ako papasok sa school at sumunod naman sila sa akin. Pansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng mga students na nadadaanan ko and it's getting hard for me to control my temper. Mabuti na lang at hawak nina Rain at Kris ang kamay ko, kumakalma ako kahit papaano.
Kung kailan nawawala na ang galit ko, saka naman biglang dumami ang mga tao na nakapaligid sa amin dahil sa pagdating ni Keith. Ang kapal ng mukha niyang ngumiti ng malaki sa akin. Kilig at inggit ang nakikita ko sa mata ng mga taong nandito na hindi naman nila dapat maramdaman.
"Anong ginawa mo, Keith?" Tanong ko nang makalapit siya. Pilit niya pang inaabot sa'kin ang bouquet of roses na dala.
"Hindi ba sabi ko sa'yo na hindi kita susukuan?" He smiled. It irritated me, kung pwede lang alisin ko iyon kaagad.
"At ito ang naisip mong way para makuha ako?" I raised a brow. Mahina lang ang pag-uusap namin kaya hindi kami naririnig ng iba. "You're using this people para hindi ako makatanggi?"
"Sort of," He shrugged his shoulders na para bang iyon na ang pinakamagandang ideyang naisip niya. How can he be a candidate for valedictorian kung ganito siya kakitid mag-isip? He sounded real arrogant!
"Sa tingin mo, hindi kita matatanggihan?" Nanghahamon kong tanong.
"Kaya mo ba akong ipahiya sa harap nila?" he asked. I wanted to shook my head but I stopped myself. Para bang nawala na lang bigla ang galit ko at napalitan ng awa. He's stupid. "I know you can't. Come on, let's give them a show."
Okay, you want a show? Game on.
Ipapakita ko sa mga taong narito ang side ni Shanelle Mcbride na hindi pa nila nakikita. Tumingin muna ako kina Rain at napailing sila bigla. I bet they already know what's running in my head. I may look sweet and gentle but nobody will love to see a tigress me. Ibinalik ko ang attention kay Keith. I gave him my sweetest smile, I leaned closer to him and smirked.
"Ouch! f**k!"
All gasped when they saw what I did. I just kicked Keith's precious jewel down there. How sweet, the army's aching. I changed my mind about ruining his face, this is much better. Namumutla itong napaluhod habang namimilipit sa sakit. Syempre, paanong hindi sasakit, 'di ba? Wish ko lang na hindi siya mabaog sa ginawa ko. Or baka pwede rin, although I don't want to be that cruel.
"Ulitin mo pa 'yang gimik mo sa akin, dodoblehin ko na sa susunod 'yang sakit na nararamdaman mo." Aalis na sana ako nang may maalala . Bumalik ako at tinapak-tapakan ang bulaklak na para sa'kin dapat. "By the way, I hate roses."
Tuluyan na akong umalis at iniwan silang nakanganga. Isinawalang-bahala ko lang iyon. That's what he gets for messing up with me. Kung mapatawag man ako ng school, I'll tell them the truth. Dumiretso ako sa school garden at doon nagpalipas ng init ng ulo. My head's aching because of stress. Kinuha ko ang phone ko and I dialed Star's number. Sumagot naman ito.
"Shann?"
"I miss you." Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Mas lalo ko siyang na-miss dahil sa mga nangyari.
"Hindi naman ako nawala. I'm only one call away," I heard her say.
I felt myself smiling more. Sa isang iglap ay nawala na yung stress na nararamdaman ko. Her voice is more than enough time to melt all the negativity building inside me. Oh, Star, you're really one of a kind.
___