"Ayos lang naman kung sasama ka sa kanila—"
"No, Star," pagputol ko, "dito lang ako sa tabi mo, mas kailangan mo ako."
Tumawag si Kris sa akin, magkasama sila ni Rain ngayon, although hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng contacts sa isa't isa. Well, marami namang ways. Mukhang magkasundo na nga sila kahit sa saglit pa lang na pagkakakilala. That's good news for me.
Napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya. Wait... Napakunot ang noo ko. Tama ba ang nakikita ko? Nag...nagb-blush ba talaga siya?
"But, they're your friends, Shann." she told me, "They might feel bad kasi hindi ka sumama. Kaya ko naman ang sarili ko."
Napabuntong-hininga ako. Iyon nga ang inaalala ko. Mag-isa lang siya. May mga maid kami pero... Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. I just can't leave her alone, I can be with them anytime I want but she's a different case. We may be practically living together but... "Do you want me to go, Star?"
"H-ha?" she stuttered. I think I caught her off guard. "Anong ibig mong sabihin?"
"Gusto mo bang umalis ako?" tanong ko ulit, "Hindi ka ba malulungkot?"
Naglikot ang mga mata niya. Kung saan-saan ito tumitingin sa kabuoan ng kwarto na parang hinahanap ang sagot niya sa tanong ko. Hindi rin mapakali ang mga kamay ni Star. Tumingin siya sa'kin pero kaagad ding yumuko. "Does it matter?"
"Star, anong klaseng tanong 'yan?" Napakunot ako ng noo sa patanong niyang sagot. She looked out of confidence. Bigla akong nalungkot sa nakikita ko. God, I want to hug this person... "Of course it matters! It matters to me." I said. "Lahat ng nararamdaman mo, importante. Naiintindihan mo ba ako?"
"Ang bait mo sa'kin," mahinang sabi niya. She smiled a little. "You're the first one who made me feel—who made me feel like I'm...special bukod kay..." Her words trailed off. She sighed heavily and it was shaky. Para bang any moment ay iiyak siya pero pinipigilan niya lang. Alam ko naman kung sino ang ibig nitong sabihin. She bit her lower lip. "It feels good to have a friend. It feels good to be your friend."
I smiled. It will feel better if you'll become my lover, Star. But for now, I'm contented being a friend. Napatingin ako sa lips niya. Hindi ko maintindihan pero parang biglang na-magnet ang mata ko roon—her pinkish, glossy, and thin lips. Nakakaakit iyon pagmasdan. Parang ang sarap...halikan.
"S-Shann?"
Natauhan ako nang tinawag niya ako. "S-sorry."
I felt myself blushing. I almost had the urge to kiss her. Yung lips naman kasi niya, eh, masyadong nang-aakit! Tumingin ako sa ibang direksyon. Ang awkward. I cleared mg throat and scratched my temple.
"Anong gusto mong gawin ngayon?"
Ibinalik ko ang paningin sa kanya. She has this question mark expression on her face, halatang nag-iisip ito. She pouted her lips a bit in a very cute manner. Napalunok ako. Inaakit talaga ako ng lips niya. I tried to set aside the thought. I shouldn't think about her that way.
Clear your mind, Shannelle, be proper.
Ngumiti siya sa akin ng tipid at nagkibit ng balikat. "Gusto ko lang na kasama ka."
Good heavens, she's making my stomach crazy—making every fibers of my system goes upside down! Paano niya nagagawang magpakilig unconsciously? Alam ko namang walang malisya iyon pero sa tulad kong patay na patay sa kanya, it's a spell working very well on me. Oh, good heavens!
"R-really?" I tried my very best to be composed. "You want to be with me?"
She nodded and hugged both of her legs, leaning her back at the headboard. "Ayos lang kung wala tayong gawin na kahit ano, basta kasama ka. Life won't be boring."
"I could kiss you right now, you know," Diretsong saad ko na ikinapula ng mukha niya. Naramdamdan ko rin ang mabilis na pag-init ng pisngi ko. That was just supposed to be a thought in my head! Late ko nang na-realized na na-voice out ko na pala iyon. Idinaan ko na lang sa tawa ang pinaghalong kaba at pagkahiya. "Masyado kang sweet."
"Uh...bawal ba?" mahinang tanong niya. It seemed like she took it as a joke. Nakahinga naman ako ng maluwag. Gosh, akala ko buking na ako.
"Syempre hindi," sagot ko, "ang cute mo kaya."
Though it's bad for my heart, my feelings was going overboard. It's too much. Mukhang hindi ko na sure kung hanggang saan ang self-control ko. Siguro naman ay kaya ko pa. I keep falling for her even if she's not trying to.
Napaiwas siya ng tingin. She played with her fingers. "Hindi ako cute."
I smiled playfully. I guess she's not used in receiving compliments. Kaso if she's with me for sure she'll receive a lot—wait...I have a better idea.
"Star." Itinaas niya ang dalawang kilay nang tingnan ako. "Do you want to meet my friends?"
Medyo nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko na para bang nag-alien language ako tapos naintindihan niya bigla. Her expression was kind of comical. I can't help but chuckle, she's just too cute that I want to pinch her cheeks if I can! "A-are you sure?"
Tumango ako ng sunud-sunod. It's not a bad idea kung tutuusin. Ayoko namang ikulong lang siya sa friendship niya sa akin. Besides, I think it will be more helpful if she meets people and make friends—of course, kailangan sina Kris because I trust them.
"I want you to meet them. Magugustuhan mo sila for sure."
"Paano kung hindi nila ako magustuhan?" she asked. Pansin ko na naman ang pagse-self doubt niya. Her shoulders were slumped and her lips pursed. It was like she's trying to suppress something. "And...I might do something inappropriate like, freaking out, or something—"
"Star," I cut her off, "Stop thinking like that. They'll like you for sure, okay?"
"But—"
"No more buts." I firmly said.
She stared at me for a few seconds. Bumuntong-hininga ito na para bang tanggap na niyang wala siyang magagawa. "Okay..."
Hindi ko maiwasang mapangiti. "Good girl."
But still, I need to fix her low confidence. She's been stuck here for a long time, mukhang hirap siyang makisalamuha talaga. It's like introducing her to the world like a kid going out on the playground for the first time.
Lumayo ako ng kaunti and I dialed Kris' number. Hindi ito sumagot sa unang tawag kaya sinubukan ko ulit. Ano na naman kayang ginagawa ng babaeng 'yon? After five times of calling ay sumagot na rin ito.
"Hello—"
"Ano bang pinagkakaabalahan mo at ang tagal mong sagutin ang tawag ko?" I interrupted her.
"Sorry, ano lang kasi..." She sounded like she's fidgeting.
"Ano?" naiinip na tanong ko. Hindi ito sumagot. I sighed. "Kasama mo pa ngayon si Rain?"
"O-oo. Bakit?" Bakit ba nauutal siya? Whatever. Nitong nakaraang araw ay napapadalas nang magkasama sila. Para silang instant best friends. Wala naman sigurong ginagawang kung ano ang pinsan ko knowing that she likes my friend.
Hindi ko na lang pinansin ang kawirduhan ng kausap sa tawag. "Will you guys come here? May ipapakilala ako sa inyo."
"Wut, at sino naman 'yang ipapakilala mo?" May bahid ng panunukso ang boses nito. "Boyfriend mo, 'no?"
"Basta," Napapailing na sagot ko kahit hindi naman niya ako nakikita. Kung alam niya lang na hindi lalaki ang type ko. Baka sabunutan niya ako sa pagkabigla. "Pumunta na lang kayo, now na."
"Oo na. Sige, bye."
"Bye." Pinatay ko na ang tawag. Bumalik ako kay Star at nginitian siya. "Okay na! Maya-maya siguro nandito na sila."
She smiled back at me a little at nagbasa na ng book. I tilted my head. Bukod sa tipid lagi ang expression niya, mahilig din siya magbasa. Madalas ko lang siyang pinapanood sa ginagawa.
"Star, hindi ka ba nagsasawa magbasa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi," Sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa libro. "It takes me to different places somehow."
Humiga ako sa kabilang side ng kama. Nakaupo naman siya at nakasandal sa headboard. "Someday, we're going to travel the world."
Napatingin siya sa'kin at napakunot ang noo. "Malabo naman iyan, Shann." She shook her head. "It takes a lot of time and money to do that."
"We have lots of time, Star." Giit ko. "Sabihin mo lang kung saan mo gusto at dadalhin kita kahit saan."
"That's too much for you. Hindi mo kailangan gawin 'yon para sakin." Ngumiti siya ng maliit at yumuko. "Sapat na ang mga libro."
"No, I'm afraid it is not." I sighed. Tumigilid ako ng higa para mas makita siya. "Hindi ko naman 'to sinasabi para sa wala. I want to do it for you. I want to travel every places with you."
"Bakit?"
I was taken aback by her question. Isang salita lang iyon pero para bang nawindang ang pagkatao ko. I pretended to be calm. "What do you mean?"
"Bakit gusto mo?" she asked. "Why do you want to be with me? Why do you make me feel so special?"
I chuckled. "Ang dami mong tanong, Star." I extended my hand to her. She quickly got what I wanted. Slowly, she held my pinky. Napangiti na lang ako ng laruin niya ito ng marahan. "You are special because you are you."
"Hindi ko naintindihan," naguguluhang tugon niya.
"Does it matter?" nakangiting tanong ko. "I want to make you happy because I want to. Because I—I like you."
Wait. Did I just confess my feelings for her? I was too engrossed with her that I just let my thoughts slipped—again. Kailangan ko na talagang i-filter ang mga sinasabi ko.
Nakita ko naman ang bahagyang pag-awang ng labi niya. And then, she bit her lower lip. Yumuko siya at umiling. Napakunot ako ng noo at kinabahan na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"M-may problema ba?" kabadong tanong ko. Baka mamaya masamain niya iyong sinabi ko. "Ano, expressive lang talaga ako."
"N-no, para lang kasing..." Tumingin siya sa'kin at namula. Maya-maya ay bumuntong-hininga ito at umiling. "Nevermind."
"Tell me, ano 'yon?" Pamimilit ko sa kanya. Nakakabitin kaya yung ganoon. "Come on, sabihin mo na."
"Ano," Halata sa boses nito ang hesitation. "Nang sinabi mo na g-gustp mo ako...yung puso ko, pakiramdam ko..." She paused and stared at her book. "Biglang nag-palpitate. But it's okay now."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko ng sobra. I felt my own heart skipped a beat. Parang nagbuhul-buhol ang mga intestines ko sa sobrang kilig. Pakiramdam ko umamin siya sa'kin na gusto niya rin ako.
Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Kunwari kalma lang ako pero deep inside kinikiliti na ako sa kilig. "That's normal."
"Sa tingin mo?" inosenteng tanong niya. "Tumigil na rin naman na."
"Oo naman," Bahagya akong natawa. Ang cute naman kasi niya.
"Wala akong sakit?"
I chuckled. "Wala."
"Swear?"
"Yep." I assured.
Tumango siya. "I guess masaya lang ako na may taong may gusto sa akin kahit ganito ako. I'm still thankful that you're my friend."
"Kagustu-gusto ka kaya," sabi ko. Ako nga bata pa lang type na siya, what more kung iharap siya sa maraming tao. Baka magkaroon na ako ng karibal no'n. She's beautiful, she's smart, she's so innocent. Ngayon mas nakikita ko kung sino talaga siya sa likod ng butas ng pader na pinagsisilipan ko. Now, I don't need to stare at her from afar. She's now this close to me. "Thank you rin, because you didn't decline the friendship."
"You're my first friend," pag-amin niya, "siguro noong wala pa kami rito ni Nanay, meron akong naging kaibigan dati, pero matagal na iyon, eh." Ipinatong ni Star ang libro sa bedside table at itinuon nang tuluyan ang attention sa akin. "Ikaw yung masasabi kong una ko talagang kaibigan. Masaya ako. Sana nararamdaman mong importante ka na sa akin."
Halos wala na akong masabi. Kaysa madulas ako ay tinanguhan ko na lang siya. I badly want to hug her at this moment pero pinipigilan ko lang. Those things she said meant a lot to me. Hindi ko talaga kailanman in-expect na aabot ako sa ganitong point.
Akala ko talaga noon, wala, hanggang tingin na lang ako. Akala ko hindi kami magiging ganito ka-close. Akala ko never akong magkakaroon ng space sa buhay niya. Lahat iyon, akala ko. Dahil ngayon, ito na yung sagot sa mga what if ko dati.
"I feel sleepy." Humikab siya. Bumitaw na siya sa kamay ko at nahiga. May space pa rin naman sa pagitan namin, naglagay pa ako ng unan sa gitna para lang hindi ko siya aksidenteng mahawakan.
"Matulog ka na muna, batang antukin. Gigisingin na lang kita pagdating nila." Isa ito sa trait na cute na kanya, eh. Mahilig siyang matulog. Nakapikit na siyang tumango at humikab pa muli. "Sleep well, Star."
Ngumiti siya at huminga ng malalim. Pinapanood ko lang siyang matulog. Ito ang isang bagay na pinapangarap ko simula pa noong bata pa ako—ang makatabi si Star at matitigan ang maganda niyang mukha. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganito na ako kalapit, kahit madalas ko naman nang magawa ito.
She's so beautiful. She's much more breathtaking than the universe. I really love this girl beside me. Pinakinggan ko ang unti-unting paglalim ng paghinga niya. Ang bilis niyang makatulog.
Na-focus ang mata ko sa mukha ni Star. Mula sa mata nitong may mahahabang pilik-mata, I traced it using my pointer finger, pababa sa ilong, I even touched her freckles na ang cute tingnan, then to her pink lips. Napalunok ako. I caressed it using my thumb. Ang lambot. Ang sarap...halikan.
I gulped again. How does it feel to kiss her lips? Ano kayang lasa, masarap ba? Nakaaadik? Ito na naman ako. Whenever I'm alone with my thoughts, I can't help but think a lot. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko yung puso kong nawawala na sa kontrol.
I really, really...really want to kiss her. God, I'm on the edge of my self-control. I wanted to go but my body won't listen to me. I've been trying to stop myself for days ever since I get to be this close to her. I know I shouldn't think like this. But, damn, I've been in love with her since we're kids. It's hard.
Three inches—I was so close. I licked my lower lip nervously.
Two inches—I can barely feel her breath on my lips. It feels warm and intoxicating. Mababaliw yata ako.
One inch—I slowly closed my eyes. I feel like I'm taking advantage of the situation.
Sorry, Star. I can't help it. I just...love you so much.
Tuluyan ko nang pinutol ang distansya sa pagitan naming dalawa at inangkin ang labi niya.
_____