PINAGBUKSAN ng pitno ng kotse si Hellmohr ng kanyang driver matapos nilang huminto sa isang kilalang restaurant. Naisipan niya kasi na puntahan muna ang matanda bago siya umuwi sa bahay niya. Ang restaurant na ‘yun ay pagmamay-ari ng kanyang matandang kaibigan na nasa higit 60 na ang edad. Kaibigan ito ng kanyang namayapang ama na ngayon ay kaibigan na rin niya.
Susunod din sana sa loob ang dalawang bodyguad na kasama niya ngunit agad niya itong pinigilan. “Just stay here outside,” walang emosyon at may pagka-awtoridad na saad niya sa mga ito kung saan ay sunod-sunod naman na tumango ang dalawang lalaki bago siya tuluyan nang pumasok sa loob.
Pagpasok niya ay agad na sumalubong sa kaniyang paningin ang kaibigan niya na si Alleo na nakatayo sa may likod ng counter kung saan ay nagbibilang ito ng libo-libong pera. Nakasuot lang ito ng simpleng white checkered short sleeves polo na naka-tuck in sa dark brown pants nito. Maputi na ang mga buhok nito sa ulo at maputi na rin ang balbas sarado nito, ngunit kahit ganon pa man ay kapansin-pansin pa rin ang matikas na tindigan nito at saka ang malakas na pangangatawan ng matandang lalaki.
At dahil may nakasabit na bell ang taas ng pinto ng restaurant na ‘yun kung saan ay tumutunog ito kapag may nagbubukas, kaya naman nakuha niya agad ang atensyon ng matandang kaibigan. Binatuhan siya nito nang tingin at mukhang hinihintay na lang ang paglapit niya.
“Oh, anong ginagawa mo dito?” Tanong agad ni Alleo sa kanya nang makalapit na siya sa may counter.
“Why are you here downstairs? Wala ka bang ibang bantay ngayon dito?”Tanong din naman pabalik ni Mohr sa matandang kaibigan.
“Aakyat na rin ako sa taas. Lunch break kasi ngayon ng bantay ko kaya ako muna ang pumalit, pero babalik na rin ‘yun.” Sagot ni Alleo sa kaniya habang nakatingin nang diretso.
“Okay. I’ll go upstairs first, just follow me… I have something to ask you," walang emosyon pa rin na saad ni Mohr dito at hindi niya na hinintay pa ang isasagot ng matanda at tuluyan na siyang umakyat sa taas.
Kahit napalaki ng agwat ng mga edad nilang dalawa ay hindi talaga nakasanayan ni Mohr na magbigay galang sa matandang kaibigan. Kung mag-uusap man sila ay parang magka-edad lang ang mga ito at hindi naman ‘yun big deal sa matandang lalaki. Sa katunayan nga ay kahit isang apo na ang turing ni Alleo kay Mohr ay mas gusto niya ang pakikitungo nila sa isa’t-isa na parang isang magkatrabaho at magkaibigan lang. Malapit talaga ang loob nila sa isa’t-isa, siguro ay pareho sila ng ugali at gusto… ang kayamana at kapangyarihan.
Pagkaakyat ni Mohr sa opisina ng kaibigan ay agad niyang tinungo ang wine box nito na nakapatong lang sa mahabang lamesa. Kumuha siya ng isang bote at baso saka siya umupo sa couch. Walang salita na nag salin siya ng alak sa baso na hawak-hawak niya at uminom habang hinihintay na umakyat din ang matandang kaibigan.
Mga ilang minuto lang naman siyang nag hintay doon hanggang sa hindi na rin naman nag tagal ay bumukas na ang pinto ng opisina na ‘yun at iniluwa noon ang pigura ng matandang lalaki. Agad na nag kasalubong ang mga mata nilang dalawa at tuluyan na ring pumasok si Alleo sa loob.
Isang lihim na ngiti ang biglang kumawala sa labi ng matandang lalaki dahil mukhang meron na siyang ideya kung bakit bigla na lang sumulpot sa restaurant niya ang binata.
“May gumugulo ba sa isip mo?” Tanong agad ni Alleo habang kumukuha rin siya ng baso.
Tinungo niya ang pwesto ni Mohr at saka niya kinuha rito ang bote ng wine na hawak-hawak ng binata at saka siya nagsalin ng alak sa baso niya bago tuluyang umupo sa isa pang couch na kaharap lang ngayon ni Mohr. Huminga nang malalim si Mohr bago siya umupo ng maayos at hinarap ang kaibigan nito. Alam na alam na kasi talaga ng matanda na sa tuwing bumibisita siya dito ay dahil sa may problema siya o sa tuwing magulo talaga ang isipan niya.
Sa katunayan nga niyan ay nag dadalawang isip pa si Mohr kung dapat niya bang sabihin kay Alleo ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na 'yun, pero alam naman niyang mapagkakatiwalaan niya ang kaibigan at mas kumportable siyang pag-usapan ang bagay na ‘yun sa matanda. Sa tingin niya rin ay mas maiintindihan siya ng matanda kesa sa ibang kaibigan niya dahil kilala niya ang taong pag-uusapan nila.
“Natatandaan mo pa ba si Lila?” mahina pero seryosong tanong niya.
Awtomatiko at kapansin-pansin ang pananahimik ng matanda at idagdag pa ang medyo paghinto nito sa ginagawang pag-inom ng alak sapagkat nakalapat pa rin sa labi nito ang baso. Inaasahan niya na talaga na ganon ang magiging reaksyon ng matanda dahil sa pangalan na nabanggit ni Mohr.
Sa tagal rin kasi nila na magka-kilala ay ayaw na ayaw mapag-usapan pa ni Mohr ang tungkol sa babaeng ‘yun pero ngayon ay 'yon ang magiging topic nila kaya alam niya kung bakit nabigla si Alleo.
Sa katunayan nga ay medyo naninibago rin siya na marinig ang pangalan ng babaeng ‘yun sa mismong bibig niya. Hindi agad nakasagot sa kaniya ang matandang lalaki pero hindi nag tagal ay unti-unti na nitong ibinababa ang baso na nakalapat sa bibig nito at saka siya binatuhan nang tingin nito, “Oo. Bakit? May problema ba?”
“Is she really dead?” he asked directly at him.
Hindi na naman nakaligtas sa paningin ni Mohr ang pagkakahinto ng matanda pero hindi nagtagal ay agad rin itong napalitan nang pagtataka at parang hindi ito makapaniwala sa naging katanungan niya.
“Oo naman, matagal na siyang patay… hindi ba? Matagal na panahon na ang nakakalipas Mohr. Ilang taon na rin ‘yun. Nasaksihan din mismo ng mga mata mo ang nangyari kay Lila. Patay na ang mga magulang niya at wala naman siyang ibang kamag-anak o kapatid… kaya naman wala nang naghabol pa sa pagkamatay niya….” pa unang saad sa kaniya ng matanda hanggang sa hindi rin naman nag tagal ay umimik na ito ulit. “Bakit? May nangyari ba? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Alleo.
Tanging pag iling lang naman ang naisagot ni Mohr sa matandang kaibigan.
“Sabihin mo lang sa akin kung may problema Mohr? Nag dadalawang-isip ka ba kung katawan ba talaga ni Lila ang ipinalibing mo?” Tanong pa ni Alleo pero nanatiling tahimik lang si Mohr na para bang wala itong balak na sumagot sa kaniya.
Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay doon pa lang nagsalita si Mohr. “Hindi naman ako nag dududa. Biglang... biglang pumasok lang siya sa isip ko. Pero wala naman akong problema, kalimutan mo na lang ang naging usapan natin,” walang emosyon na saad pa ni Mohr at ipinagpatuloy na lang niya ang ginawa niyang pag-inom.
Gusto pa sanang mag tanong ni Alleo ng tungkol doon pero alam naman niya na magsasabi naman si Mohr sa kaniya kung talagang may problema na ba ito nang malaki. Napainom na lang din siya ng alak habang diretso lang siyang nakatingin kay Mohr.