'Nakaligtas ka kay Fevor but it doesn't mean na hindi rin gano'n ang aabutin mo kay Mohr.’ Ilan lang ‘yan sa mga hindi malimutan ni Belle sa mga sinabi sa kaniya ni Lucan kanina bago ito umalis. Patuloy na tumatakbo ngayon sa isipan ng dalaga ang mga pangyayari na ‘yun.
Halos nakalimutan na rin niya na nagugutom na nga pala siya dahil sa sobrang pag-iisip niya. Gustuhin man niya na magluto nang makakain niya sa kusina, kaya lang ay hindi niya ‘yun magawa dahil natatakot siya na mapagalitan ni Mohr kung sakaling mangingialam siya ng mga gamit nito. Dahil doon kaya naman mas pinili na lang niya na tiisin niya ang kaniyang gutom at tahimik na mag-isip na lang.
Nasa sala siya ng mga sandaling ‘yun hanggang sa napag pasyahan niya na umakyat na rin sa kaniyang silid. Aakyat na lang sana siya sa taas para itulog ang gutom at ang sakit ng katawan na nararamdaman niya nang awtomatikong mapatigil siya sa pag hakbang sa hagdan dahil sa mga narinig niyang sunod-sunod na sasakyan ang humihinto mula sa labas.
Dahil doon kaya nakalimutan niya na ang pakay niyang pag akyat sa kwarto niya hanggang sa tuluyan nang makapasok si Hellmohr sa loob ng bahay. Pansin ni Belle ang medyo pagkapako ng binata sa kinatatayuan nito nang agad na magtama ang paningin nilang dalawa. Siguro ay nagulat ang binata sa presensiya niya.
Ngunit hindi nag tagal ay malalamig at matatalim na mga tingin na ang sumasalubong sa mga mata ni Belle pagkaraan ng ilang segundo. Walang magawa ang dalaga kung hindi ang sundan lang nang tingin si Hellmohr tinatanggal nito ang necktie na suot-suot.
“What the f**k are you staring at?” Walang emosyon na tanong ni Mohr sa kaniya habang kunot na kunot pa ang noo nito.
Dahil doon kaya hindi maiwasan ni Belle na mapalunok ng laway at saka siya nag desisyon na unti-unting bumababa sa baitang ng hagdan na pinagkakatayuan niya upang harapin ang lalaki.
“P-pasensya na pero, n-nagugut na kas—“ Hindi naituloy ni Belle ang mga balak niya sanan sabihin dahil sa mga men in black na sunod-sunod na pumasok sa loob ng bahay na ‘yun habang may mga dala itong shopping bags sa kanilang mga kamay. Naka-straight face lang ang mga lalaking ‘yun habang inilalagay nila ang mga dala nila sa may couch ng sala.
Wala namang ibang magawa si Belle kung hindi ang sundan lang ng tingin ang mga kalalakihan na ‘yun. Halos hindi na rin nga mabilang ni Belle ang mga paper bag na may iba’t-ibang laki na pinapatong ng mga lalaki at maya-maya pa ay natapos na rin ang pagpasok ng mga ito sa sala at naiwan na ulit silang dalawa ni Mohr doon.
“It’s all yours,” biglang saad ng binata patukoy sa mga dala ng mga lalaking naka-itim. Dahil sa narinig ni Belle kaya awtomatikong na ibaling niya na ang paningin niya kay Mohr. Nabigla siya sapagkat hindi niya inaasahan na pagkakagastusan siya ng malaki ng lalaki, idagdag pa na talagang mga mamahalin ‘yun dahil nakikita pa lang niya sa tatak ng mga paper bag ang mga sikat na brand nito. Bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita nang muli sa kaniya si Mohr sa seryosong tono nang pananalita nito, “I am now investing into you. So weather you like it or not… you belong to me now.”
Wala namang magawa si Belle kung hindi ang hindi gumalaw mula sa pinagkakatayuan niya at ang mapalunok na lang ng laway. “Subukan mong tumakas palayo sa akin at sisingilin kita ng malaki at nang may interest pa.” bulong pa ni Mohr sa may bandang tenga ni Belle kaya naramdaman nito ang paninindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. “Understood?”
At kahit napipilitan ay napatango na lang nang sunod-sunod ang dalaga. Pagkatapos din no’n ay unti-unti nang lumalayo si Mohr mula sa kaniya at nang aakyat na sana ang binata sa taas ay agad niya itong pinigilan sa pamamagitan nang pagtawag nito sa pangalan niya. “Hellmohr!”
Dahan-dahan siyang binatuhan ulit nang tingin ni Mohr at doon niya nakita ang mga mata nito na diretso lang na nakatingin sa kanya at mukhang hinihintay ang sasabihin niya kaya agad na rin siyang nagsalita, “T-tutal, nagi-invest ka na rin naman sa akin. P-pwede bang mag-invest ka rin nang pagkain? Nagugutom na ako.”
Hindi alam ni Belle kung ano ang magiging reaksyon ng binata sa sinabi niya pero wala na siyang pakialam dahil sa mga oras na ‘yun ay tanging pagkain na lang ang iniisip niya at wala ng iba pa. Kailangan niyang kumain upang mabawi niya ang lakas niya at para gumaling na rin ang mga sugat niya.
THE SECRET HIDE OUT
SA ISANG malaking silid na tanging kulay pulang ilaw lang ang nagbibigay liwanag ay doon makikita ang isang lalaki na nakasuot ng kulay pulang polo habang nag babalasa lang ito ng hawak-hawak na baraha na kulay ito. Kaliwa’t kanan din ang ibinubugang niyang usok na walang iba kung hindi si Lucan. Hindi lang siya ang nasa loob ng silid na ‘yun kung hindi… nandoon din ang isang lalaki na umiinom ng isang mamahaling alak sa mamahalin rin niyang baso at ito ay si Park Jae Shin o mas kilala bilang si JS. Isa siyang koreanong modelo na kaibigan din ni Mohr.
Sa kabilang parte naman ng lamesa ay nandoon din ang isang lalaki habang bumubuga ng usok mula sa kaniyang sigarilyo at ‘yun ay si Eiji Fujido.
“I’m here.” boses ng isang babae ang naging dahilan ng pagkakaroon ng ingay sa tahimik na silid na 'yun.
“You are always late Hisae.” Nasambit na lang ng kapatid nito na si Eiji at mabilis nitong itinapon ang kaniyang sigarilyo sa lupa at inapakan ‘yun.
“I’m sorry, binisita ko pa kasi si Fevor sa ospital.” naging kasagutan na lang ni Hisae bago niya ibinato sa lamesa ang hawak niyang lab coat at bag at saka siya umupo sa itim na sofa na kinauupuan din ng kanyang kapatid na lalaki.
Dahil sa narinig ni Lucan ang pangalan ni Fevor na nabanggit ni Hisae kaya naman mabilis niyang naitigil ang pagbabalasa niya ng baraha at binatuhan niya nang tingin ang kaibigang babae.
“Anong balita sa kanya?" agad niyang tanong dito.
“Nakalabas na siya kaninang hapon sa ospital.” mahinang balita ng dalaga dahilan kung bakit nabigla ang dalawang lalaki na punong-puno nang pagtataka. Si Lucan at si Eiji.
“Agad- agad? Bakit ang bilis naman?" natatakang tanong ni Eiji sa kapatid.
“Kilala naman natin si Fevor. Para sa kaniya ay simpleng bagay lang ang nangyari at ayaw niyang sayangin ang oras niya.” Hisae.
“Ano bang nangyari?” Tanong ni JS habang nagsasalin pa siya ulit ng alak sa baso na hawak-hawak niya. Halata sa tono nang pananalita niya ang pagka-slang dahil sa pagiging pure blood korean nito.
“Wala ka bang alam sa nangyari kay Fevor kagabi?” Tanong ni Lucan sa kaibigan nang batuhan niya ito nang tingin. Nakaupo sila sa parehong lamesa kaya mas maayos lang sila na nakakapag-usap.
“Ang alam ko lang ay naaksidente siya kaya siya nasa ospital ngayon." simpleng sagot nito.
Magsasalita pa sana si Hisae pero nagsalita na ulit si JS kaya naiwan sa ere ang mga balak pa sanang sabihin ng dalaga. “Oh. I forgot! Nabalitaan ko rin na isang babae ang may gawa noon sa kanya… at pinaghahanap niya na 'yun ngayon kaya siya nagmamadaling lumabas ng ospital.” Dagdag na saad pa ni JS at muling uminom ng alak.
Nagkatinginan sina Lucan, Hisae at Eiji na may alam sa tunay na nangyayari.
“May alam ka pa bang balak niyang gawin?” tanong pa ni Hisae sa kaibigan habang seryoso lang ang tono nang pananalita niya.
“Jib seubgyeog.” tipid na sagot nito koreyanong lenguahe.
Napakunot ang noo ng tatlo dahil hindi nila maintindihan ang isinagot sa kanila ni JS.
“Ano? F*ck! Ano bang sinabi mo? Hindi kami marunong mag-korean JS." Medyo naiinis pa na sagot ni Hisae dito.
Napabuntong hininga naman si JS sa mga kaibigan bago siya nag patuloy sa kaniyang pagsasalita, “I think, house raid.”
Awtomatikong napatigil at lalong napalaki pa ang mata ng tatlo sa sinabi nito dahil hindi nila 'yun inaasahan.
“H-HOUSE RAID?!” Gulat na gulat na wika ng tatlo.