CHAPTER 08

1325 Words
MABILIS na sinuot ni Hellmohr ang kaniyang coat ng gabing 'yun matapos niyang makatanggap nang mahalagang tawag mula sa isa niyang pinagkakatiwalaan na empleyado at 'yun ay may kinalaman sa pumapasok na pera sa kompanya niya. Tinatakid niya lang ang butones ng polo niya sa may bandang pulsuhan niya habang bumababa siya ng hagdan hanggang sa tuluyan na nga siyang nakarating sa may sala. Hindi niya maiwasan na mapakunot ng noo nang batuhan niya nang tingin ang pinto ng kusina dahil sa narinig niyang ingay mula doon. Awtomatikong napatigil siya at kinutuban siya agad na baka may ibang tao ang nakapasok sa bahay niya nang hindi namamalayan ng ibang mga tauhan niya kaya naman dahan-dahan siyang nag lakad palapit do'n habang unti-unti rin niyang hinuhugot ang dala niyang baril na nakalagay sa may bewang niya sa bandang likuran nito. Ito ay isang Ed Brown 1911 Signature Edition Pistol na nagkakahalaga lang naman ng $ 7,995 o 399,750 pesos. Sa pag-aakala na ibang tao ang nasa loob ng kusina niya dahil halos mag a-alas diyes na rin nang gabi kaya naman ay naisipan niyang maging maingat sa pag galaw upang mahuli niya kung sino nga ba 'yon. Nang aktong mahuhugot niya na sana ang baril para itutok sa kung sino man ang taong 'yun ay agad siyang napahinto nang makilala niya agad kung sino ang nasa loob ng kusina. "What the f*ck! What are you doing here!?" Medyo napalakas ang tono ng boses niya sa pagtatanong kay Belle ng mga katagang ‘yun habang dahan-dahan at pa simple niya ulit na ibinabalik ang baril niya sa may likuran niya na para bang walang nangyari. Tama! Si Belle nga ang nasa loob ng kusina na ‘yun habang kasalukuyan lang ito na gumagawa ng chicken spread para sa sandwhich na gusto niyang kainin dahil talagang nagugutom pa rin siya. Dahil nga sa biglang pag sulpot ng binata sa kusina na ‘yun kaya naman awtomatikong binitawan ni Belle ang hawak niyang kutsara at medyo kinakabahan pa siya nang mag pasya siya na binatuhan na nang tingin ang si Mohr. Nagulat kasi siya sa biglaang pag sulpot ng lalaki sa may harapan niya dahil kahit konting palatandaan lang na may paparating ay hindi man lang niya 'yon napansin. Sanay naman kasi si Hellmohr sa paglalakad nang tahimik lalo na kung nararamdaman niyang may panganib kaya naman hindi na ito magtataka kung hindi man lang napansin ng babae ang pagdating niya sa may kusina. "N-nagugutom pa kasi ako eh, k-kaya naman naisipan kong gumawa ng sandwhich. Pasensya na,” agad na paghingi naman nang paumanhin ni Belle sa binata lalo na nang mapansin niya ang sobrang pagkaka- kunot ng noo ni Mohr. Hindi niya rin napigilan ang kaniyang sarili na medyo mapayuko sa may harapan nito. "Pwede ba… learn how to turn on the lights! For f*ck sake!" Galit na galit pa rin na wika ni Mohr at mapapansin ang bawat diin sa salitang binitawan niya kung saan ay halos hindi man lang bumubuka ang bibig niya. Sigurado kasi si Mohr na kung hindi niya agad nakilala ang babae ay baka napaputukan niya na ito ng bari sa ulo at panigurado na mamamatay ito. Agad naman na napatingala si Belle para tingnan ang ilaw at muling ibinalik ang kaniyang paningin kay Mohr. "H-hindi pa ba 'to bukas? Akala ko kasi bukas na 'to eh,” mahinang sagot ni Belle sa lalaki na punong-puno nang pagtataka. Ang tinutukoy niya kasi ay ang dimlight na ilaw ng kusina na para sa kaniya ay sapat na para makita niya ang ginagawa niya. Hindi naman niya alam na hindi pa pala ‘yun buhay. "What ever. Just finish whatever you are doing right now and go back to your goddamn room." malamig na tono na sabi ni Mohr at tumalikod na siya para umalis. Ngunit nang nakakailang hakbang pa lang si Mohr ay biglang nagsalita na naman si Belle na naging dahilan para mapatigil siya. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni Belle dito. "It’s none of your business." Simpleng sagot na lang ni Hellmohr sa kaniya na hindi man lang siya binatuhan nang tingin bago ito nag patuloy na ulit sa pag-alis. Wala namang nagawa si Belle kung hindi ang sundan lang nang tingin ang likod ni Mohr habang papalabas na ito sa kusina, hanggang sa hindi na rin nagtagal ay tuluyan nang naglaho sa kaniyang paningin ang lalaki. Mabilis naman na dumiretso si Mohr sa may parking area kung saan ay doon na nga naghihintay sa kaniya ang mga bodyguard niya pati na rin ang driver niya na agad siyang pinagbuksan ng pinto ng paborito niyang kotse... ang Mustang na kulay itim. Nang tuluyan na siyang makalapit sa kotse niya ay agad na may inabot na cellphone ang isang bodyguard niya na naka-black suit din at may ear piece rin ito na suot-suot. Walang salita na tinanggap naman ‘yun ni Mohr at nang makita niya na may active call sa screen ng cellphone ay agad niyang inilagay ‘yun sa kaniyang tenga para sagutin. "Anong balita?" walang emosyon na tanong ni Mohr sa nasa kabilang linya kung saan ay kapansin-pansin nga ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. [Nadakip na naman siya Mr. Mohr, nandito na siya sa may hide out at wala pa ring malay.] Sagot ng lalaki at isa 'yun sa mga tauhan niya. "Sige, pupunta na ako diyan."' At ‘yun na lang ang naging kasagutan ni Mohr bago niya tuluyang pinatay ang tawag. Inabot naman niyang muli ang telepono sa lalaki at saka niya hinarap ang apat pa niyang mga tauhan na nasa gilid lang ng kotse niya. "Huwag na kayong sumama lahat, maiwan na lang kayo dito at bantayan niyo 'yung babaeng ‘yun… siguraduhin niyong hindi siya makakalabas ng bahay ko. Kapag nanlaban, shot her! Barilin niyo lang pero wag niyong papatayin, dahil kung hindi… kayo ang papatayin ko," Buong awtoridad na wika ni Hellmohr sa mga tao niya. Sunod-sunod naman ang ginawang pag tango ng mga ito bilang pagsang-ayon. Hindi na lang niya pinatuunan nang masyadong pansin ang mga ito at saka nagpatuloy na siyang pumasok sa kotse niya. “Sa may hide out tayo,” sambit na lang niya sa kaniyang driver bago siya sumandal sa pinagkakaupuan niya. NANG mga oras na ‘yun ay nasa loob naman ng kwarto niya si Belle. Pagkatapos niya kasi na gawin ang sandwich niya ay nag pasya na lang siya na dalhin ‘yun sa loob ng kwarto niya para doon na lang kainin. Habang nakaupo siya sa kaniyang kama at habang kumakain siya ay hindi niya maiwasan na tingnan ang mga gamit na ibinili sa kaniya ng binata kanina. Inabot niya ang isang paper bag na kulay pula at tiningnan niya ang laman noon. Doon niya nakita na isang dress ‘yun na may tag pa. Wala sa sarili na tiningnan niya rin ang nakalagay sa tag hanggang sa awtomatikong napaupo siya nang sunod-sunod dahil sa kadahilanan na bigla siyang nabulunan sa kinakain niya nang makita niya ang presyo ng dress na ‘yun. Mabilis niyang nilumod ang sandwhich sa bibig niya at napasigaw siya. "HA?!" Hindi talaga siya makapaniwala. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kung ang makikitang presyo ng isang dress ay mahigit 35,000 pesos. Agad din niyang nabatuhan nang tingin ang pinto ng kwartong 'yun nang mabilis 'yung bumukas at isang men in black na naman ang pumasok. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa edad 30's na ito. "Anong nangyari, bakit ka sumigaw?" Mabilis na tanong sa kaniya ng lalaki pero wala man lang itong emosyon sa tono ng pagtatanong nito. Napalaki naman ang mata ni Belle dahil doon saka siya sunod-sunod na umiling "W-wala, nabigla lang ako," mahinang sagot niya na lang dito. "Sige." simpleng sagot na lang sa kaniya ng men in black na ‘yun hanggang sa dahan-dahan na ulit nitong isinarado ang pinto. Napatitig na lang si Belle sa pintuan nang tuluyan na ngang sumarado ‘yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD