MABILIS na nakarating si Hellmohr sa hide out kung saan 'yon ang mahalaga niyang lakad ng gabing 'yun. Pinagbuksan siya ulit ng pinto ng isa pa niyang bodyguard kung saan ay kanina pa ‘yun naka-stand by sa lugar na ‘yun.
Walang salita lang na bumaba si Hellmohr ng kotse niya at saka mabilis na dumiretso sa may underground. Kung titingnan sa labas ay isang malaking bahay na bato lang 'yon na para bang bahay bakasyunan lang na medyo may kalumaan na kaya walang nakakapagduda sa lugar, ngunit ang totoo ay isang hide out talaga 'yon at nasa underground ang itinatagong lihim ng bahay na ‘yun.
Naglalakad na ngayon si Mohr sa isang hidden pathway sa ilalim ng bahay na siya lang at ang ibang mga kaibigan nito ang tanging may access para pumasok doon. Kung hindi mo pag-aari ang malaking bahay na 'yun ay hindi mo malalaman na may sikretong daan 'yon sa ilalim. Ngunit, kung sakaling makakapasok ka man doon ay tiyak na hindi ka na makakalabas pa gaya na lang ng ibang taong nakapasok na do’n noon.
Nang maihatid na ng mga bodyguard si Hellmohr sa may entrance ng underground ay hindi na sila sumama pa, gaya nang nabanggit… si Mohr lang ang nakakapasok doon at ang iba pa nitong kaibigan.
Halos ilang minuto lang siyang nag lakad hanggang sa makarating na nga siya sa isang kwarto na tanging apoy (torch) lang sa mga ding-ding ang nagbibigay liwanag sa silid na 'yun.
Pagpasok niya pa lang ay hindi na maiwasan ni Hellmohr na mapangisi nang agad na makita niya ang lalaking nakatali ang dalawang kamay at paa sa batong pader habang nakabuka ang mga ito. Nang mapansin niya na wala pang malay ang lalaki ay agad niyang kinuha ang isang mahabang hose na nasa lupa saka niya 'yun binuksan at itinutok ang lumalabas na tubig sa lalaki na naging dahilan kung bakit agad itong nagising.
Nang masiguro niya na may malay na ang lalaking ‘yun ay doon pa lang niya pinatay ang tubig at sa pagkakataong 'yun ay nagkasalubong na ang mga mata nila. Walang buhay ang mga tingin ni Mohr sa lalaki na nasa harapan niya.
"F- Falcon." Nanghihina ngunit kapansin-pansin ang panginginig ng boses ng lalaking ‘yun nang banggitin nito ang apelyido ni Hellmohr. Bakas sa tono nang pananalita nito ang takot at kaba.
Duguan ang suot na polo ng lalaking ‘yun na halos sira-sira na at idagdag pa ang mga natamo niyang pasa at bugbug sa mukha nito mula sa mga tauhan ni Hellmohr nang magtangka pa itong tumakbo kanina at manlanban.
Walang salita na binitawan ni Hellmohr ang hawak niyang hose na bumagsak sa lupa. He pushed his right cheek using his tongue before he pulled a metal chair and sat down there.
Umupo siya habang nakaharap sa lumang kung saan ay nilabas niya ang mamahalin niyang baril at ipinatong doon.
Napasunod ang mata ng lalaki sa baril na ‘yun kaya naman lalo siyang nakaramdan ng kaba. Sunod-sunod na pag lunok pa ng laway ang ginawa niya dahil alam niyang ang baal ng baril na ‘yun ang magiging katapusan niya.
"Hindi ako naniwala sa mga sabi-sabi na ikaw raw ang ahas sa kompanya ko," malamig ngunit madiin na tono na sabi ni Hellmohr habang matatalim ang mga tingin niya na ibinabato sa lalaki. "Pero totoo pala. Kinukuha mo ang mga pera ng kompanya ko.” At isang nakakatakot na pag ngisi pa ang pinakawalan ni Hellmohr.
"H- Hellmohr, alam mo naman na kailangan ko ng pera ‘di ba? Sana naman maintindihan mo ko." Nangingilig pa rin sa takot na wika ng lalaki. Pinilit niya lang talaga na magsalita kahit putok na ang labi niya dahil sa hindi mabilang na suntok na natamo niya kanina mula sa mga tauhan ni Mohr.
"Do you really think na maniniwala ako sayo, Ram. Am I look stupid to you? Kung sa pamilya mo napupunta ang mga perang ninanakaw mo sa akin, maybe I’ll just cut your finger to pay me… but it wasn’t. Ilang beses ko bang sinabi sayo na ‘wag kang makikisama sa grupo ni Fevor." Walang emosyon pa rin na wika ni Mohr habang diretso lang siyang nakatingin kay Ram. Madilim ang mga mata niya na tila ba ay may magagawa siyang hindi maganda.
Halos ilang buwan na rin kasi simula nang makasama si Ram sa grupo ni Fevor matapos ang isang night party na pinuntahan nila kung saan ay siya ang isinama ni Mohr dahil isa nga siya sa pinagkakatiwalaan na empleyado nito sa kompanya… idagdag pa na tungkol sa mga business ang party na ‘yun.
"Siya lang ang tanging tumulong sa akin ng hiwalayan ako ni Anna… tinulungan niya akong makalimot." matapang na sagot ni Ram.
Muli na naman na napangisi si Mohr sa sinabi ng lalaki sa kaniya. "Hindi si Fevor ang tumulong sayong makalimot, kung hindi ‘yung dr*gs na ginagamit mo galing sa kaniya!"
Noong una pa lang ay sinabihan na niya si Ram na walang maidudulot na maganda si Fevor sa buhay niya pero hindi niya alam na itinuloy pa rin pala ng lalaki ang pakikisama dito. Ang pag gamit nito ng dr*gs at ng pera niya ang dahilan kung bakit niya ito pinadakip. Nalaman niya kasi na ito pala ang kumukuha ng pera sa kompanya niya para lang ipang- bili ng dr*ga. "Sinira mo ang buhay mo," dagdag na saad pa ni Mohr.
"Oo, alam ko. At alam kong mas sisirain mo pa ang buhay ko. Patayin mo na lang ako… tutal, wala na akong pakinabang sa’yo ‘di ba?" Matapang na sagot pa ni Ram sa kaniya dahilan kung bakit lalo siyang nakaramdam ng galit.
Walang pag dadalawang isip na tumayo si Hellmohr mabilis pa sa isang kisap-mata ang ginawa niyang pagkuha ng baril niya sa lamesa at saka niya ito ikinasa. “Akala mo ba… hindi ko gagawin?”
Tuluyan niyang itinutok ang baril na 'yun sa direksyon ni Ram.
“I thought, you will beg me and tell me that you are willing to change. Hindi ako nagbibigay ng pangalawang pagkakataon pero alam mo naman na kapag matagal ang pinagsamahan ko sa isang tao, binibigyan ko sila nang pangalawang pagkakataon… pero mas pinili mo ang patayin na lang kita. At masyado na akong mabait kung hindi pa kita papatayin… alam mo naman na hindi ako mabait ‘di ba?" Malalim ang boses ni Hellmohr habang binibitawan niya ang mga salitang 'yun na kahit sino yatang makakarinig ay makakaramdam ng takot.
Sa mga oras na 'yun ay tuluyan na ngang nakaramdam ng kaba si Ram. "H-Hellmohr, nabigla lang ako kanina. M-magbabagong buhay naman talaga ako ehh, 'yun talaga ang gusto ko kaya sana ‘wag mo kong papatayin. Magpapakalayo-layo na lang ak-."
At hindi natuloy ng lalaki ang mga sasabihin niya sapagkat isang malakas na pagputok ng baril na ang umalingawngaw sa buong silid na tumama sa mismong ulo ng lalaki na naging dahilan kung bakit agad itong binawian ng buhay.
Nabigla si Hellmohr dahil doon kasi alam niyang hindi galing sa baril niya ang putok na 'yun at ang bala na tuluyang tumama kay Ram.
“Headshot!”
Mabilis siyang lumingon dahil sa boses ng isang babae na mukhang masaya pa sa pagsasalita nito ng ‘headshot’… pagkalingon niya ay doon niya nakita ang isa niya pang kaibigan.
"Czarina." madiin na banggit niya sa pangalan ng babae.
Siya si Czarina Lopez or Zari for short. Isa rin siya sa kaibigan ni Hellmohr pero si Hisae ang pinakamalapit sa dalaga. Kung titingnan, si Zari ang girl version ni Fevor, brutal, hindi nagpapatalo at impulsive sa mga desisyon nito. Kapansin-pansin ang maliit na peklat sa may kanang pisngi ni Zari na nagbibigay ng nakakatakot na aura nito. But she’s literally hot and gorgeous.
Matagal na rin itong may gusto kay Hellmohr at alam 'yun ng binata ngunit hindi nagbibigay ng kahit anong pansin si Mohr tungkol do'n.
"Wag mong sabihin na maniniwala ka sa sinabi ng lalaking ‘yan?" wika ng babae at parang wala lang sa kaniya ang ginawa niyang pag baril kay Ram habang itinatago niya na ulit ang baril sa may bandang likuran nito.
“But this is none of your business!” Galit na wika ni Hellmohr at mabilis siyang lumapit sa kaibigang babae at sa mismong ulo nito itinutok ang hawak niyang baril.
Nanatili naman na walang ekspresyon ang mukha ng dalaga na para bang hindi siya nabigla sa ginawa ng binata at saka ito napangisi. "Magugulat na sana ako, pero naalala ko… halos sampung beses mo na nga pala ako tinutukan ng baril sa loob lang ng buwan na toh." Walang emosyon na saad ni Zari at parang hindi niya alintana ang nakakatutok na baril ni Mohr sa ulo niya.
Hindi gusto ni Hellmohr ang ugali ni Zari kaya madaling uminit ang ulo niya sa dalaga dahil ang totoo ay sa kama lang talaga sila nagkaka-sundong dalawa.
Marami ng beses na merong nangyari sa kanila… 'yun din siguro ang dahilan kung bakit mahal na siya ng dalaga pero si Hellmohr, kahit konti ay wala siyang espesyal na nararamdaman dito.
Hindi nag tagal ay dahan-dahan nang tinanggal ni Mohr ang baril sa ulo ng babae at itinago na lang niya ulit 'yun sa may likuran niya saka nagsimula nang maglakad paalis sa lugar na 'yun nang hindi hinihintay ang kaibigan.
Mabilis namang sumunod sa kaniya si Zari. "Saan ka pupunta?”
Hindi naman sumagot si Mohr sa tanong na ‘yun hanggang sa maya-maya pa ay tuluyan na nga silang nakalabas sa underground. Mabilis lang na sinenyasahan ni Mohr ang isang bodyguard niya na nakabantay sa entrance tungkol sa katawan ni Ram sa baba at agad naman 'yung naintindihan ng lalaki.
"Sasabay na ako sa'yo pabalik," biglang sabi pa ni Zari at dahil doon kaya mabilis niyang hinarap ito.
"Dumating ako dito ng mag-isa kaya aalis din ako ng mag isa… at WALANG KASAMA!" Mariin na sagot niya dito at nanatili pa rin ang matatalim na tingin niya kay Zari.
"Hindi naman 'yun ang dahilan kung bakit sasabay ako sa'yo… ayaw mo bang may katabi ka mamaya sa pagtulog? Mukhang stress ka pa naman.” wika ng dalaga na para bang nang aakit ang tono ng boses niya. Hinawakan pa nito ang dibdib ni Mohr saka pasimpleng pinadulas ang kamay nito patungo sa pang ibabang parte ng lalaki at medyo hinimas ‘yun.
Seryoso naman ang mga tingin ni Mohr sa kaibigan na para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa nito at saka niya mabilis na hinuli ang kamay ni Zari. "Just play yourself I know you're good at it," saad ni Hellmohr at nginisihan niya pa si Zari bago niya ito tinulak nang mahina palayo saka tuluyan nang pumasok sa kotse niya.
Umalis ang kotse ni Mohr kaya naiwan naman si Zari doon na punong-puno ng galit ng mga na ‘yun at pagkahiya sa sarili.
"F*ck you Falcon!" She muttered in so much annoyance.