“ARE you really sure about having a tattoo? Hindi mo naman kailangan gawin ‘yun kung napipilitan ka.” mahinahon na tanong ni Eiji kay Belle habang diretso lang siyang nakatingin sa kotse na dinadaanan niya. Kasalukuyan lang sila ngayon na papunta sa isang private tattoo artist na kakilala ni Lucan. Si Lucan na mismo ang nagpa-schedule ng tattoo session dito ng hapon na rin na ‘yun pagkatapos nilang makaalis sa bahay ni Hellmohr. Unfortunately, hindi pala ito nagho-home service kaya sila pa ang kailangan na pumunta doon. Sinigurado naman daw ni Lucan na discreet ‘yung lugar at maganda raw kasi talaga doon sapagkat wala silang makakasabay na ibang mga customers dahil by schedule nga ‘yun. ‘Yun kasi talaga ang kailangan nila dahil iniiwasan nga nila na baka may makakakita kay Belle. Buti na l

