HINDI maiwasan ni Hellmohr na awtomatikong mapahinto nang makapasok na siya sa loob ng kaniyang bahay nang gabing‘yun sapagkat sa hindi niya inaasahan ay madadatnan niya si Belle na nakaupo sa may sala ng kaniyang bahay habang may binabasa ito. Hindi niya makita kung ano ba ‘yun pero natatanaw niya naman na tila ba ay isang pirasong papel lang ‘yon. Nakatalikod kasi ang dalaga ngayon sa pwesto niya kaya naman hindi rin siya nakita o napansin ni Belle na pumasok. Dahil doon kaya lihim niyang binatuhan muna nang tingin ang suot niyang wristwatch upang makita kung anong oras na at doon niya nga nakita na pasado alas-onse na ng gabi. Tumikhim siya nang mahina upang ihanda ang kaniyang sarili na magsalita hanggang sa tuluyan na nga siyang umimik, “What are you doing?” Dahil nakatingin siya na

