CHAPTER 03

2298 Words
EIJI FUJIDO’s POV TAHIMIK ko lang na ginagamot ang babaeng 'to matapos umalis ni Hellmohr at lumabas ng clinic ko. Seryoso ko lang siyang tinitingnan at doon ko napansin na hindi man lang siya uma-aray sa ginagawa kong paglilinis sa sugat niya. Nakatulala lang siya habang nakayuko. I think namamanhid pa 'yung mga parte ng katawan niya na may sugat kaya naman wala siyang nararamdaman. Nakakaawa talaga ang kalagayan niya, masasabi ko talaga na hindi naging madali ang lahat sa kaniya habang pinaglalaruan siya ni Fevor. Well, ano pa nga ba'ng aasahan ko sa lalaking 'yon? Talagang bayolente siya pagdating sa mga laruan niya. Doon kasi siya nakakakuha nang satisfaction para sa sarili niya. Papahirapan niya ang babae hanggang lumuhod ito at magmakaawa para sa mga buhay nila, dahil doon siya natutuwa sa part na 'yon. Pagkatapos ay papatayin din naman niya at wala nang makakaalam kung nasaan ang katawan nito. Gano'n siyang klase ng tao. Hindi ko lang alam kung maswerte nga ba ang babaeng ito dahil nakatakas siya o malas siya sapagkat alam kong may naghihintay pa sa kaniya na malaking panganib. “You said— you’re Belle right?” Tanong ko sa kanya and this time ay tumingin na siya sa akin at isang beses na nag-nod bilang kasagutan niya. “I’m one of Mohr’s friend and I’m loyal to him. But, I’m warning you— kapag gusto ka niyang isauli sa taong gumawa nito sa'yo, mas maganda kung pumayag ka na lang.” Seryosong sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil doon at mabilis na umiling. Binatuhan niya pa ako ng hindi makapaniwalang tingin. “Hi—hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Gusto akong patayin ng lalaking 'yun tapos gusto mong bumalik pa ako doon?"wika niya. Inaasahan ko naman na gano'n talaga ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko kaya naman inihinto ko muna ang ginagawa kong pang gagamot sa kanya saka ko siya binatuhan nang seryosong tingin. “And do you think na ligtas ka rin kay Hellmohr?”I asked reason why she quickly averted my gaze. I’m not back stabbing Mohr pero kung ano lang ang mas makakabuti sa kanilang dalawa ay 'yon ang gagawin ko. Unang una, kung nabili siya ni Fevor... ibig sabihin ay laruan siya nito at hindi siya pwedeng agawin ni Mohr dahil kung gagawin niya 'yon-- hindi malabong mag kagulo ang dalawa. She belongs to Fevor. Kung anong gawin ni Fevor sa mga laruan niya, dapat labas si Mohr doon sapagkat 'yon talaga ang rules sa organisasyon nila. Pangalawa, ako na ang nagsasabi na mas malala pa si Mohr kay Fevor. Bawat kilos niya ay babantayan nito, hanggat may pakinabang siya— ligtas siya, pero paano kung wala na? I know na masasaktan din siya kapag bumalik siya kay Fevor pero mas maganda naman na ibalik sa may-ari ang isang bagay bago masira kaysa masira ito sa ibang tao. Alam kong foul ang mga paliwanag ko pero wala naman akong kakayahan na iligtas siya. At saka, alam kong wala rin siyang kakayahan na tumakas dahil hahanapin at hahanapin pa rin siya ni Fevor kahit saan siya magtago. Unless kung may tutulong sa kaniya na isang makapangyarihan din o may kakayahan na gawin 'yon dahil kung siya lang, malabong mangyari 'yon. Malaking tao si Mohr at Fevor, pareho silang makapangyarihan kaya naman mahirap silang kalabanin. Bonus na lang siguro 'yung kaibigan ko si Mohr kaya hindi ko siya kayang kontrahin. “Niligtas niya ako.” Sagot niya habang hindi pa rin nakatingin sa akin. “But it doesnt mean na ligtas ka.” “Hindi rin naman ako ligtas sa Fevor na 'yon. Basta kung saan mas tatagal ang buhay ko-- doon ako.” Sagot niya at mukhang desidido na siya doon. Napabuga na lang ako nang hininga dahil do'n at pinagpatuloy na ulit ang pang gagamot ko sa kanya. I hope na hindi siya magsisisi sa pinili niya. Dahil pag dumating 'yung time na pagsisisihan niya ang lahat-- baka huli na at malapit na siya sa bingit ng kamatayan niya. . . HELLMOHR's POV I was half awake when my phone rang. I reached my phone at my bed-side table and answered it. "What?" Walang ganang tanong ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya. [Pumunta ka ba sa hide out kagabi? ] And I immediately recognized the owner of that voice. Iminulat ko na ang mata ko saka bumangon na rin ako mula sa pagkakahiga para pagtuunan nang pansin si Fevor. You read it right. It's Fevor. "Why?" I asked. [Nagtatanong lang ako.] "Is there's any problem? " [Nawawala lang 'yung laruan ko.] Alam ko naman na 'yun ang sasabihin niya kaya hindi na ako nabigla pa. [Baka sakaling nakasalubong mo siya kung pumunta ka man doon kagabi.] "I don't know kasi hindi naman ako pumunta doon. Pero-- you mean, nakatakas 'yung laruan mo? Paano nangyari 'yun? "I asked. I'm not protecting that girl. May pakinabang lang siya that's why I keep her. Gaya nang sinabi ko, alam kong magagamit ko siya. [Puntahan mo na lang ako ngayon dito sa Ospital. Hihintayin kita.] "Okay." I answered and hang up the phone call. Nasa ospital siya? Ano naman ang nangyari sa gagong 'yun. Tsk. Tuluyan na akong bumangon without any shirts on. Tanging ang silk pajama ko lang ang suot ko sa pagbaba ng sala. Wala akong naabutan na tao sa kusina o kahit sa sala kaya naman napag desisyunan ko na umakyat ulit sa taas para puntahan 'yung babaeng 'yun. Hindi na ako kumatok sa pinto kasi bakit ko naman gagawin 'yon kung sariling bahay ko 'to? Nang tuluyan na akong nakapasok sa kwarto niya ay naabutan ko siya na natutulog pa. Tsk. Anong akala niya sa bahay ko? Hotel? Lumapit ako sa kanya at doon ko napansin na 'yung maduming damit pa rin niya ang suot niya. Kung sabagay, wala naman kasi siyang gamit dito. “Hey.” I said but she didn’t move even a bit. Dahil do'n kaya naman marahas kong hiniklas 'yung kumot na nakabalot sa kanya dahilan kung bakit mabilis siyang nagising. Agad siyang bumangon at tumingin sa akin. “Wala ka bang balak gumising?” Walang emosyon na tanong ko sa kaniya. “Pa-pasensya na, ma—masakit kasi yung katawan ko eh.” Sagot niya habang nakayuko siya at hindi makatingin nang diretso sa akin. “Aalis ako ngayon, papapuntahin ko na lang dito 'yung isa kong kaibigan para masamahan ka sa opsital. I can’t use you with that condition.” I said and smirk at her before I turned my head back and leave her. Laruan siya ni Fevor so I think magandang makipaglaro rin sa kanya. Wala naman akong ibang mapapala sa kanya bukod dun pero panigurado naman na mapapakinabangan ko rin siya balang araw. Hindi na ako bumaba pa sa kusina para mag almusal, dumiretso na lang ako pabalik sa kwarto ko saka naligo para umalis na. Bumaba na ako at naabutan ko siya sa may sala habang nakatingin sa transparent wall ng bahay. Bubog kasi ang dingding ng bahay ko kaya nakikita ang gate nito sa may labas saka yung garden at 'yung mga kotse. Idagdag pa na nasa labas din ang mga tauhan ko na nagbabantay ng buong lugar. Mukhang may balak na tumakas ang babaeng ito. “Hey.” I called her. Mabilis naman siyang humarap sa akin at mabilis na naman siyang yumuko. I took three steps towards her but still— there’s a gap in between. “What’s your name again?” I asked. “B- Belle.” She answered. “Kilala mo ba ako?” Tanong ko pa habang tinatakid ko ang silver rolex ko. “I—ikaw si Hellmohr. Yu—yun ang sinabi ni Eiji sa akin.” Mahinang sagot pa niya pero nanatili pa rin siyang nakayuko. Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at mabilis na hinawakan ang baba niya saka inangat ang paningin niya sa akin. Ngayon ay nakatingin na siya sa mga mata ko. “First rule, look at my eyes. Pinaka ayaw ko 'yung hindi tumitingin sa mga mata ko. I find it so betraying. Tandaan mo 'yan— Belle.” I said in my most serious voice. Marahas ko na siyang binitawan dahilan kung bakit napabaling sa may gilid ang ulo niya. “I have to go.” 'Yun na lang ang sinabi ko saka tuluyan na akong lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa Lamborghini Veneno, one of the most expensive car in the world. I got it from a bet in Casino. I started the engine while looking at her in the transparent wall. Nakatingin siya sa kotse ko pero hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya because it's tinted. HABANG nagmamaneho ako ay tinawagan ko naman si Lucan. He is a pure Italian but knew how to speak tagalog fluently. We became friends a long time ago. He is a Casino owner, infact— I got this car from him when I defeated him on a game. [Ciao Amico.] He said when he answered the phone call. *Hello my friend. “Are you busy?”I asked. [Not really, why? But wait--- nabalitaan mo na ba 'yung nangyari kay Fevor? He’s on the Hospital right now.] “Doon nga ako papunta ngayon.” I answered. [Nabalitaan ko rin kay Lim na may hinahanap daw siyang babae.] Kalat na pala agad ang balitang 'yun. But I know Lucan and he’s on my side like Eiji. “Nasa akin 'yung babae.” Walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ilang segundo siyang natahimik at sigurado ako na nabigla siya doon. [Seryoso ba 'yan? Kasama mo ba siya ngayon? Isasauli mo na?] “No, I'll keep her.” [W-what? Sei fuori di testa?! You can’t do that.] he said. “Are you out of your mind”?! “I can, I’m Hellmohr remember.” [I know pero--- pag aari ni Fevor ang babaeng 'yun. Kung anong gusto niyang gawin, gagawin niya. Papasok ka ba sa gulo ng dahil lang sa babaeng 'yan? Isauli mo na siya Mohr, that’s not a good idea.] I know what his talking about but my desicion is final. “Sa sinasabi mo, mukhang wala ka ring balak na tulungan ako sa hihingin ko na pabor sa'yo," sabi ko pa. [What do you mean?] “Gusto ko sana na ikaw ang magdala sa babaeng 'yon sa Ospital ni Hisae.” [Kay Hisae? Bakit hindi na lang kay Eiji?] Tanong niya pa. Hisae Fujido is the sister of Eiji, she owns a not so popular hospital. Mas maganda kung doon ko siya ipapadala dahil walang masyadong tao doon at nakakakilala kay Hisae. “Doon ko na siya dinala kagabi. But I think she needs to undergo some test.” I answered seriously. [Are you worried?] “Nope. She’s my toy. I need to make sure she’s in the good condition before I use her.”I said. [Fine. Nasaan ba siya ngayon?] “Nasa bahay ko, puntahan mo na lang siya du'n. Magpapadala ako ng mga susunod sa inyo for the security.” [Okay sige.] At namatay na nga 'yung tawag. Mas binilisan ko na 'yung pagmamaneho ko para makapunta na ako sa ospital. Ilang minuto pa ay nakarating na nga ako do'n. Tinanong ko na sa receptionist kung anong number ng room ni Fevor na mabilis naman niyang ibinigay sa akin. Nasa isang private room siya at bago pa man ako tuluyang makalapit sa kwarto niya ay kitang-kita ko na agad 'yung mga tauhan niya na nagbabantay sa labas ng pinto. “Sir Hellmohr, pasok po kayo,"sabi nu'ng isang tauhan niya na kilala ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at di ko na lang pinansin 'yung ginawa niyang pag-bow sa akin saka tuluyan nang pumasok. Agad ko siyang nakita na may benda ang ulo niya. Mukhang napansin din naman niya agad ang pagpasok ko kaya naman napatingin na siya sa akin. Tiningnan ko lang siya nang walang emosyon hanggang sa makalapit na ako sa kanya. “I can’t imagine na nagkaganyan ka nang dahil sa isang babae.” I said emotionless. “Shut the f**k up Hellmohr.” May pang gigigil sa tono ng boses niya. “Ano bang nangyari?” Tanong ko at umupo ako sa solo couch habang naka dekwatro at nakatingin sa kanya. Inilabas ko na rin ang sigarilyo ko sa bulsa saka ang mamahalin na lighter ko. Gold 'yun na may naka-engraved na letter 'H'. “I got her in the club. Nu'ng magkikita sana tayo, hinintay kita sa club pero hindi ka naman dumating. Nakita ko siya dahil may isang babae ang nag- recommend sa akin tungkol sa kanya. Bago daw. So binili ko siya--- in cash. Nu'ng dinala ko siya sa hide out, ayaw niyang mag pagamit dahil hindi raw siya bayarang babae at wala raw siyang maalala so I beat her up. At 'yung nga ang nangyari, nakatakas siya.” Sinindihan ko muna 'yung sigarilyo ko habang tumatango-tango sa sinabi niya. Mukhang nagsasabi nga ng totoo ang babae 'yun tungkol sa wala siyang maalala. “Naisahan lang ako ng babaeng 'yun but once na makita ko ulit siya-- sisiguraduhin ko na 'yon na ang katapusan niya," sabi pa niya. Bumuga na lang ako nang usok nu'ng sigarilyo ko habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at hindi pinapahalata na tinitira ko na siya patalikod. I'm just doing this dahil alam ko na ito na 'yung matagal ko nang hinihintay na pagkakataon. Na makakaganti na rin ako sa kaniya sa ginawa niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD