HINDI alam ni Belle kung pagbubuksan niya ng pinto ang taong kumakatok ngayon sa pinto ng bahay ni Hellmohr. Siya lang kasi ang tao ngayon doon at natatakot siyang baka isa ‘yun sa mga tauhan ng lalaking gustong pumatay sa kanya kagabi. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng puso niya ng mga sandaling ‘yun dahil sa takot at kaba.
Patuloy pa rin ang mahihinang pagkatok noon kaya naman kahit natatakot siya ay dahan-dahan siyang lumapit sa may likod ng pinto habang pinapakinggan ang katok na ginagawa nito.
“Hello, is there’s anyone home? Kaibigan ako ni Hellmohr, pinapasundo ka niya sa akin para madala kita sa ospital.” Rinig niyang boses ng isang lalaki.
Awtomatikong napalunok naman siya ng laway dahil doon at kahit nag dadalawang isip ay dahan-dahan niya nang tinatanggal ang pagkaka-lock nu’ng pinto pero hindi niya 'yun binuksan ng malaki.
Sinilip niya lang ‘yung lalaki mula sa labas at sinalubong agad siya ng isang simpleng ngiti nito pero alam niyang may konting pag aalangan ang mga 'yon.
Isang matipunong lalaki ang nakikita niya ngayon sa labas. Nakasuot ito ng shades at black and white polo in zebra print, with matching white na pedal short. Siya si Lucan Marcini (pronounce as Marchini), ang isang kilalang Casino owner sa lugar na kinagagalawan nito.
Pure Italian siya at talaga naman na mamangha ang lahat ng kababaihan sa mala- adonis na itsura nito. Maamo rin ang mukha niya pero sa likod ng mala anghel niyang mukha ay may tinatago rin itong nakakatakot na katauhan. Ngunit, kung sa pagitan naman nilang dalawa ni Hellmohr ay mas matino pa naman si Lucan dito at mapagkakatiwalaan din ito.
“Huwag kang matakot. Hindi naman kita sasaktan, I’m one of Hellmohr’s friend so you don’t have to worry.” Pag papakilala pa ni Lucan kay Belle habang diretso lang siyang nakatingin sa babae.
Hindi niya rin maiwasan na titigan ang mga pasa at suga sa mukha ng dalaga kung saan ay alam niya na hindi talaga madali ang dinanas nito, buti na lang at nakasuot siya ng shades ng mga sandali na ‘yun kaya hindi 'yon halata ng babae na nasa harapan niya.
Bigla namang naalala ni Belle ang sinabi ni Hellmohr kanina tungkol sa kaibigan nito na darating sa bahay niya kaya naman parang nakahinga na siya nang maluwag at doon niya pa lang binuksan ng malaki ang pintutan upang tuluyan nang makapasok ang binata. Kusang umatras ang mga paa ni Belle nang humakbang na ang lalaki upang makapasok na ito sa mismong loob. Doon pa lang din tinanggal ng binata ang suot niyang shades kung saan ay hindi maiwasan ni Belle na makaramdam agad nang pagkailang sa ginawang pagtitig sa kanya ni Lucan kaya naman mabilis siyang napaiwas dito.
“Oh, I’m sorry…” agad na wika ng binata. “I didn’t mean to offend you by staring at your face," he said.
Naging mas malinaw kasi sa paningin ni Lucan ang mga sugat at pasa ni Belle sa mukha nang tanggalin na nito ang suot niyang shades dahilan kung bakit hindi niya maiwasan na mapatitig dito.
Mabilis namang tinugon ni Belle ang sinabi ng lalaki sa pamamagitan nang pag iling niya bago siya nagsalita, “P-pasensiya na rin, h-hindi lang ako sanay na tinititigan ang mukha ko lalo na ngayon na puro sugat,” nakayuko pa rin na saad ni Belle kay Lucan.
“I can say na maganda ka naman, don’t worry… gagaling din naman 'yan lalo na at pupunta tayo ngayon sa ospital. Hmm so, hihintayin na lang kita dito sa sala. You can… change your clothes upstairs.” Wika ni Lucan at saka siya pasimpleng tumingin sa maduming damit ni Belle.
“W-wala kasi akong ibang damit, bukod dito,” nahihiyang sagot pa ni Belle kay Lucan.
Napansin ng lalaki ang pagkakayuko ni Belle habang nagsasalita kaya hindi niya maiwasan na magsalita, “I think, you should practice yourself to talk while looking into the eyes of the person you are talking to. Especially with Mohr,” sabi ni Lucan sa kanya dahilan kung bakit bigla niyang nai-angat ang paningin niya dito.
Bigla rin niyang naaalala ang sinabi ni Mohr sa kanya kanina pero hindi na rin ‘yun nag tagal pa dahil muli na ngang umimik ang binata. “If you don’t have anything to wear, then we should go now.” At hindi na nga hinintay pa ni Lucan ang sasabihin niya dito dahil nauna na itong naglakad papalabas ng bahay kaya naman sumunod na siya agad dito.
Sa labas ay naghihintay ang bagong sasakyan na binili ni Lucan isang linggo pa lang ang nakakaraan. It is a Pagani Huayra BC that worth a million dollars, pero syempre, dahil mayaman siya kaya wala lang sa kanya ang paglabas ng gano’n kalaking pera.
Walang salita na pinagbuksan ng pinto ni Lucan si Belle sa may passenger seat at agad itong sumakay doon.
He starts the engine of his car and drove away. “Ayoko sanang magtanong pero… why are you staying with Hellmohr?” hindi maiwasan na itanong ni Lucan ang mga kataga na ‘yun kay Belle habang nasa may daan lang ang paningin niya.
Nakasunod sa sasakyan niya ang dalawang itim na kotse na ipinadala ni Mohr bilang bantay nila papuntang ospital.
“W-wala naman akong choice.” Tipid na sagot ni Belle sa binata.
Naisip ni Lucan na wala nga itong choice dahil kahit saan man siya magpunta ay maha-hanap at maha-hanap pa rin siya ni Mohr o di kaya naman ni Fevor. At sigurado siya na kung hindi lang dahil sa tulong ni Mohr sa dalaga ay baka nahanap na rin ito ni Fevor sa loob lang ng halos bente-kwatro oras.
Kilala naman niya si Mohr. Hindi naman ito gumagawa ng isang bagay na masama ng walang dahilan. Ngunit gaya nang sinabi niya kanina… hindi magandang ideya na mananatili si Belle sa lugar ni Mohr dahil hindi naman siya pag-aari nito. Baka siya pa ang maging dahilan ng gulo sa pagitan ng dalawa. Tulad nu'ng nangyari noon na halos apat na taon na ang nakakalipas.
Mas pinili na lang ni Lucan na hindi na magsalita at makalipas lang ang halos bente minuto ay nakarating na nga silang dalawa ni Belle sa isang hindi naman kalakihang ospital. Walang masyadong pasyente dito at hindi rin naman ‘yon kilalang pagamutan sa lugar. Nakasunod lang naman si Belle kay Lucan at hindi niya maiwasan na tingnan ang paligid.
Tahimik ang lugar, wala siyang makita na mga nurse na palakad-lakad at mahahalata na luma ang pasilidad na ‘yun. Wala rin siyang makita na mga pasyente kaya hindi niya alam kung matatawag nga ba talaga na ospital ang lugar na ‘yun o hindi. Pero kahit ganon pa man, hindi na lang niya ‘yun pinansin pa sapagkat ang mahalaga para kay Belle ay ang magamot na ang mga sugat niya.