“HEY. I didn’t know na bibisita ka...” agad na bati sa kaniya ng kaibigan niyang si Eiji nang dumire-diretso lang siya sa pagpasok sa loob ng bahay nito. Hindi siya nag-doorbell o kumatok man lang basta pumasok lang siya ng walang pasabi. Sanay na siyang gawin ‘yon kaya wala rin naman siyang natanggap na pagkagalit mula sa kaniyang kaibigan. Naabutan naman niya si Eiji sa may sala ng bahay nito habang kumakain ng salad sa isang malaking transparent bowl habang nasa harapan nito ang isang malaking flatscreen TV. Hindi naman niya muna pinansin ang sinabi ng kaibigan niya sapagkat nagdire-diretso lang siyang pumunta at pumasok sa may kusina ni Eiji. Walang salita na tumuloy siya sa may ref nito para kumuha ng alak. “But it’s a good thing na nandito ka. I was about to call you to talk about

