ABALA lang ng tanghali na ‘yon si Hellmohr sa kaniyang opisina. Marami siyang mga papeles na kailangang pirmahan at basahin kung saan ay halos nagsisimula pa lang siya sa mga gawain niya. Kapapasok niya pa lang kasi sa kaniyang opisina, kung hindi siya nagkakamali ay mahigit dalawang oras pa lang siya na nananatili doon. Tinanghali kasi siyang gumising ng araw na ‘yon sapagkat medyo napasarap ang kaniyang pagkakatulog lalo na at magkatabi silang natulog ni Lila kagabi, pagkagaling nila sa birthday party ni Fevor. Para kay Fevor ay best decision talaga na nagpasya na siyang umalis sa party na ‘yon kagabi dahil mas masaya pa para sa kaniya na makasama niya ang dalaga. They kissed and more, you know what it is. Habang kasalukuyan lang siya na tahimik na nagbabasa ng mga papeles mula sa itim

