Tahimik lang na isinarado ni Eiji ang pinto ng kwarto na pinasukan nilang dalawa ng kaniyang kapatid at saka niya ito unti-unting hinarap. Seryoso niyang binatuhan nang tingin si Hisae na ngayon ay diretso rin na nakatingin sa kaniya na parang hinihintay kung ano ang mga sasabihin niya dito. Mukhang wala pa ring ideya ang kapatid sa pag uusapan nila.
Makalipas ang ilang segundo ay nag salita na nga si Eiji sa seryosong tono nang pananalita niya. “Alam mo naman siguro na hindi mo pwedeng sabihin kay Zari ang tungkol sa nangyayari kay Mohr ngayon lalo na ang tungkol kay Belle, hindi ba?” At dahil diretso lang siya ngayon na nakatingin kay Hisae kaya naman hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkakakunot ng noo ng kapatid.
Para bang hindi nito naintindihan ang ibig niyang sabihin at inaasahan niya na talaga ‘yon.
“Wait… what?! Why? What are you saying? Zari is our friend.” Panlalaban na sagot sa kaniya ng kapatid.
Si Hisae at Zari kasi ang mas malapit sa buong magkakaibigan dahil na rin siguro sa dahilan na silang dalawa lang ang babae sa grupo kaya ngayon pinipilit ni Eiji na intindihin kung bakit ganon ang naging reaksyon sa kaniya ni Hisae.
Bumuga siya nang malalim na hininga at saka siya unti-unti lumapit sa kapatid para paliwanagan ito ng mas kalmado na paraan upang maipaintindi niya dito nang mas maayos kung gaano ka-delikado at ka-kumplikado na ipaalam kay Zari ang tungkol kay Belle.
Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Hisae at saka siya nagsalita, “Zari loves Mohr, alam naman nating lahat ‘yun, ‘di ba? Alam mo at alam ng lahat kung gaano siya ka-obssess kay Hellmohr. Paano na lang kung malalaman niya na may ibang babae ang nakakalapit sa lalaking gusto niya? Gulo ‘yun Hisae, gulo ‘yon! Hindi malabong sabihin niya kay Fevor ang tungkol doon kapag nalaman niya. We all know how impulsive Zari is, hindi niya pinag-iisipan ang mga desisyon niya kaya siguradong malaking gulo ‘to.”
“Hindi ba mas maganda ‘yun? Gulo lang naman talaga ang dala ng babaeng ‘yun kay Hellmohr, bakit ba kailangan pa natin ‘yung pagtakpan kung pwede naman nating sabihin hangga’t maaga pa para hindi na ‘to mas lalong lumaki pa?” panlalaban na wika pa rin ng dalaga sa kaniyang kapatid.
“Dahil nasimulan na ni Mohr ‘to. Tagilid na siya ngayon. Umamin man siya o hindi… malalagot pa rin siya kay Fevor at damay-damay na ‘to. Damay na tayo, lalo na ako dahil ako ang unang pinuntahan ni Hellmohr noong gabi.”
“But knowing Mohr, hindi niya tayo idadamay kapag nahuli siya.” pag pupumilit pa rin ni Hisae sapagkat para sa dalaga ay tama ang punto ng mga sinasabi niya.
“Alam ko, pero knowing Fevor… hindi siya basta-basta maniniwala na walang tumulong kay Hellmohr kahit isa man lang sa ating lahat. Pagdududahan at pagdududahan niya tayo. Like what I’ve said, ako ang unang hiningan ng tulong ni Mohr tungkol kay Belle, ako ang gumamot sa kaniya… kaya kung ayaw mong madamay ako dito, then ‘wag mo nang sabihin kay Zari.” Eiji knows that gaslighting is bad but he has to do it. “ This is not about friendship Hisae, this is about loyalty, naiintindihan mo ba ako?” marahan na hinawakan niya na ngayon ang magkabilang pisngi ng kapatid.
Diretso lang na nakatitig si Hisae sa mata ni Eiji at makalipas ang ilang segundo ay tumango- tango na lang ang dalaga bilang pagsang-ayon niya. Wala na rin naman siyang magagawa dahil aminin niya man o hindi… may punto rin ang sinasabi ng kaniyang kapatid at saka ayaw niya rin itong madamay.
Nakahinga naman ng maluwag si Eiji dahil doon. Maya-maya pa ay napag-desisyunan na ng magkapatid na lumabas na sila ng kwarto at bumaba na para makasama ang kanilang mga kaibigan kung saan ay si Zari ang unang nakapansin sa pagbaba nila. Agad na nagtama ang paningin ni Eiji at ni Zari sa isa’t-isa.
Hindi nagtagal ay napatingin na rin si Lucan kina Hisae.
“So, did I miss something interesting? Parang ang seryoso niyo ngayon eh, to the point na nakakahinala na kayo.” Tumawa nang mahina si Zari sa magkapatid na bagong dating.
Dahil matagal na silang magkakilala kaya alam na ni Eiji na totoo ang sinasabi ng dalaga kahit na sa pabirong paraan niya ito winika. Totoong naghihinala na nga ito ng mga oras na ‘yun at sigurado siya doon.
“Wala naman.” tipid na sagot ni Eiji at saka siya lumapit kay JS para kumuha rin ng sariling alak na iniinom.
“Hmm. I hope that you are telling the truth.” sagot ni Zari sa kaniya habang diretso pa rin itong nakatingin sa mga mata niya.
“By the way, alam mo na ba ‘yung nangyari tungkol kay Fevor?” biglang tanong ni JS kay Zari out of nowhere kaya hindi maiwasan nina Lucan at Eiji na magbatuhan nang simpleng mga tinginan habang tahimik lang naman si Hisae na nakaupo sa may couch habang naka-cross arms.
“Yeah. Pero hindi ko pa siya nakakausap, si Hellmohr kasi ang pinuntahan ko kanina.”
Mabilis naman na napatingin si Lucan sa dalaga nang mabanggit nito ang pagpunta nito kay Mohr. “Pinuntahan mo siya? Sa bahay niya?” agad na tanong ni Lucan dahilan kung bakit napalingon sa kaniya si Zari.
She shrugged, “Hindi, pinuntahan ko siya kanina sa black house, sa may hide out.”
Lihim na napahinga naman ng maluwag sina Lucan at Eiji sa sagot nito. Buong akala kasi nila ay sa bahay mismo ni Hellmohr ito pumunta.
“May pa-house raid daw si Fevor para hanapin ‘yung babaeng nakatakas sa kaniya. Nabalitaan mo rin ba ‘yun?” tanong pang muli ni JS
Awtomatikong narinig nila ang mahinang pagtawa ni Zari, “House raid?” She chuckled again. “Sa tingin mo ba gagawin ni Fevor ang bagay na ‘yun? Certainly not! Baka naman nagkamali ka lang nang pagkaka-intindi sa tagalog term. Sa pagkaka-alam ko kasi… bar raid ang gagawin niya dahil iyun ang nabanggit sa akin ni Celeste kanina nang magka-usap kami sa telepono. Magpapa-bar raid daw si Fevor sa bar kung saan niya nakuha ‘yung babae, hindi house raid,” sagot na naman ni Zari kaya hindi maiwasan na magkatinginan na naman sina Lucan at Eiji sa isa’t-isa.
“Bar raid?” Gulat na wika ni Eiji kaya nakuha na naman niya ang atensyion ni Zari. Pinilit niyang bawiin ang pagkabigla sa tono nang pananalita niya dahil baka mas lalong maghinala sa kaniya ang kaibigan.
“Mal doeno.” biglang sambit naman ni JS sa kaniyang sarili in korean language.
Trans: That make sense
Sa mga oras na ‘yun ay mukhang naiintindihan na nina Lucan at Eiji ang totoong nangyayari. Nag kamali sila sa balitang ibinigay nila kay Hellmohr tungkol sa house raid dahil nagkamali si JS nang pagkaka-intindi sa pagkakaiba ng salitang house sa bar in korean.
Ngunit ngayon ay huli na para bawiin pa nila ang sinabi nila sa kaibigan dahil ang hindi nila alam ay malayo na ang nararating nina Belle at Hellmohr at wala na ring signal ang mga telepono nila. Dahil ngayon ay tinatahak na ni Mohr ang isang pribadong isla na pagmamay-ari ng kaniyang matandang kaibigan na si Alleo na pagmamay-ari rin niya dahil bigay ‘yun ng namayapa niyang Ama sa matanda. Walang ka-alam alam si Belle sa tinatahak nila na lugar ng binata dahil wala na siyang malay sa himbing nang pagkakatulog niya sa may passenger seat.