CHAPTER 12

1490 Words
“Let’s go,” biglang saad ni Hellmohr at nang aktong lalabas na sana sila ng kwarto na ‘yun ay mabilis naman siyang pinigilan ng Belle kaya napahinto rin siya. “Saan tayo pupunta?” hindi maiwasan na itanong ni Belle ang kataga na ‘yun dahil naguguluhan siya sa biglang nangyayari. “I don’t know, but for now kailangan na nating umalis dito or else, you’ll die,” seryosong sambit ng binata at hindi niya na hinintay pa ang isasagot ng dalaga at hihigitin niya na sana ulit ito palabas ng kwarto pero hinila siya ulit ni Belle pabalik. “WHAT THE f**k IS YOUR PROBLEM?!” sigaw ni Hellmohr dahil sa sobrang galit. “Wala akong suot na kahit anong pangloob tapos gusto mong umalis tayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Belle. “HELL I CARE!” sigaw na naman ng binata at hindi na ito nag-dalawang isip na buhatin na si Belle na parang isang magaan na sako lang sa may balikat nito. “WAHHH! ANO BA! IBABA MO NGA AKO!” sigaw ng dalaga sa sobrang gulat dahil sa ginawa ni Mohr. “YOU SHUT UP OR I’LL f*****g KILL YOU! RIGHT NOW!” halos umalingawngaw ang malakas at baritonong boses ni Mohr sa loob ng silid na ‘yun dahil sa lakas nang sigaw niya kung saan ay awtomatikong nakaramdaman naman si Belle nang takot kaya hindi na nga siya muling nagsalita pa. Tuluyan na silang bumaba ng bahay at mabilis silang pinagbuksan ng pinto ng isang tauhan ni Mohr. Dumiretso sila sa isang brand new Bugatti Veyron Mansory Vivere na hindi pa nagagamit ni Hellmohr para in case na makasalubong nila si Fevor sa daan ay hindi sila nito makikilala. Pabagsak niyang ibinaba si Belle sa harapan ng sasakyan na ‘yun at sinenyasan niya ito na pumasok na sa loob ng kotse. Agad naman na tumalima sa pagsunod si Belle sa binata. Isasarado na sana ni Mohr ang pinto ng passenger seat pero agad na may lumapit ulit dito na tauhan niya na naka-itim na suit. “Burn everything I bought for her on that room.” utos ni Hellmohr na ikinabigla naman ni Belle dahil rinig na rinig ‘yun ng dalaga. Nag-bow lang naman ang tauhan ni Mohr sa kaniya at tuluyan niya nang isinara ang pinto ng passenger seat sa malakas na pamamaraan at saka siya dumiretso sa may driver seat. Pumasok na siya sa loob at ini-start na ang engine. Mabilis namang hinarap ni Belle si Hellmohr at binatuhan niya ito nang hindi makapaniwalang ekspresyon ng mukha. “Susunugin ‘yun lahat? Alam mo ba kung magkano ang mga ‘yun?” tanong ni Belle na nanlulumo na agad sa mga susunugin na mga gamit kanina sa loob ng silid niya. “I know, ako ang bumili no’n ‘di ba, kaya alam ko ang presyon. But that’s an evidence so I need to burn it all. I can buy you again, so just shut up and siyt back.” walang emosyon na sagot na lang ni Mohr habang seryoso siyang nagmamaneho ng mabilis palabas sa village na ‘yun. Tahimik lang na pinapanood ni Belle ang mga nadadaanan nilang ilaw ni Mohr sa kalsada habang mabilis ang takbo ng sasakyan nila. Kahit ala-una na ng madaling araw ay hindi pa rin nakakaramdam ng antok ang si Belle dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit sila umalis ng bahay. “S-saan ba tayo pupunta??” mahinang tanong ng babae nang medyo humarap siya ng konti kay Mohr mula sa inuupuan niya. Doon niya nakita ang seryosong ekspresyon ni Hellmohr habang nagmamaneho ito. Nakakunot ng konti ang noo nito at diretso lang na nakatingin sa kalsada. “You are not allowed to ask me!” seryoso at nag babanta na sagot sa kaniya ni Mohr at hindi man lang siya nito binatuhan nang tingin. “Pero… anong oras na kasi eh… s-saan mo ba talaga ako dadalhin? P-papatayin mo na ba ako?” Kahit kinakabahan siya na itanong kay Mohr ang mga katagang ‘yun ay nilakasan niya pa rin ang loob niya. “What the f**k are you thinking? Hell f*****g no, I still need you. But if you wont stop asking and bothering me right now, it’s my pleassure to kill you.” Awtomatikong naitikom nga ng dalaga ang kaniyang bibig dahil sa naging kasagutan sa kaniya ng binata. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot doon kung alam niyang kaya naman talagang gawin ‘yun ni Hellmohr. Walang kaalam-alam si Belle na marami na ngayon ang mga katanungan na pumapasok sa isipan ng binata. Gulong-gulo na ang isip ni Mohr kung bakit naisipan ni Fevor na magkaroon ng house raid at isa pa sa bahay niya ang pinupuntirya nito. Bakit biglaan? Pinaghihinalaan na ba siya nito na may kinalaman sa pagkawala ni Belle. Sa dami nang katanungan sa isipan niya, isang bagay lang ang sigurado siya ng mga sandaling ‘yun… ayaw niyang magpahuli kay Fevor sapagkat marami pa siyang plano. Kaya nga kahit bitin na bitin siya sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Belle kanina ay napilitan siyang tumigil dahil mas uunahin niya ang mga plano niya kesa sa ano pang bagay. MABILIS pa sa isang kisap-mata ang ginawang pagpatay ni Eiji sa tawag niya sa telepono habang kausap niya si Hellmohr sa kabilang linya nang bigla niyang marinig ang isang pamilar na boses ng babae sa may bandang likuran niya. “What’s up guys. I didn’t know na nandito kayong lahat. Anong meron?” Dahil sa boses na narinig ni Eiji kaya naman unti-unti niya nang hinarap ‘yun at hindi naman siya nagkamali sa iniisip niya. “Anneong (Hello) Zari.” nakangiting pagbati ni JS sa bagong dating na si Zari. She was wearing an all black clothes. Black top and black ripped jeans that compliments her black long hair. Dahil sa presensiya ni Zari kaya naman hindi niya maiwasan na batuhan nang tingin ang kaibigan niyang si Lucan kung saan ay nakita niya na nakatingin din ito sa kaniya na tila ba ay parang pareho silang dalawa nang iniisip. “Nothing. We’re just hanging out,” sagot pa rin ni JS na patuloy pa rin sa pag-inom ng alak. “Ohh. Akala ko naman ay pinag-uusapan niyo ang tungkol sa nangyari kay Fevor.” Hinigit nga ni Zari ang isang bakal na upuan palapit sa lamesa kung nasaan nakaupo rin sina JS at Lucan at saka nito ipinatong ang baril niya galing sa may bandang ibaba ng likuran nito. “Zari!” Umalingawngaw ang boses ni Hisae sa buong silid nang tawagin nito ang pangalan ng kaibigan nito. Mabilis din ang ginawa nitong paglapit sa lamesa. Sa tono pa lang nang pagtawag ni Hisae sa pangalan ni Zari ay para bang may sasabihin ito dito kaya hindi maiwasan ni Eiji na mataranta at makaramdam ng konting kaba. Alam niya kasi na hindi malabong banggitin ng kaniyang kapatid ang tungkol sa nangyayari kay Hellmohr kaya naman… “Hisae, hanasou.” biglang sambit niya sa kapatid at mukhang alam na ni Lucan ang mangyayari kaya naman mabilis itong tumayo para naman agawin ang atensyon ni Zari upang hindi ito magtaka. Translation: Hisae, let’s talk. Naputol naman ang aktong pagsalita ni Hisae dahil sa ginawang pagtawag sa kaniya ng kaniyang nakakatandang kapatid at kahit naguguluhan ay sumunod na lang siya sa gustong mangyari ni Eiji. Hindi na lang umimik si Zari at pinapanood niya na lang ang mga likod ng magkapatid habang unti-unti na silang umaakyat sa taas ng hagdan. Nagtataka siya kung bakit parang ang seryoso ng mukha ngayon ng kaniyang kaibigan na si Eiji na hindi niya nakasanayan dahil lagi lang itong cool sa kahit ano mang bagay o problema. Madalang niyang makita sa binata ang kunot na noo nito pero wala siyang magawa kung hindi ang panoorin lang sila. Inisip na lang niya na baka seryosong usapan ‘yun sa pagitan lang nang magkapatid na Fujido. Hindi rin naman nag tagal ay kusang natanggal niya ang paningin niya sa magkapatid nang maramdaman niya na may umupo sa tabi niya. Nang batuhan niya ito nang tingin ay doon niya nakita si Lucan na umupo nga doon, “What are you doing here?” Lucan asked. She can’t help it but furrowed because of it, “Why? Am I not allowed here now?” she asked, confuse. “Oo nga, hindi na ba siya pwedeng pumunta dito?” naguguluhan na tanong rin ni JS sa kaniya habang diretso itong nakatingin sa mga mata niya. Lihim siyang napabuga nang malalim na hininga dahil sa pagiging clueless ni JS. Naalala niya na hindi nga pala nila nagawang ipaliwanag ni Eiji ang mga nangyayari sa kaibigan. Well, pwede naman talaga niyang sabihin ang totoo kay JS pero hindi niya pwedeng sabihin kay Zari ang tungkol kay Mohr at Belle. THAT WILL NEVER HAPPEN, sapagkat alam ni Lucan na malaking gulo talaga 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD