HALOS na kay Hellmohr ang atensyon ng lahat ng guest sa loob ng underground, napapatigil ang mga ito sa kanilang mga ginagawa upang mag bigay ng oras upang hangaan ang isang binata na walang iba kung hindi si Hellmohr Falcon. Halos lahat yata nang nagsisimula pa lang na mga businessman ay humahanga sa kaniya. Sa loob lang kasi ng halos tatlong taon na membership ni Hellmohr sa underground ay talagang nakilala na ito. Nag-boom ang mga businesses ng binata at halos lahat ng investors ay gustong mag-invest sa kaniya dahil kasabay ng pag-angat ni Hellmohr sa business industry ay kasabay rin ng pag-angat ng mga taong nag i-invest sa kaniya. Gano’n ka-seryoso ang binata sa pagpapalawak ng kaniyang mga negosyo. Ang hindi alam ng mga tao, nagsimula lang naman na maging active si Hellmohr sa unde

