FLASHBACK HINDI maiwasan ni Hellmohr na mapangiti nang malapad habang nakatanaw siya sa babaeng nag papasaya sa kaniyang puso at sa kaniyang araw-araw, walang iba kung hindi si Lila. Kitang-kita ng kaniyang mga mata ang lumilipad na mahabang buhok ng dalaga dahil sa malakas na hangin mula sa tumatakbong yate kung saan sila nakasakay ng oras na ‘yon. Nasa may pinakadulo ng yate si Lila habang siya naman ay kalalabas pa lang sa loob ng yate sapagkat kumuha siya nang alak na maiinom. Mula sa kaniyang pinagkakatayuan ay tanaw na tanaw niya ang simpleng ngiti sa labi ni Lila. Napaka mapayapa nang mukha ng dalaga kaya hindi niya rin maiwasan na makaramdam nang pagka-mapayapa sa kaniyang dibdib. Mahirap man aminin ni Hellmohr sa kaniyang sarili pero aaminin niya na rin na ngayon lang siya nakara

