CHAPTER 40

1565 Words

KUNG pwede lang na pahintuin ni Hellmohr ang araw, oras at minuto habang kasama niya si Lila sa may isla ay baka ginawa niya na, para sana araw-araw niyang kasama ito... ngunit alam niyang hindi ‘yon pwedeng mangyari. Kaya ngayon, balik na naman siya sa trabaho niya sa kompanya. Halos ilang oras pa lang siya na nakaupo sa swiveling chair niya sa harapan ng working table niya ay para bang isang buong linggo na siyang nandoon. Ang tanging gusto niya lang gawin ng mga sandaling ‘yon ay matapos na ang araw para makauwi na siya at makasama niya na ulit ang dalaga. Pwede naman siyang umuwi kung gugustuhin niya talaga, kaya lang meron pa kasi siyang tatlong meeting sa araw na ‘yun na kailangan niyang puntahan kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang maghintay talaga. Binitawan niya muna ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD