“Are you sure na gusto mo talaga akong isama?” Narinig ni Hellmohr na mahinang tanong sa kaniya ni Lila habang nakaupo lang ang dalaga sa may shotgun seat ng kaniyang sasakyan. Mabagal lang ang takbo ng kotse ni Mohr ng mga sandaling ‘yon kaya nagawa niyang batuhan nang mabilis na tingin si Lila kung saan ay nakita nga niya na nakatingin din ito sa kaniya, na naging dahilan kung bakit panandaliang nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Nakausot lang ng simpleng peach color dress and above the knee-length si Lila. Naka-ribbon lang ang likod nito kaya medyo exposed ang likuran ng dalaga. May belt pa ‘yun na kulay itim kaya mas lalong lumutang ang maganda nitong hubog ng katawan. Dahil likas na maganda ang dalaga kaya hindi na nito kinailangan ng makapal na make-up at tanging light red li

