
Ang sugat Ng Nakaraan Sa murang edad ni Lamar ay kung ano-anong sideline ang kanyang pinasukan para matulungan niya ang kanyang pamilya at mapa-aral ang dalawang niyang kapatid. Pero kahit anong sakripisyo ni Lamar sa kanyang magulang ay hindi pa rin sapat ang mga ginagawa ni Lamar. Walang sinuman ang nakakaalam sa totoong buhay ni Lamar kahit pagod na pagod na siya ay ipinapakita pa rin niya sa harap ng mga tao na masaya at matapang siya kahit gusto na niyang sumuko sa buhay.Hanggang sa lihim siyang na-inlove sa kaibigan ng kanyang amo na si Sharina. Sa Edad halos kalahating edad lang ni Lamar si Reezan ay isang half Turkish and half Filipino. Multi-billionaire at sikat na businessman. Tumatak na sa isip at puso ni Lamar na si Reezan na ang kanyang ideal man. Paano kung tutol sa kanya ang magulang ni Reezan sa estado pa lang ng buhay nilang dalawa ay walang-wala ni Lamar sa binata? Kaya bang ipaglaban ni Reezan si Lamar sa kanyang magulang?Minsan ang ang sugat sa ating puso kahit ilang taon pa ang lumipas ay nanatili pa rin sariwa ito kung sobrang lalim ang sugat.Buong akala ni Lamar ay hindi na muling mag-krus ang landas ng taong minahal niya ng husto. Maibabalik pa ba ang unang tamis ng pag-ibig nilang dalawa o tuluyan ng kimkim na galit pa rin ang pairalin ni Lamar kay Reezan? Kaya bang patawarin ni Lamar si Reezan kung hanggang buto ang sugat na iniwan sa kanya ng binata.“Stay away from me Reezan huwag na huwag mo akong hahawakan, ano pa ang kailangan mo pagkatapos mo akong ipahiya? Hindi na ako ang dating Lamar na ang tingin ng lahat sa akin isang dakilang alipin.
