CHAPTER 5....

1034 Words
ALVIN POV Eksaktong 4 am ng umaga ng dahil kumalam ang tiyan ko. Naka kapit pa rin sa bisig ko si Steffy at tila ay pagod na pagod ito. Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang kamay sa katawan ko at dahan dahan akong umalis. Chineck ko ang wallet ko and I admit, pamasahe na lang ang meron ako ngayon. Hindi ko rin alam kung makakauwi pa ako sa nirerentahan kong bahay. Napatingin ako sa bag ni Steffy na nakalapag sa mesa at napatingin ako sa kanya. Tinapik ko siya para gisinging. "Steffy, Steffy, Steffy," sambit ko pero tila ay mahimbing itong natutulog. Napakamot ako sa ulo dahil sa stress. Kailangan ko nang kumain at mag report sa office otherwise sisibakin na ako ng boss ko. Dahil sa mantika kung matulog si Steffy, wala na akong ibang choice ngayon kung di ang kumuha sa wallet niya ng walang paalam. Kabadong kabado ako, wala na akong ibang choice kung di kumapit sa patalim. Pagbukas ko ng bag ni Steffy, bumungad sa akin ang kanyang mamahaling wallet. Dali dali ko itong binuksan at nagulat ako- halos puro libo libo ang laman ng pera niya. Medyo nainggit lang ako dahil mabuti pa siya ay kumikita ng ganito kalaki, samantalang ako, puro lamang commission ang kinikita. At dahil balak ko na wag nang magpakita kay Steffy, I decided na kumuha ng 10 thousand para mayroon pa rin akong budget at pambili ng alak para kung in case man na mawalan ako ng trabaho, mayroon pa rin akong allowance. Sinuot ko na ang damit at pantalon ko sabay alis ng walang iniwang bakas. Ang swerte ko lang ngayong araw, bukod sa naka iskor ako sa isang model, nag uwi pa ako ng sampong libo. Sigurado akong matutuwa si Cynthia dahil may pang date na rin kaming dalawa. --------------------------------------------- --------------------------------------------- STEFFY POV Minulat ko ang mga mata ko subalit wala na si Alvin sa tabi ko. Kahit note o number niya ay wala na rin. Ngayon lang ako nahimasmasan at dahil ayaw ko nang pahirapan ang sarili ko sa paghahanap sa kanya, tumawag ako sa receptionist at sinabi nila na hindi raw nila napansin ang mga lumalabas dahil hindi nila ito monitored. "My gosh Steffy ang tanga mo!" sambit ko habang tinutuktukan ang sarili ko. Damn! Niloko na nga ako ni Leo tapos lolokohin pa ako ng Alvin na 'yun. Bakit kasi sobrang weakness ko ang dimples niya? Nabaling naman ang atensyon ko sa table which is beside the bed. Pag ka check ko ng laman ng wallet ko, halos bawas na ito ng 10 thousand. Nanlumo akong bigla! Pagkatapos kong pagka tiwalaan si Alvin, ganito ang igaganti niya sa akin. Sobrang walang hiya talaga ang mokong. Hindi ko dapat siya pinag katiwaalan on the first place. Sobrang walang kwenta niyang lalaki at isa siyang kriminal. Sa kalagitnaan nang kalungkutan ko, naptawag naman bigla si mama Elmira. My gosh, halos kabisado ko na ang ugali niya at alam ko na ang sasabihin niya pag sinagot ko ang tawag niya. "Hello Ma, nasa work po ako ano ba!" Bungad na sabi ko sa kanya. "Hoy, anong nasa trabaho ka, wag kang mag sinungaling Steffy kilalang kilala na kita. Sa akin ka kaya galing. Nasaan ka ngayon, sigurado akong kagigising mo lang." "Nag sleep over lang po ako sa bahay ni Chona. Yung bagong friend kong model. Unfortunately, marami po akong ginagawa ngayon sa office kaya hindi po ako makaka uwi ng ilang araw." "Ah ganon ba? Sige wala naman akong problema jan. Siya nga pala, napatawag ako kasi wala na akong pang grocery. Hindi ko na naman siguro kailangan sabihin sayo na isend mo na lang sa gcash ko ang pera diba? Ipapa cash out ko kay Levi ang pera." Nang marinig ko ang pangalan ni Levi naalala ko ang kahayupang ginawa niya kasama si Leo. Mga putang ina nilang dalawa. Mga baboy, walang bituka, puso at halang ang kaluluwa. Sana talaga parehas na silang mamatay para wala na akong problema. Binaba ko ang telepono ko at pinadala ko na kay Mama ang perang hinihingi niya. Sa totoo lang, nagtatampo na rin alo sa kanya dahil mas mahal niya pa si Levi na anak ni dad sa ibang lalaki kaysa sa akin na totoo niyang anak. Palibhasa kasi ay libre manicure at masahe siya araw araw sa gagang 'yun at mas ka chikahan niya kaysa sa akin. Tumawag naman si Sir Matteo. "Alright sir, 10 am nanjan na po ako sa office." "Bakit parang kagigising mo lang? Are you sure na makakarating ka sa office eh 9:30 na ng umaga?" "Lilipad ako sir, wag kang mag-alala..." "Not funny," pagsusungit ni Sir. "You need to arrive here dahil marami pa tayong gagawin." "Sir nanjan po ba si Leo?" "Oo, inaasikaso niya ang ibang mga models. Bakit hindi mo pala ako sinabihan na anniversary niyo kahapon?" "Eh sir... kasi ano..." Nauutal na sabi ko. "Sige na... Bilisan mo Steffy, wag na wag kang male late!" Binabaan na ako ni Sir ng tawag. Nako talaga, nasa bahay pa naman ang outfit of the day ko tapos nandun pa yung malandi kong half sister. No choice, ayaw kong makita ang pagmumukha niya kaya dumaan ako ng mall para bumili. Eksaktong 11 ng umaga ako nakarating sa office pero wala na, nahuli na ako sa balita at lahat ng mga models ay rumarampa na sa rehearsal. Hinahanap ko si Sir pero hindi ko siya makita. "Go to my office," sambit ng pamilyar na boses sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Sir. Matteo, bigla siyang tumalikod at sinundan ko siya sa kanyang office. Kitang kita ko ang pagiging bad mood sa kanyang mukha. Kinakabahan ako, sa lahat pa naman ng kasalanan, yung late ang pinaka ayaw ni Sir. Huminga ako ng malalim dahil sigurado ako na sisigawan ako ni Sir ng bonggang bongga. I held the door knob and twist it, tapos bumungad ang naka simangot na mukha niya sa akin. Uupo na sana ako ng magsalita siya. "Sino ang nagsabi sayo na umupo ka?" Napangisi ako kay sir kahit na namumula ako sa kahihiyan. "Si Sir naman-" He leaned on his chair, "Mukhang malakas pa ang amats mo Steffy. Sino ang kainuman mo kagabi?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD