STEFFY POV
"Ako po dad," sambit ni Leo na biglang pumasok sa loob.
Kumulo ang dugo ko at tiningnan ko talaga siya ng masama.
"Anak, akala ko ba umuwi ka ng maaga sa apartment mo?"
"I'll explain it in a bit dad, pero please paupuin muna natin si Steffy. Naka takong pa naman siya. Pupulikatin yan."
Umupo ako sa upuan and I am avoiding to make eye to eye contact kay Leo.
"Dad wag mo na po siyang pagalitan please... 3 year anniversary namin kahapon and we spent on time together. Ito lang naman ang unang beses na na late si Steffy so it shouldn't be a big deal."
Huh! Kung naiisip ni Leo na papatawarin ko siya dahil lang sa niligtas niya ako ngayon, nagkakamali siya!
"Okay fine. Happy anniversary sa inyong dalawa."
"Third year anniversary to be exact po," nakangiting sagot ni gago na feeling niya ay magka relasyon pa rin kami.
Gusto ko na sanang sabihin kay Sir na nakita kong nakikipag s*x ang boyfriend mo sa half sister ko pero halata namang stress siya.
"Pwede na siguro yan para magpakasal na kayong dalawa."
Hindi na ako nakapag timpi pa, tumingin ako kay Leo ng masama at tsaka ko siya binira.
"Hot f**k boy ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita rito ng walang nangyari? Kung iniisip mo na madadaan mo ako sa pa cute mo at pagtatanggol mo sa akin, masyado mo akong minamaliit."
"Saglit lang, ano ba ang nangyayari rito Steffy?"
Nanatili akong nakatitig kay Leo.
"Oh bakit hindi mo sagutin ang tanong ng dad mo? Nahihiya ka bang sabihin na nahuli kitang nakikipag s*x sa half sister kong si si Levi sa mismong anniversary natin doon mismo sa apartment mo?"
"What is that true?" kunot noong sabi ni Sir.
Nanatiling tahimik si Leo na nakayuko na lamang. Halatang halata ko na nagi guilty siya at sising sisi. Bagamat naawa ako sa kanya, naiisip ko pa rin ang masakit na ginawa niya sa akin.
Bigla na namang umiyak si Leo na para siyang 3 years old. Nakaka suya siyang tingnan.
Tumayo ako sa upuan ko at nauna pang tumulo ang luha sa aking mga mata kaysa sa sasabihin ko.
"Tumayo ka f**k boy," sambit ko.
Tumayo si Leo at hindi pa rin siya tumitingin ng direkta sa mga mata ko. Isang malakas na sampal ulit ang pinakawalan ko sa pisngi niya. Lumagutok ito at rinig ni Sir ang sampal ko.
"Masakit ba? Kulang pa kasi yung sampal ko sayo kahapon kaya dinadagdagan ko ngayon at para din alam ng tatay mo, break na tayong dalawa. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan."
Kinuha ko ang bag ko at bago ako umalis, tumingin ako kay Sir. Wala na akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak.
"Magpa file po ako ng leave for two days sir. Pasensya na po kayo, tao lang din ako na nasasaktan. Para po sa kaalaman ninyo, minahal ko pp ng totoo ang anak ninyo pero itinapon niya ang tatlong taon naming pagsasama dahil lang sa libog niya."
-------------------------------
-------------------------------
LEO POV
Nang umalis si Steffy, para na niyang dinala ang durog kong puso. Mahal na mahal ko si Steffy at sobra akong nag sisisi na niloko ko siya.
"Kita mo ang babaeng 'yan, mas boss pa sa akin. Pumasok ng late tapos nagpaalam ding mag le leave. Sana sinabi na lang niya sa akin ang totoo para hindi ko siya pinapasok eh," sambit ni dad.
"Sorry po, ako naman kasi ang may kasalanan nang lahat eh," paghingi ko ng tawad kay dad.
"Anak, ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi dapat sinasaktan ang babae, minamahal sila."
Alam ko na biro lang ang sinabi ni dad pero hindi akk natawa.
"Dad, sa tingin niyo po ano ang dapat kong gawin para mapatawad ako ni Steffy?"
"Nako anak, mahirap sagutin ang tanong mong yan. Pero natitiyak ko sayo na kung papatawarin ka man niya, hindi mo na maibabalik yung tiwala na mayroon siya para sayo. Lalo na't half sister pa pala niya ang iniskoran mo. Sigurado ako na hindi muna yun uuwi sa kanila."
"Dad, ikaw na lang po ang pag-asa ko..."
Tumayo si dad sa kina uupuan niya, "Bahala ka sa buhay mo Leo, problema mo yan kaya dapat wag kang mapagod na habulin si Steffy. Sige ka ikaw din, maraming lalaki ang pipila jan.
Kapag hindi mo ginawan ng paraan para magkaayos kayo, aagawin yan ng ibang lalaki."
"Dad naman, anak mo ako kaya dapat ay tulungan mo akong magkaayos kami ni Steffy."
"Anak, manhid ka ba talaga? Kita mo ba kung gaano umiyak si Steffy? Sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari kaya kung ako sayo, hayaan mo na muna siyang mapag isa. Time can heal wounds. Kung kayo talaga ang itinadhana para sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para maging kayo sa bandang huli."
"Before you leave, can I ask you a favor?"
"At ano na naman 'yun Leo? Mukhang napapadalas na yata ang pag hingi mo sa akin ng pabor?"
Dineretso ko na kaagad si dad dahil alam ko na marami pa siyang gagawin.
"Baka pwede rin po akong magbakasyon? Sa totoo lang, pumasok ako rito para sana manghingi ng sorry kay Steffy pero-"
"Shut the f**k up, marami akong ipapagawa sayo! Isantabi mo muna yan dahil marami pa tayong mga naka line up na projects. Pero si Steffy, kailangan mong makipag communicate sa kanya kasi siya ang magiging highlight model natin sa malaki nating upcoming project. I will also talk to her about this."
"There is no way she'll do that in a short period of time. Baka nga po napapaisip na siyang mag resign eh."
"Alam mo, malaki ang sinasahod ni Steffy dito sa agency natin. Sa lahat ng mga models natin, siya ang may pinaka malaking sahod. Sure ako sayo na hinding hindi niya iiwan ang kumpanya kung bakit gumanda ang buhay nilang mag ina."
Nang sinabi ito ni dad, sobra na akong napanatag. At least kahit papaano, magkikita at magkaka usap pa rin kaming dalawa ni Steffy sa ayaw at sa gusto niya.