CHAPTER 7

1015 Words
LEO POV 6 pm na, sa wakas ay tapos na ang duty ko dito sa office namin. Pero more stress days to come hindi dahil sa trabaho kung di dahil kay Steffy. Dati kasi, sumasabay ako sa kanya every Tuesday dahil coding ng sasakyan ko, ngayon, kailangan ko nang mag taxi mag isa. Buti na nga lang kanina at nakisabay ako sa isa naming empleyado para lang hindi ako ma late. Pag uwi na pag uwi ko sa apartment ko, medyo na badtrip ako nang makita ko si Levi. Napalihis namang bigla ang tingin ko sa dala niyang maleta. Nang makita niya ako ng malapitan, napangiti siya kahit na bakas ko ang pag iyak niya. Kung noong nakaraang araw, naaakit ako sa maganda niyang katawan at baby face, ngayon ay naba badtrip na ako. Yayakapin niya sana ako pero nagsalita ako. "Don't do that! Wala ako sa mood para i-entertain ka! Bakit ka nandito at bakit may dala kang maleta? Mag a-abroad ka ba or what?" "Grabe ka naman Leo! Matapos mong kuhain ang virginity ko, para na akong basura sa paningin mo," nakasimangot na sabi niya sa akin. "Sus! Ang usapan lang natin, tikiman lang tayong dalawa. Ngayon, sising sisi ako kung bakit ako nakipag s*x sayo sa mismong third year anniversary namin ni Steffy," gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko sa pag iyak pero mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. Napaiyak na rin si Levi sa akin. "Wala na akong mukhang ihaharap kay Steffy so I decided na umalis sa apartment niya kahit pa close kami ng mommy niya." "Good!" sambit ko, "Kasi yan din ang sasabihin niya sayo kapag nakita ka pa niya doon. Just so you know, it is very wrong of you kung dito ka mag i-stay sa apartment ko. You are not welcome here now and forever. Leave this place dahil ayaw kong makita ang pagmumukha mo." I say those words with a straight face para malaman ni Levi na seryoso ako. Lumapit siya sa akin at bigla na lamang niya akong sinampal sa mukha. Mas masakit ang sampal na natanggap ko sa kanya kaysa sa sampal ni Steffy sa akin kahapon. Siguro ay mas nasasaktan siya sa mga nangyayari. "Gago ka pala eh! Playing the victim lang? Sa tingin mo ba ikaw lang ang may karapatang magalit sa akin? Putang ina, kapal naman ng mukha mo! Para sabihin ko sayo, ako ang biktima rito at hindi ikaw! And besides, I am not stupid enough para tumira sa lugar kung saan kasama ka. Lalong magagalit sa akin si Ate Steffy. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil pinag aral niya ako. But this time, sure ako na ititigil na niya ang pag sustento sa akin so I need to sustain myself. May apartment na akong tutuluyan. Magiging working student ako at itataguyod ko ang sarili ko. Promis, you will never see my face again." Binitbit ni Levi ang maleta niya at ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya ngayon. Pagtalikod na pagtalikod niya sa akin, nagsalita akong muli. "Hold on a second," sambit ko, "Hindi ba't scholar ka ng university ninyo?" "Oh ano naman?" tanong ni Levi. Nakatalikod man kami sa isa't isa, dama namin ang bigat ng pinag dadaanan naming dalawa. Pero mas nagu guilty ako dahil ako ang naging dahilan para masira ang relationship nila ni Steffy. "Sasagutin ko na ang tuition mo ngayong sem at bibigyan kita ng allowance for two months. Mahirap maging isang working student kaya sana ay tanggapin mo ang tulong ko para kahit papaano, makabawi man lang ako sa nagawa ko sayo. Tama ka sa sinabi mo kanina, isa ka ring biktima rito." "Wag ka nang umasa na tatanggap ako kahit na singkong duling galing sayo, Leo! Sorry, ma pride akong tao at ayaw ko nang makipag communicate sayo ulit. Yang perang gusto mong itulong sa akin, isaksak mo yan sa baga mo, ulol!" "Tatanggapin ko lahat ng mga masasakit na salitang gusto mong bitawan sa akin. Pero kung nagipit ka man, pwedeng pwede mo akong lapitan para matulungan kita." "Wag ka nang umasa, libre ko na sayo ang virginity ko tutal magaling ka rin naman sa kama," sambit niya. "Nagpunta lang naman ako rito dahil gusto ko ng may closure tayong dalawa. Aside from that, wala na akong ibang pakay pa sa pag punta ko rito." Rinig ko ang mga yapak ng paa niya sa lupa at papahina ito ng papahina. I turned around and she is gone already. Ngayon, para akong tinutusok ng paulit ulit sa puso. Ito na siguro ang karma na sinasabi nila. Pumasok ako sa apartment ko at naghubad ng damit at shorts. Tanging brief na lang ang suot suot ko ngayon. Kumuha ako ng alak sa ref at mag isa akong umiinom. Nanood akong tv at hindi ko mapigilang maluha. Hindi nga ako makapag focus dahil sariwang sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kahapon. Naka kahalating case na ako ng beer bago ako tamaan ng kalasingan. Sobra akong nag ha hallucinate at sinariwa ko ang memories naming dalawa ni Steffy. Suddenly, someone knocked on the door. Nagtataka lang ako dahil wala naman akong expected na mga bisita ngayong araw. Sure naman ako na wala ring balak na bumalik si Levi sa apartment ko so it got me curious kung sino ang kumakatok. I stood up on my feet at kahit na pagewang gewang akong naglakad, I did my best para marating ko ang pinto. Napasandal ako sa pinto sabay inom ng alak, nag bago bigla ang isip ko at ayaw ko nang buksan ang pinto. "Kung sino ka man, wag ka nang pumasok rito. Iwan mo akong mag-isa! Don't you see, iniwan na ako ng girlfriend ko matapos ang tatlong taon naming relasyon?" "Pwede ba tigil tigilan mo ako sa kaka drama mo Leo, siguro umiimon kang mag isa ngayon no? Gago ka talaga! Male late ka niyang bukas!" Shit! Sobra akong nataranta at nawala ang kalasingan ko kaagad sa narinig ko. "Buksan mo ang pintuan! Ano ba, Leo? Pag di mo ito binuksan, malilintikan ka sa akin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD