LEO POV
Inayos ko muna ang sarili ko. Pinunasan ko ang mukha ko para hindi ako mag mukhang tense. Napabuntong hininga ako ng malalim at binuksan ko ang pinto.
"What is going with you? Pulang pula ka!" tanong sa akin ni dad. "Just like what I have expected, iinom ka na naman!"
Nakasuot pa siya ng corporate attire. Halatang kagagaling lamang niya sa trabaho.
"Ba-bakit po kayo sumunod dito sa akin dad?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tinatanong pa ba yan? Tatay mo ako at nagmamalasakit ako sayo. Bakit ba naman kasi hindi ka muna umuwi sa bahay pansamantala?"
"Dad, salamat sa pagbisita ninyo sa akin but I am doing just fine."
"How many times do I have to tell you na hinding hindi ka makakapag sinungaling sa akin? Tatay mo at alam ko kapag nasasaktan ka. Kung gusto mong uminom, hindi kita pipigilan pero ipangako mo sa akin na papasok ka bukas."
Nginitian ako ni dad at gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Binuksan ko ang pinto.
"Pasok kayo dad, pasensya na po kayo kung medyo magulo ang apartment ko. Gusto ko lang kasi ng mas maliit na space kaya ayaw kong umuwi sa mansyon natin."
"Ikaw ang bahala," sambit ni dad sabay pasok sa loob. Sinamahan niya ako hanggang sa malasing kaming dalawa.
Mas lalo kong binuhos lahat ng nararamdaman ko kay dad at kung gaano ako nasasaktan ng hiniwalayan ako ni Steffy. Although kahit na kasalanan ko ang nangyari, I still want to win her back. Mahal ko si Steffy at ayaw ko siyang mawala sa akin. She is the girl I wanted to be with the rest of my life.
------------------------------------------------
------------------------------------------------
STEFFY POV
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa ring ng cellphone ko. Tinanggal ko ang eye patch ko at kinuha ang phone ko sa table. Napakamot ako sa ulo dahil tumatawag na naman si Mama. Tinadtad niya ako ng mga texts at chats. Halatang gustong gusto niya akong makausap at badtrip ito.
"Ma? Bakit po?"
"Anong bakit? Hoy! Lumayas si Levi rito sa bahay. May dala siyang maleta, ano ang nangyari sa babae na yan?"
Hays, kagigising ko pa lang tapos ganito kaagad ang tumambad sa akin. Ayaw ko nang mag sinungaling at gusto kong malaman ni mama ang dahilan para isang explanation na lang.
"Ma, wala na po kaming dalawa ni Leo. Nahuli ko po siyang nakikipag s*x kay Levi nitong nakaraang araw so I decided to broke up with him. At para lang din po sa kaalaman ninyo, hindi ko po pinaalis si Levi. Kusa siyang umalis sa bahay dahil siguro nahiya na siya sa akin. Siguro naman po ako ang kakampihan mo sa sitwasyon na ito diba?"
"Ha? At bakit naman gagawin ni Levi ang bagay na yan? Alam mo naman na puro pag aaral lang ang iniisip nun diba?"
Na disappoint ako naging sagot ni Mama at nasaktan.
"Ma naman, hindi naman po porket maganda ang pakikitungo niya sa inyo, ibig sabihin ay mabuti na siyang tao. Kayo na po ang nagsabi na umalis siya diba? It only means mayroon siyang ginawang kasalanan."
Sa kalagitnaan ng aking pag sasalita, hindi ko na napigilang maiyak. Ngayon lang talaga tumatama sa akin ang sakit ng break up naming dalawa.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Ma naman, bakit naman po ako magsisinungaling sa inyo? Kung gusto ninyo kausapin niyo po siya. Ako na nga itong nasaktan tapos siya pa rin ang kinakampihan ninyo."
"Anak, paano ang pag aaral ni Levi? Hindi naman sa kinakampihan ko siya, kung totoo ngang may away kayo, pero anak, bata pa yun at maraming pangarap sa buhay. Alam mo naman na nakakulong ang parents niya diba? Walang magpa paaral sa kanya."
Kumunot ang noo ko sa galit, "Ma, okay ka lang ba? Bakit hindi mo po siya komprontahin para malaman mo? Kahit kailan, wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko. Mas inuna mo pa ang anak ng kabit ni dad kaysa sa akin."
"Hoy Steffy, ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kailan. Gumanda ka lang at naging model, ganyan na ang inaasal mo sa akin. Baka nakakalimutan mo, sa akin mo nakuha ang kagandahan na yan at ako ang nagpumilit sa Manager mo para kuhain ka."
"Si daddy ang kamukha ko, si daddy ang kamukha ko, si daddy ang kamukha ko!" pault ulit na sabi ko sa kanya.
"Hoy, kahit na paulit ulit mo pa yang sabihin, ako pa rin ang kamukha mo. Kahit na si Leo, ganyan din ang sinasabi. Nasaan ka ba ngayon? Umuwi ka nga, gala ka ng gala jan baka hindi ka na nga virgin eh."
"Ha?" sambit ko, tsaka ko muling naalala si Alvin. Ang gagong lalaki na tinakasan ako at kumuha pa ng 10k sa wallet ko pagkatapos niya akong iskoran. Isa siyang walang kwentang lalaki kagaya ni Leo. Mga hayop silang lahat.
"Umuwi ka rito ngayon Steffy! Kung hindi isusumbong kita sa manager mo!" galit na sabi ni mama.
"Don't worry ma, uuwi talaga ako jan kasi wala na si Levi. Siya naman din ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi nitong nakaraang araw. At least tayong dalawa na lang po jan sa bahay."
Pinatayan ko ng cellphone si Mom at sobrang lungkot ko pa rin, sobrang brokenhearted. Kumain ako sa motel mag isa, pero kahit na masarap ang pagkain na inorder ko, wala talaga ako sa mood kumain. First time kong maging brokenhearted at ang sakit sakit pala talaga. I opened my phone at nakita ko ang profile picture ko kasama si Leo, nag palit ako kaagad ng profile picture at a dinelete ko lahat ng photos namin sa social media.
Nai block ko na rin siya at Levi para talagang makalimutan ko na silang dalawa. I changed my status from in a relationship to single at marami talagang nag react sa mga friends mo. Hindi ko na nagawang ubusin ang pagkain ko so I took my phone and bag, tsaka umuwi sa apartment ko.
Wala naman kasi akong ibang pupuntahan bukod sa bahay at wala ako sa mood gumala sa ibang mga lugar. Isang oras ang nakalipas, naka uwi na ako sa apartment ko at nagulat ako ng makita ko ang nagbukas ng pinto para sa akin.
"No way! Anong ginagawa mo rito!"