STEFFY POV
Nanginig ang buong katawan ko sa galit. Akala ko pa naman ay makakapag pahinga ako sa stress pero hindi pa pala.
Lumitaw si Mama sa likod at nagsalita.
"Oh, nanjan ka na pala Steffy. Pasensya ka na at di ko nasabi ang tungkol rito, pero kanina kasi nagkausap kaming dalawa ni Levi at pinakiusapan niya ako na baka pwedeng dumito muna ang step father niya. E nawalan din kasi ng trabaho ito sa Alvin kaya dito muna siya pansamantala. Mabait ka naman diba?"
------------------------------------------------------
------------------------------------------------------
ALVIN
Halos nanlaki ang mata ko sa pagkagulat. Hindi ko lubos akalain na dito pala nakatira si Steffy. Wala man lang nabanggit sa akin si Cynthia tungkol rito. Pero nilunok ko na lamang ang kaba ko at umakting na parang walang nangyari.
"He-hello! Ako nga pala si Alvin!" nakangiting pagpapakilala ko kay Steffy sabay abot ng aking kamay.
Nakita ko ang yamot sa mukha ni Steffy kaya kaagad kong binawi ang kamay ko. Medyo napahiya man, pero naiintindihan ko ang galit niya.
"Oh bakit ganyan kayo makatitig sa isa't isa?" sambit ni Cynthia. "Wag ninyo sabihin sa akin na magkakilala kayong dalawa?"
"No ma!" pagsisinungaling ni Steffy tapos bigla niyang hinatak ang nanay niya sa kwarto nito at ni lock.
Kaagad akong sumandal sa pinto para makinig sa usapan nila. For sure ako kasi ang topic ng mag nanay at papalayasin ako ni Steffy sa bahay nila.
"Ma naman! Akala ko ba tayong dalawa na lang dito? Bakit ka naman nagdagdag ng palamunin sa bahay? At tsaka ano bang pakialam nating dalawa sa lalaki na 'yan? Hindi naman natin siya kamag anak at take note, asawa pa niya ang kabit ni dad."
Nasaktan ako nang sabihan akong palamunin ni Steffy. Deep inside, totoo naman din ito, isa na akong palamunin dahil kahit na isang client, wala akong nakuha. Tapos hinuthutan ko pa siya matapos nang nangyari sa amin. Hays, hindi ko maisip kung bakit ko siya inabuso ng ganito.
"Hay nako Steffy, nasaan na ba ang puso mo? Hindi ka man lang ba naaawa kay Alvin? At tsaka ilang araw lang naman yan mag i stay rito. Ang pangako niya sa akin, kapag nakahanap siya ng trabaho, tsaka siya aalis. Hayaan mo na, at least nakatulong tayo sa ibang tao."
Natuwa naman ako ng piliin ni Cynthia ang side ko.
"Hays! Dapat kasi sinama na lamang siya ni Levi!"
"Nakausap ko si Levi kanina at ang sabi niya, puro mga babae lang ang pwede sa dorm niya. Sige na anak, pagbigyan mo na ang gusto kong mangyari. At tsaka magaling naman siya sa gawaing bahay at tutulungan niya tayong dalawa rito."
"Hay nako, ikaw na ang bahala ma! Pero hinding hindi siya pwedeng matulog sa kwarto ko kasi malilintikan siya sa akin. Sisipain ko talaga siya sa bayag!"
Biglang binuksan ni Steffy ang pinto at tiningnan niya ako ng masama.
"Chismoso!" sambit niya pagkatapos ay pumasok siya sa kanyang kwarto.
"Oh anong ginagawa mo diyan?" tanong naman ni Cynthia sa akin.
Namutla lang ako at hindi nakapagsalita dahil nakikinig naman talaga ako sa usapan nilang dalawa.
"Pag pasensyahan mo na si Steffy ha? Medyo may pagka maldita kasi ang babae na yun. Stress sa trabaho at siguro naman ay alam mo ang away nilang dalawa ni Levi hindi ba?"
"Ha? Anong meron? Hindi naman kami close ni Levi kahit noon pa man, ano ba ang nangyari," curious na tanong ko.
"Sige magpunta ka muna sa sala at magluluto ako ng spaghetti para naman mawala ang stress ni Steffy. Tapos tsaka ko ikukwento sayo ang nangyari."
"Tulungan na kita Cynthia, masarap din akong magluto ng ganyan," pagmamalaki ko sa kanya. "Sure ako na mawawala ang topak ni Steffy kapag natikman niya ang luto ko."
"Siguraduhin mo yan dahil ayaw niyang masira ang tyan niya kapag di masarap ang luto."
"Pramis Cynthia, hindi tayo mapapahiya sa kanya," pagyayabang ko pa.
Nagluto kaming dalawa ni Cynthia ng spaghetti at habang ginagawa namin ito, nagkukwentuhan kaming dalawa.
"Ano po ba ang ginawa ni Levi? Parang malalim po yata ang pinag ugatan ng away nila eh?"
"Hay nako! Love quarrel daw eh. Ang sabi ni Steffy, niloko daw siya ng boyfriend niyang si Leo at Levi. Nahuli daw niya yung dalawa sa apartment ni Leo na may ginagawang kababahalaghan. So ayun, nag break silang dalawa at ngayon ko lang naman ang tungkol jan."
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sobrang lungkot ni Steffy nitong nakaraang araw. Kaya pala mag isa siyang nagpunta sa bar dahil sobra siyang broken hearted. But this time, sisiguraduhin ko na papasiyahin ko siya sa lulutuin namin."
Ewan ko pero nabwisit akong bigla kay Leo at gusto ko siyang sapakin sa mukha dahil sa ginawa niya kay Steffy, pero masaya na rin ako na nakipag break naman si Steffy sa kanya. "Grabe naman pala ang nangyari sa kanya, tama lang na nakipag break siya Leo."
"Alam mo ayaw ko rin talagang nakikitang nasasaktan ang anak ko. Syempre masakit sa akin dahil dalawa na lang kami sa buhay. Ang akala ko nga sila na talaga ni Leo para sa isa't isa eh. Pero baka talagang nakatadhanang maging matandang dalaga ang anak ko kagaya ko haha!"
"Ba-bakit naman po? Magandang babae naman siya ha? Sigurado ako na maraming mga lalaki ang nagkakagusto sa kanya."
"Nako! Pihikang babae yan si Steffy. Kailangang gwapo ang lalaki para magustuhah niya."
Sayang talaga, kung wala lang akong relasyon ngayon kay Olivia, baka ligawan ko na itong si Steffy since gwapo rin naman ako at daks pa. Matapos naming maglutong dalawa, sakto namang lumabas si Steffy. Nakasuot siya ng maiksing shorts at sleeveless na damit.
Bakat na bakat ang kanyang pink na bra at kahit na buhaghag ang kanyang buhok, sobrang ganda niya pa rin sa paningin ko.
"Ma, bababa lang po ako, maglilinis lang po ako ng sasakyan since rest day ko naman," sambit niya.
"Wow himala! Bakit parang nagbago yata ang ihip ng hangin? Kahit nga kwarto mo hindi mo maayos tapos ngayon magka carwash ka pa?"
"Ma naman, alam mong ang mahal mahal ng bili mo sa sasakyan ko diba? Yung kwarto ko, tsaka ko na yan lilinisin!"
"Wag ka nang maglinis ng sasakyan mo. Kumain ka muna ng spaghetti rito!" pagaaya ni Cynthia.