CHAPTER 10

1010 Words
STEFFY POV Sa totoo lang, yung spaghetti naman talaga ang dahila kung bakit ako lumabas. Alam ko naman na si mama ang nagluto nito. She served me one plate of spaghetti at in fairness, nasarapan naman ako sa lasa at nawala ng slight ang stress ko. "Masarap ma, panalong panalo!" "Anak, tinulungan nga pala ako ni Alvin na mag luto niyan." Nang marinig ko ito, nawalan ako ng ganang bigla. "Oh siya, maliligo lang ako, maiwan ko na kayong dalawa jan!" sambit ni mama sabay punta sa kanyang kwarto. Nang makaalis siya, dinuro ko ang kamay ko kay Alvin at tsaka ko ibinuhos ang galit ko sa kanya, "Gago ka, ang kapal naman ng pagmumukha mo! Ano ang ginagawa mo rito? Pagkatapos mo ang pagsamantalahan at huthutan ng pera, bigla ka na lang tumakas. Siguro naman narinig mo ang mga sinabi ko sayo kanina diba?" Napayuko naman si Alvin sa akin but I admit, gwapo pa rin siya sa paningin ko. "Sorry na Steffy. Sobrang nagipit lang talaga ako, wala na kasi akong trabaho at walang pambayad ng renta. Pramis, once na nagka trabaho ako, aalis kaagad ako sa bahay mo at babayaran kita. Pero sa ngayon, hayaan mong pagsilbihan na lang kita bilang bayad sa 10 thousand na kinuha ko sa wallet mo. Ikaw kasi, dapat magpapaalam naman dapat ako noon pero mantika ka kung matulog kaya kumuha na lang ako ng pera!" "Aba, so kasalanan ko pa talaga ang nangyari? Ang kapal mo rin no? Pasalamat ka natipuhan kita noong nasa bar tayong dalawa. Pero this time, burado na yun sa akin," inabot ko ang susi ng sasakyan ko sa kanya. "Paki car wash ng sasakyan ko at ayusin mo kasi may sira yata sa makina, may libreng tubig naman doon. Pero kung di ka marunong, ipag drive mo na lang ako mamaya at dadalhin ko yun sa talyer." Tinanggap niya ang susi at nang hawakan ko ang kamay niya, kinilig ako ng slight. He made eye to eye contact with me at namutla talaga ako so I looked away. "Ano ba? Wag mo nga akong titigan ng ganyan, na bwi bwisit ako!" pagsusungit ko sa kanya. "Salamat Steffy, hindi ka naman pala masungit na babae. Mabait ka naman pala talaga. Pangako, aalis ako kaagad dito kapag-" "Wag mo na akong dramahan ng ganyan, linisin mo na lang ang kotse ko!" pagsusungit ko sa kanya. "Pero saan naka park ang kotse mo?" tanong naman niya sa akin. "Sa basement, yung pinaka magandang kotse doon. Siguro naman tanda mo pa ang hitsura ng kotse ko diba?" "Yes, pero pwede mo ring ipalinis sa akin ang kwarto mo." "Knock it off, bakit ko naman gagawin ang bagay na yan? Sobrang importante sa akin ng privacy ko! Sige na, gagamitin ko ang kotse ko bukas pagpasok sa work ko so kailangan malinis na malinis yan!" Bumaba na si Alvin at inubos ko ang spaghetti na niluto niya. In fairness, masarap siyang mag luto ng spaghetti." "Oh, mukhang sarap na sarap ka sa niluto ni Alvin ha?" sambit ni mama na kakalabas lang sa kanyang kwarto. Naka bihis pa siya ng pang alis. "Ma, gutom lang po ako kaya napaparami ako ng kain. Saan po ba ang lakad ninyo?" tanong ko sa kanya. "Pupunta muna ako sa mall at makikipag kita ako sa mga kumare ko. Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita. Iiwan ko muna kayong dalawa rito ni Alvin kaya sana ay magkasundo kayong dalawa. Mag ta taxi na lang ako para walang hassle." "Noted po ma," sambit ko. Alam ko naman na sobrang importante ng mga kaibigan niya sa kanya at ayaw ko naman na ikulong niya ang sarili niya sa apartment. Mabuburyo lamang siya. Lumingon si Mama at para bang mayroon itong hinahanap. "Teka, nasaan ba yung si Alvin? Parang kanina lang nandito pa siya." "Inutusan ko pong mag linis ng sasakyan ko at pumayag naman po siya!" "Ha? Anak naman, bisita natin siya rito sa bahay. Pwede mo naman sigurong ipa carwash na lang ang sasakyan mo diba?" "Ma naman! Another gastos pa po yan. At tsaka siya naman din ang may gustong gawin yun!" Tiningnan na naman ako ni Mama ng matalim, "Yung totoo, magtapat ka nga sa akin, magkakilala ba kayong dalawa ni Alvin? Kasi ibang iba ang titigan ninyong dalawa eh!" "Ma, first time ko lang po siyang nakita," pagsisinungaling ko. "At tsaka stress lang din po talaga ako ngayong araw." "Oh siya, pero salamat na rin at pumayag kang dito muna manirahan si Alvin at sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo. Hayaan mo anak, may blessing naman para sayo dahil sa pagtulong mo kay Alvin. Pero si Levi, sana ay matulungan mo rin siya kahit na-" "Ma, umalis na po yung tao! Ibinigay ko na po ang kamay ko pero gusto niyo pa ng braso? Sana naisip niya po ang nararamdaman ko nang niloko nila akong dalawa ni Leo kasi sagad sa buto ang panlolokong ginawa nila sa akin. Sorry pero this time, dapat tumayo na siya sa sarili niyang mga paa." "Okay sige, aalis na ako. Tirahan mo na lang ako ng spaghetti mamaya ha." "Opo ma, titirahan kita! Nakalimutan mo na bang kailangan kong i maintain ang maganda kong katawan?" I kissed my mom and said goodbye to her. Pagbabang pagbaba niya, kumuha pa ako ng maraming spaghetti at inubos ko. Tapos bumaba ako para i check si Alvin. Nagtinginan ang mga lalaki sa akin pero dedma lang naman ako. Pagbabang baba ko sa basement, sa harapan ng sasakyan ko, nagulat ako dahil nakahiga si Alvin sa ilalim ng sasakyan ko at naka suot lang siya ng boxer shorts. Bakat na bakat ang alaga niya at hindi ko alam pero hindi ko maialis ang tingin ko rito. Maya maya pa, lumabas siya at napatitig sa akin. "Hello! Nanjan ka pala Steffy, bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya sa akin. Medyo napalunok ako kasi feeling ko ay nahuli niya ang mga makasalanang mga mata ko. "Ahh ehhh... kakarating ko lang," sambit ko sa kanya. "Anong ginagawa mo sa sasakyan ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD