Nag sumunod na araw, nagbigay ako ng aking testamento para madakip na ang dalawang kapatid ni Kai na siyang kasabwat niiya sa pagpatay kina Ate Cindy at sa driver ni Zeke. Sinamahan ko rin ang mga pulis para kunin ang mga labi ng mga napatay pati na rin ang bangkay ni Kim na kapatid ni Kai. Tatlong pamilya ang naroon noon kasama ang mga magulang ni Kai na matagal na rin naghahanap sa labi ng kakambal ni Kai na si Kim. Nang buksan nila ang sako ay nakita ko muli ang kalunus-lunos na nangyari sa kanila. Nabiyak ang bungo ni Ate Cindy na ayon sa mga pulis ay parang binagsakan daw ito ng malaking bato o matigas na bagay para mabasag ang bungo nito na siya niyang ikinamatay. Ganoon din ang nangyari sa driver. Pinagkasya nina Kai ang katawan nina Ate Cindy at drver sa pamamagitan ng pagchop-chop

