CHAPTER 113 Sumubok pa rin akong hanapin kung saan sumuot. Yung tinatalunton ko kasing daan na akala ko siyang dinaanan niya ay biglang naputol. Masukal na damhunan na ang dulo nito ngunit umaasa ako na baka mahanap ko ang nilusutan niya. Ngunit nabigo ako. Sadyang masukal talaga ang gubat at wala rin akong mahagilap na daan na puwede kong dapat sundan. Nagtitiwala lang ako sa instinct ko na tama yung direksiyong tinatalunton ko. Nang sa di kalayuan ay namataan ko rin si Kai na humahangos sa paglalakad. Kailangang hindi niya ako makita o hindi siya makahalatang may sumusunod sa kanya. Hanggang sa nakita kong lumiko siya. Kaya lakad-takbo na rin ang ginawa ko dahil baka sa sobra namang layo niya sa akin ay hindi na naman ako makasunod. Hanggang sa narinig ko ang malakas na pagkulog kasuno

