CHAPTER 103 Tumayo siya nang makita niya akong parating at mabilis siyang lumapit sa akin para yakapin ako ngunit mabilis kong iniharang ang aking braso para hindi niya ako tuluyang mayakap. “Lumayo ka sa akin. Huwag na huwag mo akong hahawakan. Mula ngayon, wala ka nang karapatan pang hawakan pa ako. Please.” “Okey. Hindi na kita hahawakan. Sorry.” Yumuko siya. “Sige. Maupo ka at mag-uusap tayo.” Huminga siya nang malalim. Tumango siya sabay sabing, “Okey uupo ako.” Umupo na rin ako sa tapat niya. Tinitigan ko siya at hindi niya maidiretso ang mga mata niya sa akin. “Gusto mo raw akong makausap?” tanong ko. Bumunot muna siya ng malalim na hininga. "Hindi ako humaharap sa’yo para ayusin ang sa atin,” agad kong sinabi nang makita kong bubuka na ang bibig niya para magsalita. Na

