Chapter 102 Kinaumagahan, bumangon na ako. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong simulang kumilos. Kailangan kong tulungan ang sarili ko na mag-move-on. Harapin ko na ang lahat saka lalayo. Pagkabukas ko ng pintuan ng aking kuwartyo ay nakita ko si Alex na may dalang agahan. Malungkot ang kanyang mukha. Nakikisimpatya sa pinagdadaanan ko. "Puwede bang makausap ka, best friend?" nakikiusap ang tono ng kaniyang boses. “Sa loob na lang sana ng kuwarto mo.” “Okey, sige. Pumasok ka,” sagot ko. Wala na kasi sina Nanang, Tatang at kapatid ko sa kuwarto ko dahil maaga silang nagising. Hindi ko alam ngunit nakakaramdam na ako ng hiya kay Alex na sa kanyang kabutihan sa akin ay hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang aking mga dinadala. Kahit si Teresa, hindi ko rin nagawang tawagan ngunit h

