Chapter 111 Malungkot akong umuwi sa aming bahay. Sobrang bigat ng aking pakiramdam. Yung pakiramdam ko nang mga nakaraang araw mula nang may s*x scandal ako, parang mas sobrang sakit yung ngayon. Kaya nang makita nina Nanang at Tatang yung lungkot ko ay hindi sila nagtanong dahil itinawag ko na sa kanila ang lahat nang nasa tapat pa lang ako ng hospital at di na muli pang makapasok o makalapit pa kay Zeke. Humahagulgol ako sa cellphone. Parang batang nagsusumbong. “Umuwi na muna tayo ‘nak. Kailangan mo ng pahinga. Kailangan mo munang lumayo.” “Paano po si Zeke, Tang?” tanong ko habang pinupunasan ko ang luha ko. “Kasama niya ang kanyang mga magulang. Hindi siya pababayaan. Para hindi ka na makagulo at para makapagpahinga ka na rin, kailangan na muna nating umuwi. Kailangan mong lumayo

