CHAPTER 110 Hindi na lang sa labas ng kuwarto ako dinala ng Mommy ni Zeke kundi pina-escort pa ako sa mga guards hanggang sa labas ng hospital. Nasa 60s na siguro ang Mommy niya. Hindi ito mukhang matanda dahil ismarte ang tindig at maganda. Sexy pa rin sa kanyang edad. Mukhang sopistikada. Tingin sa akin ng Mommy niya, walang kuwentang babae. Isang babaeng nanggugulo. Isang babaeng marumi dahil siguro sa video na kumakalat. Dahil mayaman ang kanilang pamilya, maliit ang tingin sa akin. Wala siyang pakialam sa kung sino ako. Alam kong ang tanging concern niya ay ang kayang anak. Hindi sa ganitong pagkakataon ko gustong makilala ang Mommy ni Zeke ngunit sa ganitong pagkakataon nag-krus ang aming landas. "Para sa kaligtasan ng aking anak, hinihiling ko sa inyong huwag ninyong papapasukin

