CHAPTER 109 Hindi ko rin napanindigan ang pagmamatigas kong manatili. Lumabas ako sa kuwarto ngunit hindi ako umalis sa hospital. Doktor na kasi ni Zeke ang nakiusap sa akin at hindi ko na rin maipilit pa ang kagustuhan kong hindi siya iwan. Kung may malay lang sana si Zeke, paniguradong hindi siya papayag ngunit paano ko igigiit ang kagustuhan naming dalawa kung ako bilang kasama sa s*x scandal lang niyaang naalala ng doctor na bahagi ko sa buhay ng kanyang pasyente? Umupo ako sa upuan sa mismong harap ng kuwarto niya. Doon lang ako. Hindi naman na siguro ako pakikialaman pa roon. Wala naman na sigurong batas na magsasabing hindi ako puwede maghintay at mamalagi malapit sa kinaroroonan ni Zeke. Hindi ako natulog o nagpatinag hanggang sa nag-umaga na. Wala akong naramdamang gutom dahil

