Chapter 108 “Alam mo, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito eh!” singhal niya habang yumuyugyog ang balikat niya sa pagtangis. Hindi ako nagsalita. Nagpipigil ako dahil baka masampal ko lang siya uli. "Tapos na ang maliligayang araw mo. Ano ngayon ha? Alam ng lahat na ako ang girlfriend kaya ako ang magbabantay sa kanya anuman ang mangyari. At ikaw? Manatili kang malanding may s*x scandal sa paningin ng iba. Sisiguraduhin kong masisira ka sa pamilya ni Zeke at sila mismo ang magtataboy sa’yo paalis rito. Kung hindi ka maitaboy, ilalayo nila si Zeke sa’yo. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yo, magdusa ka!" "Pero, Kai alam mong ako ang mahal niya. Hintay ka lang at ipadadampot kita sa ginawa mong pagkuha at pagpapakalat ng video namin." “Talaga? May ebidensiya ka? Kasi yung pagnanaka

