"Magpapaalam na kami. Maraming salamat dahil nakamit namin ang katarungan at katahimikan dahil sa’yo, Rose. Kailangan na naming mauna sa inyo. Tinatawag na kami sa taas. Makapagpapahinga na rin kami." Tumingin kami kina Kim, Ate Cindy at sa driver ni Zeke. Sa mga nasasaksihan ko ngayon. Masasabi kong napaka-imposible pero iyon sa mga pagkakataong iyon ang nakikita ko. Malakas ang kutob ko. Pero hindi. Hindi dapat mangyari iyon. Hindi pa kami mamamatay ni Zeke. Hindi dapat matapos sa ganito ang buhay namin. Saka paano naman ako mamamatay? Maaring nakikita ko sila, nakakausap ngunit hindi ako patay. Hindi kami patay ni Zeke. "Hanggang sa muling pagkikita, Rose. Alam kong naging close tayo sa loob ng kulungan. Na tumatanaw ka pa rin ng utang na loob sa akin. Pero nakabawi ka na Rose. Isang

