CHAPTER 123 Nilapitan ko ang katawan niya. PInakiramdaman ko ang kanyang pulso, gumagalaw. Buhay pa siya. Tama. Buhay pa si Kai. Kahit bali bali na ang paa at kamay ay humihinga pa rin siya. "I'm sorry. Sa lahat lahat. Sana mapatawad mo ako,” sabi niya sa akin. Hindi na ako nalito pa. ang kausap ko ay ang humiwalay na kaluluwa niya sa katawang lupa niya ngunit buhay pa siya. Ibig sabihin, hindi pa siya tuluyang namamatay. Hindi ko alam na may ganito akong kakayahan. Sa probinsiya nang bata ako, sabi nina Tatang at Nanang sinasabi ko raw na may kaibigan akong magandang babae na nakasuot ng puti sa malaking puno ng sampalok ngunit hindi ko naman iyon tanda at wala rin naman silang nakikita. Kahit sa school namin madalas akong may nakikita na akala ko noon ay totoong tao, totoong buhay at h

