Chapter 7

1595 Words
Felicity . . MATAPOS akong ihatid ni Clark sa trabaho ay inabala ko na ang sarili ko sa kusina ng The Cravings. Parami nang parami ang mga costumer namin araw araw kaya naman nasisiyahan ako lalong magluto bukod pa sa nice feedback na palagi namin nakukuha mula sa mga suki namin. "Sobrang blooming." nakangiting wika ni Jas saakin habang abala rin sa kusina. Napangiti ako lalo ng malapad, pakiramdam ko daig ko pa ang araw araw nasa cloud nine. Iyong araw araw kang kinikilig. Hindi ko alam na may character pala na pagkasweet si Clark, minsan clingy rin and I like it. Sa ilang araw na pagtira ko sa condo ay araw araw rin itong nandoon. Namula ako nang maalala ang palagian ng muntik na may mangyari saamin, alam kong malakas ang self control nito pero minsan gusto ko ng sabihin na I want him too, na hindi siya dapat magworry kaya lamang ay nauunahan ako ng hiya at pamumula ng mukha. Ayoko naman magmukhang atat na atat sa bagay na iyon. Nailing ako sa pumapasok sa isip ko. "Your flushing..." nakangising puna nito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi at bahagyang tinapik. Nag init lalo ang mukha ko sa pagpuna nito. Hindi ko na pinansin ito at itinuon na lamang ang isip sa niluluto ko. Maya maya ay nalingunan ko ang pagsilip ni Eloisa sa kitchen. "Mam Felicity..." tawag nito, Tiningnan ko ito. "Yes?" Bago pa ito makasagot ay sumungaw na si Clark sa likod nito. Nakasuot pa ito ng corporate attire nito na mukhang kagagaling lang sa meeting. Tiningnan ko ang relo na nakasabit sa wall namin pasado alas onse na pala ng umaga. Nginitian ko si Clark at sinabing pumasok na sa opisina ko at hintayin na lamang ako doon. Ngunit sa halip na pumasok ay nagulat pa ako ng hapitin ako nito at halikan. Narinig ko pa ang mahinang pag ubo ubo ni Jas sa tabi ko maging si Eloisa ay nagulat pero nang makabawi ay binigyan ako nang nanunudyong tingin. "Ay sana all.." narinig ko pang sabi nito bago lumabas. Tinapik ko sa braso si Clark, mahinang tumawa lang ito. "I'll wait for in your office.." bulong nito na hindi ko alam kung bakit iba ang naging hatid sa akin ng tono nito. Kinagat ko ang ibabang labi para supilin ang kilig na nararamdaman. Nakangiti ko itong tiningnan, hinalikan pa muli ako nito bago ako iwan at pumasok sa loob ng opisina ko. Palunch time na rin kaya marami kameng orders at hindi ko alam kung ilang oras ako sa kusina bago ko ito mapuntahan. Ayoko naman iasa lahat kay Jas ang pagluluto. Nang humupa ang costumers na kumakain ay nagpaalam ako saglit kay Jas upang dalhan si Clark ng lunch. Kanina ay pinadalhan ko ito kay Eloisa ng juice at slice ng cake. Pagpasok ko sa office ko ay nakaupo ito sa table ko at ginagawa na pala ang ibang tatrabahuhin ko pa dapat mamaya bago umuwi. "Ako na dyan mamaya, " sabi ko at inilapag ang tray ng lunch. Nilingon lang ako nito at ilang sandali pa at sinarado na nito ang laptop ko. "Its all done." nakangiting sabi nito, Noong una ay nahihiya ako na minsan ay ginagawa nito ang iba kong trabaho pero dahil sa kapatid nito ang business na ito ay hinayaan ko na rin para updated rin siya sa financial status and sales ng café. Tumayo ito at hinapit ako. "Let's go out of town." masuyong sabi nito. "You know I can't." sagot ko. "I can hire another chef habang wala ka." suhuwestiyon nito. Hindi ako umimik ayoko kasing pabayaan ang The Craving na ipinagkatiwala saakin ni Celine na kapatid nito dahil lang boy friend ko ang kuya niya na magpahangang ngayon ay hindi ko masabi din kay Celine. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamay. "I missed you.." malambing na sabi nito tsaka ako hinalikan ng paulit ulit. Ginawaran rin nito ng halik ang baba at noo ko. Alam ko naman na the past few days ay madalas busy ako at late na rin napapauwi. Hindi naman ito nagrereklamo dahil wala naman itong sinasabi at araw araw pa akong sinusundo. Ngumiti ako. "Ilang araw tayo doon?" ngumiti ito ng malapad, ang magagandang mata nito ay tila ba nasisiyahan sa pagpayag ko. "Three days." Napalabi ako matagal din iyon kailangan makausap ko muna ang ipadadala nitong chef bago ko iwan ng tatlong araw ang The Cravings. Sinabi na rin ni Celine saakin na maghire ako ng chef pa para hindi ako mapagod pero tumanggi ako dahil kakabukas palang din naman noon ng café, siguro ngayon pwede ko ng iconsider ang pag hire ng ilang staff pa. Hinapit ako nito lalo kaya mas dumikit ang katawan ko sakaniya. "Ang clingy mo na.." nakalabing sabi ko, Tumawa lang ito. "I like hugging you like this." sa sinagot nito pakiramdam ko ay nagrambulan ang mga paru paro sa sikmura ko. The butterfly in stomach feeling is indeed real. Pakiramdam ko rin ay nakalutang ang mga paa ko sa kilig. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti ng sobra at maging obvious na kilig na kilig ako. "And....I like kissing you too." dagdag nito, jusko quotang quota na ang pagpapakilig nito saakin. Tiningala ko siya at hindi na mapigilan ang pagsilay ng ngiti ko. "I love you." lakas loob na sabi ko, totoo iyon mahal ko siya. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nito bigla ay para kasing natahimik ito. Ilang segundong nakatitig lang, unti unting nawawala ang ngiti ko nang tila parang mababakasan ito ng regret or agam-agam, gusto ko sanang usisain ito subalit pinili ko nalamang manahimik. Matapos ang ilang segundong pagtahimik nito at hinapit ako lalo at ginawaran ng halik sa labi, agad ko naman iyon tinugon. Ngunit sa parte ng isip ko ay gusto kong makaramdam ng pangamba. Pangamba saan? Dahil hindi ko pa naririnig dito ang magic word? But he's sweet and clingy, marahil ay hindi lamang siya vocal kagaya ko. Matapos ang makapugtong halikan ay ito na rin ang kusang tumapos niyon. Ang mga kamay nito ay nanatiling nakayakap sa waist ko. Lumayo ako ng bahagya sakanya. "Kumain ka na.." turo ko pa sa pagkain na nasa lamesita. Kunot noong tinignan pa nito ang tray na dinala ko. "Ako lang ang kakain?" "Sinaglit ko lang talaga na dalhan ka ng lunch kasi lunch time na...." nakagat ko ang ibabang labi sa nakikitang reaction nito. "Let's eat together," masuyong sabi nito. Ngumiti ako. "Okay I'll make another lunch for me." sabi ko, kumalas ako sa pagkakayakap nito upang lumabas. Ilang minuto lang ang itinagal ko ay bumalik na ako sa office bitbit ang panibagong tray. Mabuti na lamang din at hindi na marami ang order na pumapasok at simple lang kaya kayang kaya na ni Jas gawin. Habang kumakain kame ay napag usap rin namin si Celine at ang paghahanap pa rin nito sa kapatid. Sabi nito ay wala pa rin lead si Kuya Sebastian, nakonsenya na naman ako dahil alam ko kung nasaan si Celine. Matapos kameng mananghalian na dalawa ay nagpaalam na rin ito at babalik na sa opisina. Sinabi rin nito na bukas ay papupuntahin nito ang chef na kukunin nito. Hinatid ko ito hangang sa sasakyan nito na nakasanayan ko na rin. He is a kisser kapag may pagkakataon ay palagi itong nakahalik na gustong gusto ko naman. "I'll pick you up later." sabi nito bago ako niyuko at siniil ng halik. Hawak pa nito ang batok ko kaya naman lumalim ang halik nito saakin. Halos mapugto ang hininga ko sa iginawad nito. Nakangisi pa ito saakin matapos bitawan ang labi ko at pasadahan ng hinlalaki niya ang labi ko. "This is mine..." napangiti ako sa tinuran nito. *** Matapos akong ihatid ni Clark kagabi sa ay umalis na rin ito at hindi na naghapunan sa condo may mga aasikasuhin pa raw ito kaya naman nagpaalam na rin. Itinawag rin nito na nakausao na nito ang chef na kinuha nito pansamantala habang nasa bakasyon kame. Padating ko sa The Cravings ay naroroon na si Chef Carla at abala na kasama si Jas at ang iba pa. Kahapon ay nagpost na ako sa page ng The Craving na hiring kame ng isang cook pa na makakatulong namin ni Jas. "Hi!" Nakangiting bati ko. Kaedad siguro ni Clark ang babae maganda ito at mukhang mabait din. Ngumiti ito saakin. "Pinadala ako rito ni Sir Clark." paunang sabi nito. "Nasabi na nga niya saakin na magpapadala siya ng chef. Saang branch kanya kinuha?" usisa ko. "Restaurant sa Del Prado Empire sa Makati branch." anito, tumango tango ako. Some of their condominium has their own restaurant inside, botique at kung ano ano pa para sa convinience na rin ng mga may ari ng unit. Lumapit si Eloisa saamin, ngumiti rin ito kay Eloisa. "Ma'am Felicity nandyan na po yung applicant for interview." tumango ako bilang tugon at sinenyas na papasukin sa office ko. "Babalik nalang ako mamaya para tumulong." nakangiting sabi ko. "Naku Ma'am ang bilin nga po ni Sir Clark ay huwag na kayong patulungin sa kusina." sabi nito. "No, Chef Carla..I will still help." magalang pang sabi ko. Pang halili ko lamang ito at ayoko naman abusuhin ito lalo at hindi naman ako ang boss nito kung hindi si Clark. "Puntahan ko lang iyong aplikante." sabi ko at lumabas na ng kitchen. Pagbukas ko ng opisina ay nakaupo na sa sofa na naroroon ang dalawang applicant. Bumati ang mga ito, umupo ako at binuklat ang resume. Pinasadahan ko iyon ng tingin at nilingon ang isa sa aplikante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD