Chapter 1
Felicity
.
.
.
IN TWO weeks time ay magbubukas na ang The Cravings ang restaurant cafè na pinangarap namin ni Celine. Pinamamahalaan ko ang construnaction niyon habang nasa Cagayan si Celine.
Ang perang iniwan nito ay ginamit ko ng tama upang magtuloy tuloy ang pagpapagawa namin ng The Cravings. Malapit na iyon matapos finafinalized nalang ang kitchen niyon. Ngayong araw ay nagpipintura na sila ng kusina.
Karating lang din ng mga gamit kahapon magmula sa dining at iba pang kasangkapan sa kusina.
"Ma'am Felicity may bisita po kayo." tawag saakin ni Kuya Dino. Forman ko ito na siyang namamahala sa lahat. Nasa opisina ko ako at inaayos isa isa ang printed na menu ng cafè.
"Sino raw?" usisa ko, ibinaba ko ang hawak na isang menu at tumayo na.
"Iyon rin pong nagpunta noong nakaraang linggo." kumunot ang noo ko sa dami ng pumupunta rito hindi ko na maalala kung sino iyon. "Sean Cristobal raw ho." I froze for a few seconds, ilang beses ng pabalik balik si Sean dito at pilit pa rin akong pinipiga sa information tungkol sa asawa nito, kay Celine.
Tikom ang bibig ko sa lahat dahil nangako ako kay Celine na hindi ko sasabihin kung nasaan ito.
Inutusan ko si Kuya Dino na papasukin ito sa opisina ko. In a few seconds ay naroroon na si Sean, he looks so different now mas lalong nanlalalim ang mga mata nito parang hindi na rin nito magawang mag-shave man lang.
Huminga ako ng malalim, kinakain na ako ng kosensya ko sa nakikita kong itsura ni Sean. Para akong napapagitna sa dalawang nag-uumpugang mga bato.
"Hindi ko alam kung ano pang pwede kong sabihin....h-hindi ko talaga alam kung nasaan si Celine, Sean." ako na ang naunang magsalita saamin, tinitigan ako nito na para bang hinahanap nito ang katotohanan sa sinabi ko, nag iwas ako nang tingin.
Pakiramdam ko any moment ay bubuka ang lupa at lulunukin ako ni Satanas nang buong buo.
"Hasn't she called you?" tanong nito ang mga mata ay nakikiusap.
Umiling ako. "Hindi pa rin niya ako tinatawagan at wala talaga a-akong idea kung nasaan siya." patawarin ninyo po ako Panginoon... usal ko sa isip.
He heaved out a sigh. "Kung sakaling tawagan ka niya, can you tell her how much I miss her?" anito,
"I will Sean, I will.." tumango tango ito at nagpaalam tsaka lulugo lugong umalis na.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa pintuang nilabasan nito. Hindi ko alam kung hangang saan ako tatagal sa pagtatago kay Celine.
Inabala ko na muli ang sarili ko sa mga inaayos na menu. Tinext ko rin si Celine upang iupdate dito ang tungkol sa asawa nito.
Ako: Nagpunta ulit siya.
Celine: Hayaan mo lang, mapapagod din yan.
Ako: Beshy, nakakaawa na ang asawa mo.
Celine: Hindi ko pa alam kung kailan ko siya kayang harapin. Basta hide me okay?
Ako: I know, hope soon magawa mo ng harapin siya. Buntis ka and he needs to know that.
Celine: Pasensya ka na kung pati ikaw nadadamay. I will face him kapag kaya ko na.
Ako: Araw araw nandito sila, jusko beshy pang best actress na ang arte ko.
Celine: I'm sorry, I love you and thank you so much Feli.
Ako: Mahal din kita alam mo yan kaya nga kahit ang Kuya Clark mo na ang nagtatanong pinagtatakpan pa rin kita. Basta mag-iingat ka palagi okay? Labyah.
Celine: I will, thank you.
Matapos ang huling text ni Celine ay ibinaba ko na muli ang telepono ko. Tumayo ako tapos na ako sa pagsasaayos ng mga menu namin, maayos ko iyon na inilagay sa isang box upang hindi madumihan.
Kanina ay nagpaready ako kay Kuya Dino ng mga pintura balak kong lagyan ng mural arts ang isang bahagi ng dine in area para sa mga teens and iba na mahilig sa i********:.
Nagsuot ako ng apron, I was wearing a white long sleeve na medyo maluwag saakin na itinupi ko hangang siko at punit punit na kupas na pantalon. Kinuha ko ang brush, sinawsaw ko iyon sa itim na pintura at nagsimulang magdrawing. Isa iyon sa hidden talents ko, I used to draw since I was young.
Laki ako sa hirap dahil mahirap lang din naman talaga ang mga magulang ko, ang Nanay Yolly ko ay nangarap na maging isang Chef noong dalaga pa ito kaya lamang dahil sa kahirapan ng magulang ni Nanay ay hindi ito nakatuntong sa kolehiyo. Ngunit dahil masarap talaga itong magluto ay nagtayo ito ng ihaw-ihaw na pumatok sa lugar namin kaya nakatulong iyon para ipursige nito ang pangarap nito sa pamamagitan ko. Ang Tatay naman ay pumapasok bilang isang guard ngayon.
Lahat ng hirap ay naranasan ko noon habang lumalaki ako. Maswerte rin na nabigyan ako ng schoolar ng Mayor namin at nakatulong iyon lalo sa tuition ko. Sa school ko na nakilala si Celine and we became best of friends.
Mukha ng babae ang nilagay ko sa murals, mamaya ay bulaklak naman at coffee bean ang idadagdag ko.
"I didn't know that you can also paint." anang baritonong tinig mula sa likuran ko. Napalingon ako si Clark, muntik ko ng mabitawan tuloy ang hawak kong brush.
Kay aga namang gwapo sa harap ko ito, he was wearing a corporate suit parang galing pa ito sa meeting. Tiningnan ko ang suot kong relong pambisig. Alas diyes na ng umaga pala.
Ngumiti ako rito at binaba ang brush na hawak ko sa ibabaw ng takip ng pintura. Binaba ko rin ang maliit na tray na may pintura sa tabi niyon.
"Thank you!" nakangiti kong sagot.
Namulsa ito tiningnan nito ang kabuuan ng cafè restaurant namin ni Celine. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang paghanga.
"Beautiful too.." anito at ibinalik na ang tingin saakin.
Kahit alam ko na kung anong pakay nito ay nagagalak pa rin akong makita ito sa cafè at kinakausap ako. Suplado ito kahit noon pa, kapag naroroon ako o kame ni Sophie sa bahay ng mga ito madalas tumatango lang ito. Madalas ko itong sulyapan ang pogi kasi nito, manly at talaga naman hot and yummy. Nagiging makasalanan na talaga ako, patatawarin.
"Soon mag-oopen na rin kame." pag uupdate ko dito.
Tumango tango ako. "Do you think Celine will come?"
I shrugged my shoulder. "No idea." tipid na sagot ko,
"Hasn't she called you yet?"
Umiling ako. "Actually kagagaling lang rito ni Sean, Kuya.." nilangkapan ko ng kuya ang sinabi ko, matagal ko naman na itong tinatawag na ganoon bilang nakatatanda itong kapatid ni Celine. Tinitigan ako nito, napalunok tuloy ako.
"Tinanong rin niya kung tumawag na ba si Celine, same answer lang din ang ibibigay ko. Hindi pa rin tumatawag saakin ang kapatid mo up to this day." Panginoong mahabagin sanay mapatawad pa ninyo ako. Umusal na ako ng panalangin. Sa dami ng pinagtagni tagni kong kasinungalingan mapagtakpan lang ang beshy ko tiyak mapapalitan ko na si Satanas.
May kinuha itong maliit na papel sa wallet nito. At iniabot iyon saakin, kinuha ko at binasa..calling card nito iyon. Tinalikod ko pa at may nakasulat rin na numbero sa likuran. Nagtatakang tumingin ako rito.
"That's my personal number. If Celine call, pwede mo ba akong tawagan sa numero na iyan?" tanong nito,
Tumango ako. "Kung tatawag siya saakin, ipapaalam ko kaagad sa iyo kuya Clark." kinagat ko pa ang dila ko matapos kong sabihin iyon.
"Do you want coffee?" alok ko
Umiling ito. "I'll get going, dumaan lang ako para makiupdate uli sa kapatid ko. Nag-aalala na kasi talaga kame." anito, kinurot kurot ko ang kamay ko dahil sa sinabi nito.. kahit siguro ako kung hindi ko alam ang kinaroroonan ni Celine tiyak na maiiyak rin ako sa pag-aalala sa kalagayan niya.
"T-tatawagan rin niya tayo siguro...baka kailangan lang niya ng space for herself." wika ko. Sinang ayunan naman nito ang sinabi ko.
"I'll go ahead." paalam nito, nilingon pa ako nito bago lumabas ng pinto, tinanaw ko pa ang pagsakay nito sa sasakyan nito mula sa kinatatayuan ko.
*****
BANDANG hapon ay nagpadeliver ako ng pizza at hapunan namin ng mga gumagawa overtime din sila Kuya Dino dahil papatapos na ang kitchen. Nainstalled na rin ang ilang stove at oven at maging ang fryer.
"Bukas Ma'am finishing nalang iyan." ani Kuya Dino.
"Ang ganda na nga po.." namamanghang puri ko.
"Yung hugasan rin po Ma'am sa likod ng kitchen maayos na." wika naman ni Mang Boy isa sa tauhan ni Kuya Dino.
Tinungo ko ang likuran ng kusina at napakalaki at ayos ng washing area na ginawa nito. Malinis na iyon at gaya ng kusina maganda rin iyon. Tiyak na pasado iyon once na magvisit ang sinitation grouo para sa permit namin.
Napangiti ako unti unti nang natutupad ang pangarap ko, ang pangarap namin ni Celine. The Cravings will soon operate at gagawin ko ang lahat para magustuhan at tangkilin ng mga tao ang food namin.
Binuksan ko ang oven na kakainstall lang din, dalawa iyon at talaga naman na malaki at kasya ang mga pastry bread na ihahain namin. Inusisa ko rin ang coffee machine na naroroon. Napapangiti akong hinahawakan ang lahat ng naroroon.
Konting finishing pa at maaari na rin namin iassemble ang lahat ng mesa at upuan. Ang counter area at menu na nakasabit ay maayos na rin. I wanted to cry seeing how hard I work para matupad ito naluluha ako sa saya.
Finally its getting real.
Kung naririto si Celine tiyak na dalawa pa kameng umiiyak dahil dito. The color combination and the design of the cafè is so cozy and comfy. Hindi ito masakit sa mata at talagang kagigiliwan ng tao.
Nakapaghire na rin ako ng mga tauhan noong nakaraan ay nainterview ko na sila at tinawagan na ang mga nakapasok. Sa darating na Lunes ay magpapablessing na kame at ribbon cutting.
Bandang ala siete ng gabi ng mag-uwian ang mga mang-gagawa ng cafè nagpaiwan pa ako dahil tatapusin ko pa ang murals na sinimulan ko kanina.
Binuksan ko ang lata ng puting pintura bulaklak naman ang gagawin ko dahil tapos ko na ang coffee bean, tea cup at spoon sa kabilang bahagi ng murals itutuloy ko ang flower kung saan naroroon ang mukha na iginuhit ko kaninang umaga.
Napalingon ako sa labas dahil sa biglang ingay na narinig ko, umuulan at palakas iyon ng palakas. Wala pa naman akong dalang payong. Magpapatila nalang siguro ako bago umuwi.
Pumunta ako ng kusina at nagtimpla ng kape. Nang makapagtimpla ay bumalik uli ako sa pag guhit. Napapakanta pa ako dahil ang ganda ng kinalabasan ng gawa ko. Tumayo ako at pinagmasdan iyon mula sa malayo.
"Beautiful." nasisiyahang wika ko pa, kinuha ko ang baso ng kape ko at humigop roon. The roasted bean I made is so good too. Inangkat ko pa iyon sa Batangas noong isang linggo at ako ang nagtusta. Nakailang try pa ako hangang sa makuha ko ang tamang lasa at pait ng kapeng gusto ko.
Napalingon ako sa labas nang makarinig ng busina dahil purong salamin ang harapan ng shop ay nasilaw pa ako sa liwanag na nagmumula sa sasakyan na pumaparada sa harap ng The Cravings.
Nang mamatay ang ilaw ay nanlalaki pa ang mga mata ko sa itim na ford everest na pumarada.
It's Clark.
Agad na tinungo ko ang pinto upang pagbuksan ito. Mabilis nitong tinakbo ang pinto ng cafè dahil malakas pa rin ang ulan.
"Hi," nakangiting sabi nito.
"Wala kang payong?" sa halip ay tanong ko basa na ang ulo nito mabuti nalang at nakajacket ito.
Umiling ito bilang tugon. Hinubad nito ang jacket na bahagyang nabasa. "Pauwi na rin ako nang makita kong may ilaw pa ang shop mo at nakita kitang nakatayo." anito, ngumiti nanaman ito damn his beautiful set of white teeth. Naka polo short nalang ito na gray at hindi na nakacorporate suit kagaya ng bihis nito kaninang umaga.
Inabutan ko ito ng bimpo na bago at hindi pa nagagamit para mapunasan ang basang ulo nito. Inabot naman nito iyon.
"Thanks" anito
Ngumiti ako. "Gusto mo ng kape?" tanong ko,
"Yes, I would love that." umupo ito sa upuang naroroon magulo pa ang ayos ng ibang upuan roon dahil hindi pa naman kame totally finished na sa pagpapagawa.
Tinungo ko ang kitchen at pinainit ang ginawa kong kape kanina. Nang kumulo ay nagsalin ako sa baso.
"Thanks," ani Clark nang abutin ang kape, sa baso iyon dahil hindi pa malinis ang tasa ng mga pangkape namin. Binili ko lamang ang baso na iyon para sa sarili ko. Apat nga lang ang mga iyon.
Hinila ko ang upuan at umupo rin doon.
Tumitig ito saakin bigla ay nahiya ako at nakaramdam ng pagkailang. Inay kupo baka parang bilasa na ang itsura ko o haggard na. Bigla tuloy akong naconcious dito, ngayon na nga lang ako tititigan nito parang haggard pa ang feeling ko.
"May pintura ba ako sa mukha?" tanong ko, hindi ako sinagot nito at humigop lang ng kape tsaka nilingon ang murals na ginawa ko. Natapos ko na iyon at talagang napakaganda niyon.
"Beautiful..." anito, gusto kong magprotesta buti pa ang murals maganda para dito.
Ngumiti ako. "Thanks, ang plano ko talaga gawing instagrammable iyan tingin ko naman naachieved ko." I so proud of myself, kahit ako nagulat sa ganda ng kinalabasan.
"Matutuwa rin tiyak si Celine kapag nakita niya iyan." nilingon ko ito nakatingin pa rin ito sa wall, lumungkot ang mata nito. Nakokonsensya nanaman ako, dahil tiyak na nag-aalala pa rin ito sa kapatid nito.
Hindi na ako nagkomento sa sinabi nito, tumila na rin ang ulan. Nagtanong ito ng mga detalye tungkol sa cafè maging ang opening date nito. I told him na sa Monday na ang soft opening noon at ribbon cutting. Natuwa pa ako nang sabihin nito na dadalo ito.
Hinugasan ko ang baso na pinag-inuman namin ng kape, matapos punasan ay pinataw ko na ang ilaw sa kitchen ng cafè.
"Ihahatid na kita." napalingon ako rito, kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili ko na mapatili dahil sa kilig.
Clark Del Prado ihahatid ako pauwi?
Jusko biyaya ito ang hunky hottie na kapatid ni Celine ihahatid ako. Ihahatid lang naman hindi ko pa rin naman ikakanta ang kinaroroonan ni Celine. Papahatid lang.
Matapos masigurong nakalock na nang mabuti ang cafè ay naglakad na kame papunta sa sasakyan nito, halos pigil ang paghinga ko ng pagbuksan ako ng pinto para makasakay. Kilig to the bones ang lola mo.
Abot tainga ang ngiti ko dahil sa gesture nito. Pinanalangin ko tuloy na sana pala taga Laguna man lang ako o Batangas para malayo layo ang paghahatiran nito saakin.
Mabuti na lamang at traffic pa Makati mula sa Quezon City. Kahit paano matagal ko itong nakasama sa sasakyan nito.
Bumaba na ako sa kanto papasok saamin, hindi rin kasi kakasya ang sasakyan nito papasok.
"Thank you.." nakangiting sabi ko. Ang akala ko ay papasok na ito sa loob ng sasakyan nito muli ngunit nilock nito ang sasakyan.
"Ihahatid na kita hangang pinto ng bahay niyo." Anito saakin, hindi tuloy mapuknat puknat ang pagkakangiti ko.
Shet Kuya wag sweet masyado. Naiwika ko sa isip. Baka ipagkaluno ako ng katawang lupa ko bigla.
Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa kanto. Sadyang binagalan ko lang rin ang paglalakad pare feel na feel ko.
"Nakuu super thank you talaga." nakangiting sabi ko, nasa harap na ako ng bahay namin. Wala na rin tao sa labas dahil alas onse na rin ng gabi.
"No problem." anito,
"Ingat ka pag-uwi." sabi ko, tumango naman ito at naglakad na pabalik sa sasakyan nito. Hindi ko na rin ito inalok na magkape uli dahil nagkape naman na kame kanina, isa pa gabi na rin at baka may pasok pa ito bukas.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay halos magtitili ako sa kilig. "Promise Lord magustuhan niya lang ako magtitino na talaga ako. Matino naman ako, mas pagtitinuan ko pa po!" mahinang usal ko na pinagsalikop ko pa ang mga kamay. Kulang nalang magnobena ako matupad lang iyon. Imagine ang crush ko ay gusto na rin ako ang bongga sana.