Clark
.
.
.
"ANY LEAD?" tanong ko kay Sebastian, umiling ito.
I clenched my fist pakiramdam ko habang lumilipas ang araw at linggo lalo akong nahihirapan na mahanap ang kinaroroonan ng kapatid ko.
"Masyadong ginalingan ng kapatid mo ang pagtatago. Ang banko na pinagwithdrawhan nito ng pera ang huling lead sakanya." ani Sebastian
"How about CCTV's?"
"Nagkakalap na kame pero maraming establishedment ang sira ang CCTV after noong sa banko. Wala na kameng matrace." paliwanag nito. I know how good Sebastian and his team. "Pati si Felicity nakamonitor sakanya simula ng maglayas si Celine pero walang movement si Felicity wala siyang kinatagpo noon."
"So posible na ang ginamit sa pampagawa ng shop nila ni Celine ay matagal ng naibigay kay Felicity bago pa man magkaroon ng gulo." masyado ngang ginalingan ni Celine ang pagtatago, ang kina kinatataka ko sino ang posibleng tumutulong dito? Ang isang kaibigan nito na si Sophie ay nasa London at hindi naman umuuwi pa.
"I have an idea." nilingon ko si Seb
"What is it?"
"Akitin mo kaya si Felicity para ikanta ang kinaroroonan ng kapatid mo?" sinamaan ko ito ng tingin, wala sa bokabularyo ko ang gumamit ng ibang tao.
"Hindi ko gagawin iyan." ngalingaling batukan ko ito sa naiisip.
"Come on, alam kong crush ka noon dati pa." napalingon ako dito bigla.
"Crush ko ni Felicity?" hindi makapaniwalang tanong ko, I didn't notice that.
Tumawa ito. "Walanghiya, hindi ka aware? Well mas nakakausap ko kasi iyon compare sa iyo, biniro ko pa iyon dati noong nasa bahay niyo ayun umamin " tawa tawang sabi nito. "Kapag kinulit mo iyon tiyak bibigay rin iyon at aamin sayo, malay mo may alam iyon talaga sa pinagtataguan ng kapatid mo remember magbest friend sila.", dagdag pa ni Sebastian.
"I still won't do that!" matigas na sabi ko,
"Saakin suggestion lang naman tiyak naman mauunawan ka ni Felicity." sabi pa nito.
"Paano kung wala talaga siyang alam?" tanong ko, nag-iisip rin ako kung paano ko nga ba mahahanap si Celine.
"Well still kung wala siyang alam mauunawaan pa rin niya ang reason mo, kapatid mo iyong nawawala diba?" unfair pa rin para saakin ang ganoon, ayokong lumabas na manggagamit ng tao, baka pati si Celine ay sumama ang loob saakin.
"Ikaw na ang bahala sa bagay na iyan, basta ipagpapatuloy namin nila Alex ang paghahanap kay Celine." sabi na lamang nito,
Nilagok ko ang alak na iniinom namin, hindi na ako makakali kung aabot pa ng buwan ang pagkawala ni Celine, kailangan ko ng kumilos kung kinakailangan kong maghire ng mas maraming tao gagawin ko matunton ko lang ito.
"Maiba ako nag-usap na ba kayo ni Sean?"
Umiling ako, after namin magtalo ni Sean noong nakaraan ay hindi ko na ito muling kinausap pa, masama pa ang loob ko dahil sa paglalayas ni Celine.
"Hahanapin ko nalang muna si Celine bago ko siya kausapin." nasabi ko na lamang dito, ayoko pa rin na magkaroon ng hidwaan sa pagitan namin ni Sean dahil alam ko naman noon pa ang kwento ng pagmamahal nito sa kapatid ko. Pero kuya ako, kapatid ko si Celine at masakit rin saakin ang kaalaman na nasasaktan ito ngayon tapos ay naglayas pa.
Nagaalala rin ako sa magulang ko wala pang alam ang mga ito kaya hangang kaya ko pang itago sa Mommy at Daddy ang paglalayas ni Celine ay gagawin ko.
Nagsalin ako muli ng alak at inisang lagok iyon. Pilit kong hinahalukay ang posibleng tumulong sa paglayo ni Celine pero kaunti lang ang kaibigan nito. Si Felicity nalang talaga ang natitirang kaibigan nito. I need to find her no matter what.
"Kuya Clark," napalingon ako sa pinto mula sa lanai kung nasaan kame ni Seb, si Cristine iyon hawak nito ang telepono. "Its Mommy."
Maging si Sebastian ay natigilan, tumayo ako at nilapitan ito upang abutin rito ang telepono. Overseas call iyon mula Australia. Kinuha ko kay Cristine ang telepono.
"Mom," sabi ko
Umiiyak ito sa kabilang linya, napalingon ako kay Cristine umiyak ito from then alam kong sinabi na niya kay Mommy ang pag-alis ni Celine.
"Ang kapatid mo, Clark ang bunso ko.." anito sa pagitan ng mga hikbi. "Find your sister, please find her."
Bumuntong hininga ako, naninikip ang dibdib ko alam kong nasasaktan ang Mommy ramdam ko. "I will Mom, I will find her. Just plesse stay calm, hahanapin namin siya ni Seb." pangako ko rito.
"Please son, please."
"Yes, I promise." sagot ko,
Nag-usap pa kame ni Mommy at maging ang Daddy ay panay ang bilin na rin gusto na ng mga ito na umuwi ng Pilipinas at isama ang lolo Segundo at lola Melissa ngunit inawat ko ang mga ito alam kong hindi makabubuti kina lolo at lola na magbyahe pa. Nangako na lamang ako na gagawin ko ang lahat matunton lamang ang kinaroroonan ni Celine. Kumalma naman ang Mommy dahil sa sinabi ko.
Nilapitan ko si Cristine, alam kong maging ito ay nahihirapan. Napupuyat rin ito kakaalala sa kapatid namin. Si Felicity nga ba ang sagot ng lahat ng ito? Alam niya kaya talaga kung nasaan ang kapatid ko? Damn it. I imagined her, looking at her beautiful face, NO I can't do that to her. She's so innocent!
******
Felicity
.
.
.
TAPOS na ang lahat ng gawain nila Kuya Dino, naalis na rin nila ang mga naiwang kalat. Malinis na malinis na ang buong cafè at maging sa labas at likod na bahagi kung saan may parking space pa.
Pinapasok ko na ang mga tauhan ko upang magamay na rin nila ang kusina at cashier station. Ang cook na kinuha ko ay pinagluto ko rin ng ilang putahe na nasa menu, I wanted to be sure kung ayos ba ang lasa. Bukas na ang blessing at soft opening namin kaya ayokong may pumalpak.
"Ma'am may bisita po kayo." nasa kusina ako at ginaguide si Jas sa pagluluto ng pumasok doon si Eloisa ang waitress na kinuha ko.
Bago ko pa ito matanong kung sino iyon ay nasa likod na nito si Clark.
"Kuya Clark." bati ko dito, alangan ang ngiting ibinigay nito.
"Ouch, I feel old!" anito sabay ngiti saakin
Natawa ako dahil sa sinabi nito, kaya naman lalong lumapad ang ngiti nito. Jusko pakiramdam ko ang ganda ganda ko.
"What should I call you? Mr.Del Prado?" biro ko pa, sumeryoso ito.
"Just Clark, drop the Kuya." anito at lumapit saakin. Tiningnan pa nito kung ano ang ginagawa ko. I was making a spaghetti ang ginamit kong pasta ay iyong ginawa ko kanina, isa sa naperfect ko na cooking skill ko ay ang pasta dough kaya naman alam kong masarap ang mga pasta dishes na ginagawa ko.
"Gusto mo?" alok ko rito, nagulat ako sa pagharap ko dahil nasa likuran ko lang pala ito tumama tuloy ako sa matipunong dibdib nito.
Dumistansya ako rito ng bahagya para makakuha ng pasta bowl na paglalagyan ko ng spaghetti nito. Parang may mga dagang biglang naghahabulan sa dibdib ko, natetense tuloy ako.
"Smells good!" puri pa nito, pakiramdam ko nakasunod ang mga mata nito sa bawat galaw ko.
Matapos kong malagyan ng spaghetti ang bowl nito at nilagyan ko iyon ng fresh basil at parmesan cheese tsaka nilagay sa tray, ginawan ko rin ito ng fresh lemon tea juice. Akmang bubuhatin ko na ang tray para sa labas na kame ay ito na ang kumuha niyon.
Lumabas na kame ng kusina ang ibang tauhan namin ay nagkanya kanya na ng pwesto at kain. Umupo kame sa kabilang bahagi. Kinuha ko ang attention ng mga tauhan namin.
"Guys this is Clark Del Prado, older brother ni Celine na siyang may-ari ng The Cravings." pakilala ko dito, aware ang lahat ng mga tauhan ko na ang nagmamay-ari ng The Cravings ay si Celine Del Prado.
"Good Evening po Sir," magalang na bati ng mga ito kay Clark.
"Good Evening din sa inyo." nakangiting bati ni Clark sa mga ito, "Let's all eat." anito pa.
Ngumiti ako rito. "Kain ka na rin." sabi ko dito, kinuha nito ang bowl at sumubo. Pinanuod ko ito at inintay ang verdict nito.
"Wow, this is really good." puri nito, agad na nag-init ang pisngi ko sa papuri at ngiting ibinigay nito. Iyong feeling na para kang nasa ulap sa saya ng pakiramdam.
"Thank you," nakangiting pasasalamat ko.
Tumayo ako at nagpaalam dito na may kukunin lang sa kusina, I also bake strawberry short cake kanina at gusto ko rin na matikman nito iyon. As a chef gusto kong malaman din dito kung ano ang lasa ng gawa ko.
"Try this." wika ko ng makabalik sa pwesto namin, ibinaba ko ang platito na may strawberry shortcake. "I also made that."
Agad na tinikman naman nito iyon. Ngumiti ito saakin. "You are really a good chef, Felicity." nakakataba ng puso ang simpleng salita na sinabi nito. Malaking bagay iyon sa gaya kong baguhan pa lamang sa larangan na ganun. Kagaya nito na negosyante ay talagang nakakatuwa iyon. Iniikot nito ang mata sa kabuuan ng restaurant cafè. "This restaurant will going succeed no doubt about that."
"Punta ka bukas sa blessing at opening namin." wika ko inimbitahan ko na rin ito. "Kung hindi ka lang busy.." habol na sabi ko. Alam kong negosyante ito at kabi kabila ang pinamamahalaan bukod pa sa talagang tinapos nito na architect.
"Sure, what is that?" tanong nito, agad na namilog ang mata ko, hindi pa man ay biglang naexcite na ako na naroroon ito sa soft opening namin.
"Nine am."
"I will pick you up then."
I froze, unable to speak for a few seconds, I was still processing what he said. Parang high school akong kilig na kilig na hindi maipakita sa crush na kaharap. Hindi ko tuloy na pigilang mapangiti ng malawak, pakiramdam ko rin ay namula ang pisngi ko ng kusa. Jusko ginoo, kung nagagayuma ito sa mga niluluto ko dadamihan ko pa lalo.
"S-salamat." iyon lang ang tanging nasabi ko, hindi naman ako pwedeng magtatalon sa tuwa na susunduin niya ako bukas para sa blessing at soft opening. Kung pwede lang himatayin kanina pa ako hinimatay sa kilig.
"No problem," anito nagpatuloy na ito sa pagkain ng spaghetti ko panakanakang nililingon ko pa ito, napakagwapo talaga nito.
He's actually far from the Clark I knew, medyo nagiging talkative na rin ito at palangiti which is so new to me. Dati kasi noong nasa college pa kame nila Celine tahimik talaga ang kuya niya pagnandoon kame, kung baga sa professor ito iyong nahihindik ka dahil palaging seryoso sa buhay at pagagalitan ka oras na ibagsak mo ang subject niya. Tipong kapag late ka out ka na sa klase niya. Seeing him now, these past few days pakiramdam ko pa rin nasa ulap ako palagi. Mabait din naman pala ito gaya ni Celine at Ate Cristine. Hindi naman din pala ito suplado or cold.
"Why are you smilling?" pukaw nito saakin,
"Huh?"
"You are smilling..." ngumiti ito at tinitigan ako,
Oh Lord bakit mo naman hinayaan makita niya ang pagiging lutang ko?? kausap ko sa sarili, ipapahamak pa ako ng pagiging lutang ko.
"A-ano naiisip ko lang ang ano, iyong kalalabasan ng opening bukas. Tama yung opening bukas." muntik ng magkabuhol buhol ang dila ko sa pag-iisip ng isasagot dito.
"Sure they will like the food and the ambience too. The place is cozy and comfy, imagine nakakain na sila ng masarap at the same time na relax pa sila." sabi nito, his words nakakapagpalakas talaga ng loob, iyong mentor na iguide ka talaga with profer encouraging.
"Ang dami ko ng pampalakas ng loob na baon nyan." sagot ko dito, "Imagine I am getting all those encouraging words from Clark Del Prado, the famous name in the country." nakangiting dugtong ko pa,
"Ganoon ba kame kafamous?" tila hindi makapaniwalang tanong pa nito,
Sunod sunod ang tangong ginawa ko. "Palagi ka lang naman nasa business page ng mga magazines."
"Oh, nakikita mo ako doon?" lalong nagulat ang itsura nito, natutop ko tuloy ang bibig ko ibubuko pa ako ng dila ko na lahat ng magazine na nandoon ito ay sadyang binili ko. May ginupit rin akong lawaran nito na idinikit ko sa wall ng kama ko. Iyong para itong modelo na nakasuit at seryoso ang mukha. Ilang beses ko pang ginugood night kiss iyon.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang dugo ko sa mukha ko. Paano ko ba idedeny dito iyon?
"Huh ano..nakita ko minsan sa mall nakadisplay." sabi ko nalang, bahala na itong maniwala.
Tinitigan ako nito. I am dead. Para bang hindi ito naniniwala sa sinagot ko. Aminin ko kayang crush ko siya dati pa? Shet baka mawindang ito at hindi na makipaglapit saakin. Sino nga ba ako kumpara sa mga mayayamang babae sa bansa na magaganda rin.
Wala naman nalink dito pihikan yata ito kasi walang nalink talaga na babae rito o kahit nakadate man lang. Sa apat na taon kong kaibigan si Celine wala talaga akong nabalitaan na naging karelasyon nito.
Panginoon huwag naman di kame talo? Iiyak talaga ako pag di kame talo. Ang yummy niya pa naman..Ikennat.