Felicity
.
.
.
MAAGA kameng gumising ng family ko dahil aattend din sila ng ribbon cutting ng The Cravings. Kagabi ay hinatid din ako ni Clark pauwi ng bahay kaya naman napuyat ako kakaisip dito.
Nagring ang phone ko agad na binuksan ko iyon upang masagot ang tawag. Si Celine iyon.
"Beshy," halos patiling sabi ko sa sobrang excited. "I wish you were here!"
"Masaya rin ako beshy, finally." anito sa kabilang linya, natutuwa rin ang tono ng boses nito. "Soon makikita ko na rin ang pinaghirapan mong mabuo, thank you beshy sa paghahandle niyan kahit ikaw lang."
"Ano ka ba tayong dalawa, with your ideas too and money kaya nabuo ito." sabi ko,
Wala naman akong shinare na pera dito kaya technically Celine was the owner of The Cravings at masaya ako na naging bahagi noon, kahit na pilit inilalagay pa nito na 50/50 kame doon ay hindi ako pumayag hindi naman ako mapagsamantalang tao sa yaman ng iba. Ang sabi ko ay tatangapin ko iyon kung 10 percent lang ng ownership, then ng gawin nitong 40 ay hindi pa rin ako pumayag. Hangang sa ipilit nito saakin kahit 30 percent nalang ng ownership.
"Iupdate mo ako and take more pictures." bilin pa nito. Gusto ko sanang bangitin ang Kuya nito at magkwento kaya lang ay nahihiya ako. Sa susunod nalang ako mag-oopen dito.
Nang magpaalam ito ay lumabas na ako ng kwarto at upang maligo, naabutan ko ang Nanay Yolly ko na masayang nagluluto ng agahan namin.
"Morning Nay," nakangiting bati ko,
"Masaya ang Nanay, anak." sagot nito, at pakanta kanta pa habang naghahalo ng sinangag.
"Masayang masaya din po ako Nanay," nakangiting sagot ko dito, nginitian din ako nito.
Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo. Ang damit na susuotin ko ay binili ko pa noong nakaraang linggo sa Mall pinaghandaan ko talaga ang blessing at soft opening namin. May baon naman akong pamalit para sa kitchen since doon ang station ko.
Matapos maligo ay pinaupo na ako ni Nanay sa hapag upang makakain na kame.
"Kuuh iyang Tatay mo ay umiyak pa kagabi." ani Nanay habang kumakain kame,
"Sino ba naman ang hindi iiyak isipin mo hindi naman tayo mayaman pero heto at kasosyo sa negosyo ng kaibigan niya itong anak natin. Natutupad ang pangarap ng anak ko.." masayang sabi ni Tatay Arthur ko. I was so blessed with my parents kahit walang wala naman din talaga kame unti unti nakakaahon.
Simple lang ang buhay namin, madali kameng makuntento sa mga bagay at kahit kailan masasabi kong hindi natukso sa pera ang pamilya ko. We did our best upang magtagumpay sa sarili naming paraan.
Noong ipagkatiwala ni Celine ang ilang milyon nito para matuloy ang construction ng The Cravings, kahit piso hindi ako kumuha roon na pansarili ko. Ang pamasahe ko araw araw papunta doon ay saakin galing. Malaki ang tiwalang ibinigay nito saakin kaya sinuklian ko rin iyon ng tapat at kabutihan.
"Ay siya kumain na tayo ng hindi tayo mahuli sa pablessing." ani Nanay saamin. Ang bunso ko naman na kapatid na si Florence ay kagigising lang.
Matapos kameng mag-almusal ay nag-ayos na ako. Marunong akong maglagay ng make up at mag-ayos natutuhan ko iyon kay Celine at Sophie noon since wala naman akong pambili ng make-up madalas sila pa ang nagbibigay ng make-up saakin as a gift.
Lipstick lang naman ako at kilay na tao okay na. Pero dahil may event kaya kailangan kong magpaganda ng bongga.
Kinulot ko ng wavy ang hangang balikat na buhok ko.
Nang makuntento ako sa ayos ay isinuot ko na ang dress na binili ko sa SM, mahal iyon dinagdagan pa nga ng Tatay ang pambili ko niyon kahit sabi ko ay may ipon naman ako para pambili nga non. Manipis ang strap ng damit na lumabas talaga ang balikat ko, fit iyon sa baywang at medyo mababa ang neckline open rin ang likod at hangang paa ang haba since may heels ang gagamitin kong damit tamang tama ang haba niyon. I choose the nude color na damit na bumagay lalo sa skin tone ko since halos morena ang kulay ko.
"Anak nandyan na ang Kuya ni Celine." tawag saakin ni Nanay mula sa labas, biglang nagriggodon ang puso ko.
"Saglit lang po," sagot ko dito at pinasadahan pa ang itsura ko sa salamin bago lumabas.
Paglabas ko ay nakaupo na sa sofa namin si Clark. Ang mga magulang ko ay nakagayak na rin. Nakacorporate suit ito na talaga naman palaging bagay dito.
"Mauna na kayo anak nitong si Clark." ani Nanay saamin,
Tumayo si Clark. "Sumabay na po kayo saamin." magalang na sabi nito
"Naku tatawag nalang ang Tatay ni Felicity ng taxi, itong anak ko nalang ang isabay mo." nahihiyang sagot rito ni Nanay.
"Sige na po Nanay Yolly saakin na po kayo sumabay." pilit ni Clark dito, kaya wala na rin nagawa ang magulang ko kung hindi sumabay na rin kay Clark.
Ang kapatid ko ang nagbitbit ng damit pamalit ko. Kinuha ko naman ang bag ko na kapares din ng damit ko tsaka kame lumabas, nauna nang lumabas sila Nanay saamin.
Nagulat ako nang inalis ni Clark ang coat na suot nito.
"Wear this." anito at inilagay sa balikat ko ang coat nito. "Masyado kang maganda para maglakad ng ganyan." halos pabulong na sabi nito noong isuot saakin ang coat nito.
Kinilig ako doon ng sampung beses, ayan nanaman ito sa gesture nito. Dahil lalakarin pa namin palabas ang sasakyan nito ay may mga bahay pa nga kameng dadaanan mula sa bahay hangang palabas ng kanto.
Inalalayan ako nito sa paglalakad, naramdaman ko pa ang palad nito sa likuran ko na nakaalalay. May mga mangilan ngilan na tumitingin saamin lalo na iyong mga lalaki sa kanto namin na palagi ko naman nakikita.
"Ang ganda talaga ng anak mo Aling Yolly." anang isang lalaki kay Nanay, tinanguan lang ito ng Nanay at nagpatuloy kame sa paglalakad.
Naramdaman kong sa baywang ko na bumaba ang kamay ni Clark, kulang nalang ay mahapit ako nito. May ilang kalalakihan pa ang nagbigay ng pangalawang tingin saamin. Napangiwi ako ng may sumipol pa.
Kung hindi lang ako nakahigh heels at dress malamang natsinelas ko na ang mga kumag na ito. Sanay naman ako sa mga madalas na tingin ng mga ito araw araw ng buhay ko tuwing aalis at uuwi ako. Pero nakakainis rin at kung kailan may kasama ako ay tsaka pa naroroon ang mga ito. Ayokong isipin ni Clark na bastusin ako.
Nakahinga ako ng maluwag ng marating namin ang sasakyan nito. Tahimik na ito na ikinataka ko pa. Nagulat pa ako ng hawakan nito ang kamay ko bago pinagbuksan ng pinto ang Nanay ko. Nakasunod tuloy ako dito, tsaka nito binuksan ang passenger seat, inalis ko na ang coat nito at inabot iyon dito.
"Thank you." nakangiting sabi ko
Tumango lang ito bilang tugon, inalalayan pa akong makaupo dito. Tumingin pa ako rito nang sumakay na rin ito, kumunot ang noon dahil bigla ay ang tahimik nito.
Sa byahe ay nakailang lingon yata ako dito, sumasagot naman ito kapag kinakausap ni Tatay o Nanay. Ilang sandali pa ay nasa harap na kame ng The Cravings, bukas na iyon hindi ko muna pinalagay ang ribbon niyon pero nakalagay na ang bulaklak. Ipapabless kasi muna namin then later ang ribbon cutting.
Pinagbuksan muli ako ni Clark ng pinto at inalalayan na makababa. Halos dumikit na ang mukha ko dito ng bumaba ako, hawak nito ang kanang kamay ko.
Hawak pa rin nito ang kamay ko hangang makapasok na kame, naroroon na rin pala si Kuya Seb na nakangisi saamin at nakatingin sa kamay namin na magkahawak. Parang ang tingin nito ay iyong tipong ibablind item kame sa column bukas.
"Dang, you area so beautiful!" bati nito, bineso pa ako. Ang kamay ko ay ayaw pa rin bitiwan ni Clark. Nawiweirduhan na ako dito. Nang ibeso ako ni Kuya Seb ay halos hilahin na ako nito.
"And handsome as ever huh?" nakangiting biro ko pa, dati pa namin kabiruan na namin ito nila Celine at Sophie dahil napakagaan lang ng aura nito sa lahat ito ang hindi seryoso. Iyong very approachable at kapag nabiro mo ay bibiruin ka rin.
Tumawa ito sa sinabi ko. "Ako na ba ang bago mong crush?" naiwan sa ere ang sasabihin ko, pakiramdam ko namula bigla ang mga pisngi ko iniisip ko kung ibinuko na ba ako nito. Paktay kang bata ka.
"Ay si Kuya Seb," sabi ko tsaka tumawa.
"Aray ko, kuyazone agad." naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak saakin ni Clark. Lilingunin ko na sana ito nang magsalita si Kuya Sebastian muli. "Darating ba si Cristine?" tanong nito
"Nasa Singapore si Cristine may deal na isasara." sagot ni Clark kay Sebastian.
"Pupuntahan ko lang yung mga crew namin." paalam ko sa mga ito. Hawak pa rin ni Clark ang kamay ko kaya napatingin na ako doon. Marahan naman nitong binitiwan iyon.
Naglakad na ako papunta sa crew namin, magalang na binati naman ako ng mga ito. Chineck ko rin ang mesa ng mga pagkain para sa blessings dahil may mga inimbita pa rin ako na bisita. I even invited Sean dahil sa asawa niya pa rin ang negosyo na iyon. Hindi naman ito umoo at hindi rin naghindi. Hindi lang ito nagreply ng itext ko.
Dumating na ang pari na magbebless ng The Cravings kaya naman lumapit na ako roon. Matapos ang panalangin at gabay na ibinigay ni Fr.Joseph Filoteo ay binendisyon na niya ang buong cafè. Masayang binati pa kame nito at ipinalanangin na magtagumpay sa gabay ng Poong Maykapal.
Inasikaso ko pa ang pagkain ng grupo nila Fr.Joseph. Ang mga Nanay ay nagpasalamat rin kay Father Joseph ito ang Pari sa simbahan namin kung saan kame nagsisimba tuwing Sabado.
Nakailang ikot pa ako sa mga iilang nagpunta na bisita namin para pasalamatan sila sa pagsuporta. I take lots of pictures too na isesend ko kay Celine sa new private account nito.
Napalingon ako ng bumati si Simon Cristobal kina Clark at Sebastian. Si Simon ay ang bunsong kapatid ni Sean.
Nakangiti ito saakin kaya ngumiti rin ako, lumapit ito sa pwesto ko at bineso ako.
"Si Kuya Sean?" tanong ko, kagaya ni Kuya Seb ay naging kaclose ko rin si Simon simula ng maging asawa ni Celine ang kapatid nito.
Umiling ito. "Hindi makakarating kaya ako nalang ang pinapunta nila Mommy." malungkot na sabi nito.
Marahil ay hinahanap pa rin nito si Celine o lasing uli kagaya noong nakaraang linggo na nagpunta ito sa bahay namin ng lasing at hinahanap si Celine.
"Kain ka?" alok ko dito, sinamahan ko pa ito sa buffet table.
Mamayang alas dos ay magribbon cutting na kame para sa soft opening namin. Kaya ang ibang ay tapos nang kumain.
"The place is really beautiful you did a good job sa interior design." puri ni Simon, ngumiti ako.
"Salamat, mamaya magribbon cutting na rin kame para makapag soft opening na."
"Then I will stay a little longer pala." nakangiting sabi sagot nito. Lumapit ito ng bahagya saakin. "By the way you look stunning today. More beautiful actually, your dress suit you well." bulong nito, namula ako sa papuri nito.
Si Clark na kanina ko pa inaantay na purihin ay wala nganga ang peg ko, baka mataas ang standard ng maganda para dito.
Natawa ako ng bahagya. "Ay parang si Kuya Seb lang bolero."
"That's true." sabi nito. "May galit rin yata saakin si Kuya Clark ang sama makatingin." anito pa, napalingon tuloy ako sa gawi nila Kuya Sebastian at Clark hindi maipinta ang mukha ni Clark, madilim iyon ngumiti ako at parang wala itong nakita si Kuya Seb lang ang nagbalik ng ngiti saakin.
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko, sa sasakyan kanina ay tahimik na ito. Baka may problema lang kaya wala sa mood.
"Baka wala lang sa mood." sagot ko kay Simon.
Nagkibit balikat lang ito. Matapos kumuha ng food ay umupo na ito sa bakanteng mesa na naroroon. Hindi ko tuloy alam kung iiwanan ko ba itong mag-isa roon. Pinili ko nalang na manatili sa mesa rin nito para hindi ito maout of place.
Matapos nitong kumain ay nagpaalam ako na kakausapin ang ilang crew ko na magkakabit ng ribbon sa harap ng cafè may mangilan ngilan na rin na tao sa labas. On promo kasi kame ngayong soft opening, lahat nang nabigyan ng stub ay makakatangap ng atleast 50% off. Strategy iyon na idea ni Celine na nag go rin ako dahil maganda naman ang idea. 50 stub lang ang ipinamigay namin para sa soft opening namin.
Abala na rin ang kitchen ng The Cravings, ready na sila sumabak sa soft opening.
Dumating na ang host na kinuha namin para magpasinaya ng pagriribbon cutting. Lumabas na kame, maayos na rin sa loob pati ang mga mesang ginamit namin kanina. Inalis na rin ang buffet set up na ginawa noong blessings.
Muntik na akong mapapitlag ng may humawak sa likod ko na hindi natatakpan ng damit. Ramdam ko tuloy ang init ng palad niyon. Pag-angat ko nang tingin ay si Clark iyon.
Hindi ko na naririnig ang sinasabi ng MC host tanging ang lakas na lamang ng t***k ng puso ko ang naririnig ng tenga ko. Bumaba ang kamay nito sa baywang ko, lalo tuloy akong natense.
Ibinigay saakin ng Host ang mga gunting inabot ko kay Clark ang isa para tigkabila kame ng gugupitin na ribbon ng sabay.
"Bigatin pala ang mga bisita ng The Cravings." wika pa ng host. "Mga naggwagwapuhang Del Prado's at Cristobal." puri pa ng Lui ang host na kinuha namin. Nagtilian tuloy ang ilang mga costumer na may stub na.
Sino nga bang hindi titili sa mga ito ay mga gwapo naman talaga.
Nagtungo si Clark sa kabilang bahagi ng ribbon, pinicturan muna kame bago sabay namin na ginupit ang ribbon. Nagpalakpakan pa ang mga tao, pinapasok na rin namin ang mga costumers, dahil malawak ang The Cravings ay hindi naging siksikan iyon.
"Congrats." bati ni Simon,
"Thank you," nakangiting sagot ko.
Lumapit saamin ang mga Nanay, "Anak mauuna na kame at tiyak na magiging abala ka na." anito, "Magtataxi nalang kame."
Lumingon dito si Simon. "Pauwi na rin po ako, isasabay ko na po kayo." boluntaryo nito.
"Nakakahiya naman sa iyo iho." anang Nanay ko dito.
"Okay lang po, pampagoods po iyan ng record ko dito kay Felicity" anito at kinindatan pa ako,
"Loko to, mamaya maniwala si Nanay." sagot ko,
Tumawa lang ito. Hinatid ko pa ang mga ito sa labas kung saan naroroon ang sasakyan.
"Ingat kayo." sabi ko pa kumaway pa ang mga ito bago pinaandar ni Simon ang sasakyan. Nang makalayo na ay pumasok na rin ako sa loob. Kailangan ko ng magpalit ng damit at tumulong sa kitchen.
Pumasok ako sa opisina namin ni Celine, naroroon ang damit na pamalit ko. Nang makapasok ay kinuha ko sa paper bag ang damit. Hindi naman ako nahirapan na hubarin ang suot ko na dress. Sinuot ko muna ang bra tsaka ang white long sleeve polo.
Saktong nagbubutones palang ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
"s**t!" mura ko bigla akong napaupo sa sofa roon dahil hindi ko pa nasusuot ang pantalon ko.
"You didn't lock the door!" ani Clark nakatingin ito saakin. Hantad na hantad tiloy dito ang mga hita ko.
Gusto ko sanang ikatwiran dito na nawala sa isip ko dahil nagmamadali akong makapagpalit ng damit. Tinungo nito ang paper bag at kinuha roon ang pantalon ko tsaka inabot iyon saakin. Tumalikod naman ito kaya nagawa kong isuot iyon. Hiyang hiya tuloy ako.
Nang maisuot ko na ay humarap na ito. "Mauuna na kame ni Seb," anito,
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi, hindi ako makatingin ng diretso dito naaalala ko pa rin ang eksenang dinatnan nito.
"Thank you sa pagpunta at paghatid na rin samin nila Nanay kanina." sabi ko tsaka tipid na ngumiti.
"No problem, next time lock your door kapag ikaw lang mag-isa dito." anito pa.
"I will. Ingat kayo." sumabay na ako sa paglabas nito ng pinto.
Kinawayan ko pa si Kuya Seb bago lumabas na ng tuluyan ang mga ito. Hawak ko pa ang dibdib ko na ang lakas pa rin ng t***k hangang sa makarating ako sa kitchen. Abala na roon si Jas dahil dumarami na ang order nito.
Inabala ko na ang sarili ko sa pagtulong sa pagluluto ng mga food na inorder ng mga costumers namin. We need to give out best para mas makilala kame ng tao at tangkilikin.