Chapter 4

2670 Words
Felicity . . . NAPAPANGITI ako sa feedback na nakukuha ng The Cravings mula sa mga costumer namin. May f*******: page na rin kame at isa si Celine sa admin noon ng nasusubaybayan pa rin nito ang cafè restaurant nito. Mula sa kusina ay nagtungo ako sa opisina ko. Isang linggo na rin nag ooperate ang cafè restaurant and so far so good ang takbo niyon. Napalingon ako ng may kumatok mula sa opisina ko. "Come in." sabi ko "May nagpadala po ng flowers, ako na po nagreceive." ani Eloisa bitbit nito ang boquet ng pink long stem roses. Tumayo ako at inabot iyon. "Kanino galing?" tanong ko nang kuhain ko. "Hindi ko po alam Ma'am." magalang at nakangiting sagot nito. Binasa ko ang card na naroroon. "Hey, I miss you.... from C.DP" bumundol ang kaba sa dibdib ko, CDP? stand for Clark Del Prado? Its him. Napangiti ako nang malawak. "Feeling ko ang ganda ko." nausal ko tuloy "Ma'am napakaganda niyo po." ani Eloisa na naroroon pa pala. "Binobola mo naman ako." nakangiti kong sabi. "Naku Ma'am Felicity maniwala po kayo napakaganda niyo po, may make up o wala ang ganda ganda niyo pa rin po." puri nito, gusto ko tuloy biglang maniwala. "Kaya sagutin niyo na po si Sir Clark." Nagtatakang napatingin naman ako dito, "Hindi naman ako nililigawan nun," ayokong maging assuming sa ikinikilos ni Clark, kahit halos araw araw akong hatid sundo nito. Nitong huling tatlong araw lang ito hindi nagagawi sa The Cravings dahil malamang ay busy ito sa project at negosyo nito. "Akala ko po manliligaw niyo kasi palagi po kayong hatid sundo tapos lagi po kayong tinitingnan. Iyong tingin na humahanga sa ganda ninyo." anito, pakiramdam ko pumalakpak ang tenga ko sa sinabi nito, Si Clark? Si Clark nagagandahan saakin?? Sa gwapo nito parang imposible iyon. Imposible talaga na magkagusto ito sa ordinaryong babae na gaya ko. Bukod sa hindi ako popular na babae ay mahirap pa ang pamilyang pinagmulan ko. "Naku imposible iyon napakayaman nun' para magkagusto sa gaya ko." bigla ay nalungkot ako, hangang pangarap nalang talaga ang gaya nito. Dahil kung hindi naman naglayas si Celine hindi rin naman talaga ako lalapitan nito o kakausapin nito. Nakaramdam ako nang mumuntik kirot sa dibdib ko sa isiping iyon. Praktikal lang din naman akong tao, alam ko rin naman kung saan lulugar. At ang gaya nito ay isang malayong pangarap nalang talaga na imposibleng matupad. Hindi gaya ni Sean at Celine, na crush ni Celine ito tapos nakatuluyan pa rin, magkahiwalay man ngayon I know someday magkakabalikan rin sila. Sa ginagawa ni Clark na paghatid sundo at heto nagpadala pa ng bulaklak binibihag lang nito lalo yung puso ko. Na kung dati crush ko lang ito ngayon iba na, hindi ko nalang ito crush. Lumabas na si Eloisa mula sa opisina ko. Sinamyo ko ang roses na bigay ni Clark, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pagbibigay nito ng bulaklak saakin na may ganoon na caption pa. Tinitigan ko pa uli ang bulaklak bago marahang inilapag iyon sa mesa ko tsaka ako lumabas. Marami rami na rin tao sa loob ng The Cravings. Dalawa naman ang katulong ko sa kitchen kaya tumao muna ako sa harap ng kaha. Si Eloisa ay abala sa pagseserve ng food na order ng costumer namin. "Good Morning po, welcome to The Cravings." nakangiting bati ko ng lapitan ko ang lalaking kauupo lang. "Hi, I didn't know that they have a very pretty staff here. Well they are pretty but you're prettier." nakangiting sabi ng lalaki, luma na ang style nito pero dahil costumer is always right ngumiti ako. "Actually Sir, I am the Chef." nagulat ito. "Oh, that's why I never see you here everytime na pumupunta ako rito." tumango tango ito. "I am Warren." pakilala nito, "Felicity, Sir," tugon ko. "May I have your order Sir?" magalang na tanong ko. Alam kong ang mga ganitong costumer ay hindi maiiwasan kaya trained din ang mga tauhan ko. Mukha naman harmless ito at disente. "I will have your pasta in red sauce, three way cheese beef sandwich and black coffee." anito, matapos isulat ang order nito ay nagpaalam na ako halang gusto pa nitong makipag-usap ngunit dahil business is business ay magalang akong nag exit para gawin ang order nito. Tinungo ko agad ang kusina at ginawa ang order nito. After twenty minutes ay kinuha na ni Eloisa ang order at dinala dito iyon. Inabal ko na ang sarili sa pagluluto ng mga dumarating na order pa. Si Jas at Carlo na abala rin sa kusina. Rotating ang lunch break namin dahil mas maraming tao doon kaya kapag hindi matao ay nagpapabreak time na ako sa iba para paghandaan ang lunch time. Same rules apply kapag dinner time. Alas nuebe na ng gabi at closing na kame. Nakaligpit na rin ang lahat ng mga tauhan ko. Kapag may sumosobra kameng gawa ng pastry bread ay hinahati ko iyon sa tauhan ko at pinauuwi. Gusto ko kasing imaintain na fresh everyday ang binebake namin na tinapay. Pinauna ko ng umuwi ang staff ko maging si Manong Gener na guard namin. May kailangan lang akong asikasuhin na details na income everyday ng The Cravings kailangan nakatala iyon sa report na sinasubmit ko kay Celine. Tuwing breaktime ko ay pumupunta ako sa banko na walking distance lang dito para ideposite ang kita ng The Cravings sa bank account niyon. Napatingin ako sa tumunog na phone ko. Nang tingnan ko iyon ay pangalan ni Clark ang na sa screen. "Hello," sagot ko "Can you let me in?" anito, nagtaka ako. "I'm outside." sabi nito agad na lumabas ako hawak ang susi nasa labas nga ito ng cafè. "Gabi na bakit dumaan ka pa?" tanong ko rito matapos itong pagbuksan. Nilock ko kasi ang pinto ng cafè since ako nalang mag isa at nasa office pa ako. "Gabi na bakit nandito ka pa?" anito sa halip na sagutin ang tanong ko. "Overtime...paper works." sagot ko. Sinusian ko uli ang pintuan dahil baka mamaya ay may masamang loob na biglang pumasok lalo at gabi na. Binaba nito ang bag na dala, naka V-neck white shirt nalang ito. Malamang ay nakauwi na ito sa bahay. "Kumain ka na?" tanong ko, Umiling ito. "Actually hindi pa, kararating ko lang din from Australia." anito, nagulat ako roon dahil hindi ko alam na nasa abroad pala ito. Bukod sa hindi rin naman ako ininform nito at sino nga ba ako para iinform pa nito sa lakad nito? "Wait, ipagluluto kita." sabi ko dito at akmang tutunguhin ko na ang kusina ng bigla ako nitong hawakan sa pulsuhan at hilahin papalapit dito. Matapos akong hilahin nito palapit dito ay ipinaikot nito ang isang kamay sa likod ng baywang ko upang mahapit ako. Natutuliro ang isip ko hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang kinikilos nito. Gusto ko itong sawayin pero nanatili lang akong nakasunod sa bawat galaw niya. "Did you receive the flowers?" tanong nito halos tumatama sa noo ko ang mainit at mabangong hininga nito. Nalalanghap rin ng ilong ko ang pabango nito sa damit. Manghihina yata ang tuhod ko dahil sa ginagawa nito. "Y-yes, thank you." mahinang sagot ko. "I miss you..." anito, napalunok ako dahil roon, kung sa card nito ay kinilig na ako what more pa ngayon na harapan na nitong sinasabi iyon. I stay quiet hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Mas nangingibabaw sa isip ko ang mga tanong na bakit ito ganoon? Gusto na rin ba ako nito? Bumaba ang mukha nito sa mukha ko, naramdaman ko rin na humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang ko. Halos magkayakap na nga kame kung tutuusin, bahagya ko itinukod ang mga palad ko sa dibdib niya. Napapikit nalang ako nang tuluyan na nitong sakupin ang labi ko, magaan lamang ang pagdampi ng labi nito. Goodness he was my first kiss, I never kiss any man in my whole life. Ito lang talaga ang nakahalik saakin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, I welcomed his kisses. First kiss ko man ito nakakapanuod naman ako ng mga english film na may halikan. Ginaya ko lang din ang paghalik nito. Kusang umangat ang kamay ko sa batok nito, dahil roon mas naging malaya ang kilos nito. Lumalim ang halik nito saakin, he parted my lips and conquered my mouth fully. Ang halik nito ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam saakin, foreign feeling na ngayon ko lang din naramdaman. I moaned as he continue exploring my mouth. Ang kamay nitong nasa baywang ko ay humahagod na sa likod ko na minsan ay napipisil pa ang baywang ko. Nang matapos halik na pinagsaluhan namin ay halos mapugto ang hininga ko. Sumandal ako sa dibdib niya nahihiya ako, hindi ko alam kung anong pwede niyang isipin saakin dahil sa pagtugon ko sa halik nito na pwede ko naman iwasan o bawalan siya. Nanatili ako sa ganoong posisyon, nakasandal lang sa dibdib niya. Naramdaman ko nalang na yumakap ito saakin at ang baba nito at nasa ulo ko na. Ilang minuto rin kameng ganoon lang. "Ipagluluto na kita." wika kong hindi makatingin dito. Kumalas ako sa pagkakayap dito at tinungo na ang kusina. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako nito awatin sa pagpunta roon. Sumunod lang ito at pinanuod ako sa pag gawa ng pagkain nito. "Gusto mo ba ng rice?" tanong ko dito, tumango ito kaya nagsalang ako ng kanin sa maliit na rice cooker ko na ginagamit ko pag emergency. Matapos magsalang ng kanin ay kinuha ko ang karne na kalalagay lang din namin sa freezer. Kumuha ako ng konti at hiniwa iyon. Ipagluluto ko nalamang ito ng pinakamabilis at simpleng ulam. Adobo ang naisip ko since mas magtatagal kung techinical na putahe pa ang ihahain ko dito. I chopped some tomatoes and onion para gawing pickle as side dish, nilagyan ko rin ng sili iyon to give some kick. Saglit lang ay naluto na ang kanin dahil dalawang cup lang naman iyon. Kinuha ko ang bigger plate, inayos ko doon ang kanin at ulam nito sa sauce cup ko naman nilagay ang side dish na ginawa ko. Kumuha ako ng mineral bottle at baso para sa inumin naman nito. Nilagay ko ang lahat ng mga iyon sa serving tray. "Let me," anito, binuhat nito ang tray palabas ng kusina. Hindi ako agad sumunod dito, gagawa nalang ako ng kape ko since kumain naman na ako. Naglagay ako ng coffee bean sa coffee maker pang dalawang baso iyon para kung sakaling gusto rin nito ay ipagsasalin ko nalang ito. Napapitlag ako nang yumakap ang mga braso nito sa baywang ko nakatalikod ako mula rito, nasa harap ako ng coffee maker dahil inaantayo ko na kumulo ang kapeng ginawa ko. "Clark.." usal ko. Isinandal nito ang baba sa balikat ko, tila may mga daga nanaman sa dibdib ko na naghahabulan sa bilis ng t***k ng puso ko. "I've been dying to do this....since I saw you in that beautiful dress." bulong nito, ang tinutukoy ba nito ay noong blessing at opening ng cafè? "And.....you have the power to make me jealous over nothing." Jealous? What does he mean? Jealous kanino? At bakit ito magseselos? Nahihirapan magfunction ang isip ko sa kakaisip kung bakit ito ganoon. Napipi ako at hindi makapagsalita, iniharap ako nito at nakulong ako sa mga bisig nito nang itukod nito sa countertop ang mga iyon. He bend down para magpantay kami dahil malaking lalaki ito. Tinitigan ako nito tsaka ngumiti. "You are very beautiful, Felicity." anito He knows how to weaken a woman's, gustong manlambot ng mga tuhod ko s papuri nito. "Am I?" nagawa ko pang itanong. "Yes you are," hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa pagkakaipit. Inilagay nito iyon sa gilid ng tenga ko. "You don't have any idea how many times you gave me a sleepless night." Tinitigan ko ito binabasa ko sa mukha nito kung totoo ba ang sinasabi nito. "I didn't know na bolero ka rin pala." nakangiti kong sabi dito. Sumeryoso ito. "Not my character, babe.." and he's using endearment now. Gusto ko sanang kurutin ang pisngi ko dahil pakiramdam ko nananaginip lang ako at hindi totoo ang lumalabas sa bibig nito. We have been close just recently, more than two weeks palang kung tama ang bilang ko. Tinalikuran ko ito at isinalin ko na sa baso ang kape. "Gusto mo rin ba?" pag-iiba ko ng usapan. "Yes, I love you coffee by the way." sagot nito, kumuha ako ng mug at nagsalin doon. "Halika na lalamig na ang pagkain mo." yaya ko dito akmang kukunin ko na ang dalawang mug na may kape ay mabilis ako nitong iniharap at siniil ng halik muli. This time he's more agressive para akong malulunod agad sa halik na ginagawa nito. Mapaghanap, malalim at nakakalunod ang halik na nito. Ilang sandali pa ay ito na rin ang kusang pumutol niyon. I heard him curse too. Kinuha ko na ang mug at naglakad kame na parang walang nangyari. Mabuti na lamang at hindi nanginginig ang kamay ko habang hawak ang mga baso. Ibinaba ko ang mug sa mesa at hinila ang upuan para makaupo ako. "Dig in." sabi ko. Tumingin ito saakin. "Hindi ka kakain?" tanong nito, Umiling ako. "Kumain na ako kanina pa, kape nalang ang saakin." nakangiting sagot ko. Nagsimula na itong kumain, habang kumakain ay nagkwentuhan pa kame. Sinabi nito na up to until now ay tinetrace pa rin nila ni Sebastian si Celine ngunit madalas ay dead end na. Nalaman ko rin na kaya ito nasa Australia ay dahil binisita nito ang Mommy at Daddy nito na nag-aalala na rin kay Celine. Nang mga oras na sinasabi nito iyon ay halos pagpawisan ako at the same time nakokonsensya rin ako dahil sa paglilihim ko. I'm sorry Clark, nangako ako kay Celine. I'm sorry. Nakagat ko ang ibabang labi para maibsan ang nararamdaman ko. "Best adobo that I have ever eaten, the side dish was really good at it." puri nito matapos maubos ang pagkain. Kinuha ko iyon pati ang baso namin upang hugasan. Matapos kong maghugas ng pinagkainan ay nagligpit muna ako sa opisina bukas ko nalang tatapusin ang ibang gawain ko na naiwan. Gabi na rin at baka inaantay na ako nila Nanay. Hinahid rin ako ni Clark pauwi, wala naman itong palya sa paghatid at sundo saakin talaga lalo kung naririto ito sa bansa. Hindi na traffic kaya saglit lang ay nasa kanto na rin kame ng papasok saamin. "Salamat," nakangiting sabi ko. Bumaba ito at pimagbuksan ako, alam kong ihahatid pa rin ako nito hangang sa pintuan ng bahay namin gaya ng palagi nitong ginagawa. This time magkahawak kamay kamenv naglalakad papasok sa kanto namin. Ang gabing ito na yata ang pinaka the best na nangyari sa buhay ko, ilang araw ko nanaman pagpupuyatan ito kakaisip dahil nakakasiguro akong paulit ulit itong magpaflash sa isip ko. Ang yakap at halik nito at ang mga salita nito. Parang batang kilig na kilig ako dahil dito. "Thank you so much, kakahatid mo sakin pati ikaw ginagabi na." sabi ko, ngumiti lang ito. "I love doing this, no worries." anito hindi na ako nagulat ng hapitin ako nito at halikan muli sa labi. Gusto kong batukan ang sarili dahil inaasahan ko na nagagawin nito iyon. Parang inaantay ko pa nga kung mag gogoodnight kiss ba ito. I responded his kiss, nang lumalim iyon ay medyo kinabahan pa ako na baka may makakita saamin. Or gising pa ang Nanay o Tatay ko. "Good night..." he wisphered as he let go of my mouth, ngumiti ako ng malapad. "Ingat ka pauwi." sabi ko pa, tinanaw ko pa ito habang naglalakad ito papalayo bago pumasok sa loob ng bahay. "Thank you God for answering my prayer. I love you." usal ko pa. Masaya akong matutulog ngayong gabi, kung dati hindi ko ito maabot abot ngayon abot na abot ko na. Kung dati hangang tingin lang ako dito, ngayon napakalapit na. Oh I love him now...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD